Hershey POV
Niyakap niya ko pagkatapos niyang sabihin yun. Parang walang mangyayaring masama sakin sa yakap na yun.
Pagkabitaw niya sakin. Nagsimula na ulit siyang magdrive.
"You okay now? Nagugutom kaba? Daan muna tayo sa Mcdo para makabili ako ng fries and sa Seven Eleven para sa mogu mogu buko flavor mo."
Tumango nalang ako. Ewan ko pero kinakabahan pa din ako tapos mamaya siya lang mag isa yung uuwi sakanila.
Nagdrive thru siya sa mcdo at umorder ng dalawang BFF Fries at huminto siya sa seven eleven para bumili ng Mogu Mogu.
"Hey. Ayaw mo ba ng binili ko? I thought it was your favorite."
Di ako sumagot.
"Hey hershey. Don't make me worry. Okay ka lang ba talaga?"
"Yea Heize. Don't make you worry? Ako yung nag aalala para sayo e.Pano pag nasalubong mo ulit yung mga yun mamaya at ikaw nalang mag isa. Baka kung ano na mangyari sayo."
"Ako pa ba? Hindi no. Asa pa silang matatalo nila ko."
"Stop that."
"The what?"
"Yung pagiging mayabang mo."
"Okay okay. I will call Seven para may makasama ko."
Napanatag ako bigla sa sinabi niya. Di ko namalayan na nasa tapat na pala kami ng bahay. Patay lahat ng ilaw sigurado wala sila Mama. Pero ang mas nakakapagtaka.
"Hoy. Bakit mo alam yung bahay ko?"
"Genius ako hershey."
With that bumaba siya at bumaba na din ako."Sige na pumasok kana. Hintayin na kitang makapasok ubusin mo yang binili ko ha?"
May sobra pa kasing isang BFF Fries.
"Heize, Thank you for this day. At sa ginawa mo kanina nagkapasa pa tuloy ang gwapo mong mukha. Thankyou Kahit medyo ang gulo ng mga kinikilos at sinasabi mo minsan.
"You're always worth the fight hershey. Always."
Nginitian niya lang ako pagkatapos niyang sabihin yun.
Papasok na sana ko sa loob kasi pulang pulang pula na po ako kasing pula ng buhok niya sa mga sinasabi niya.
"Ah Hershey!"
Tawag niya sakin. Ano nanaman yun juicecolored!
"Ah bakit?"
"May tatanong lang sana ko sayo."
"Ano yun?"
Nag inhale exhale muna siya bago niya sabihin yung itatanong niya daw.
"Manliligaw ako"
Wait what? Is that a question?
"Is that a question Mr. Rodwell?"
"Ah basta manliligaw ako. I'll pick you up tomorrow bye! Pumasok ka na nga!"
Owemgee! Manliligaw daw siya ang gwapo niya para manligaw sakin sisterss!