Maicah's pov
Na gising ako na andito na lang ako sa kwarto ko at nagtaka ako pano ako naka punta dito ng maalala ko na.
"Shit! Si Gyan asan na kaya siya, siya yung taong huling nakita ko ng biglang nagdilim paningin ko"
Sinusubukan kong bumangon pero nanghihina ako parang naubos lahat ng lakas ko sa pag iyak ko.
"Ohh anak gising ka na pala teka jan ka lang kunin ko lang ang sopas para makakain ka" sabi ni Nay Ising
Tumingin ako ng orasan at nasa 8:00 na pala ng gabi. Sobrang sakit ng katawan ko. Nakita ko yung phone ko at agad kong kinuha ito para maitext si Gyan
(To: Gyan)
"Gyan gusto ko lang na magpasalamat sa pagtulong mo sa akin sa nangyari kanina. Gusto kong makabawi sayo. Pwede ba na magkita tayo bukas?"
Message sent---
Sana pumayag siya gusto ko makapagpasalamat sa kanya.
Andito na si Nay Ising at akmang susubuan ako
"Nay hindi na po ako bata" pagpigil ko sa kamay ni Nay Ising at nginitian siya
"Ang bilis talaga ng panahon dalaga na ang alaga ko" sabi ni Nay Ising
"Nay ako parin naman ang baby mo diba?" Pagpapacute ko kay Nay Ising
"Oo naman anak ikaw lang" at ngumiti si Nay Ising at inayos ang buhok ko
Na sanay na ako na kay Nay Ising ako naglalambing kasi minsan ko lang makasama ang parents ko hanggang ngayon hindi parin sila nauwi.
Natapos na akong kumain at wala parin na text si Gyan.
"Bakit ganito? Nung nakita ko kung paano niya ako pinagtanggol kay Ron humanga ako sa kanya mas feel ko na safe ako sa kanya"
YOU ARE READING
Unexpected Love (GxG)
RomanceMaicah Funtabella is a rich girl and living with a simple life. But she fall in love in unexpected time and in unexpected person. Please read, comment and vote for my story. Thank you guys