Chapter 2
Trisha’s POV
*Singapore*
Inihinto ni Dennis ang kotse sa tapat ng condominium building na tinutuluyan ni ko. Lumabas ito sa sasakyan at pinagbuksan niya ako ng pinto. Alalay niya ako sa siko hanggang sa pagsakay sa elevator na maghahatid sa amin sa ikalimang palapag ng condominium building.
“Thank you for giving me the opportunity to be a part of your birthday,” nakangiting sabi niya sa akin nang makarating kami sa unit ko. Hinawakan niya ang aking mga kamay. “Advance happy birthday again.”
Umiwas ako ng tingnin nang akmang hahalikan na niya ako sa mga labi. Saglit na natigilan siya, pagkuwa’y sa kamay ko nalamang siya humalik.
Hindi siya makatingin nang diretso sa mga mata dahil alam niyang napahiya siya nang tahasang pag-iwas ko.
“I’ll call you up tomorrow to greet you again.” Nasa tinig nito ang lungkot kahit nakangiti ito.
Niyaya ko siyang magkape sa loob ngunit tumanggi siya. Gusto ko tuloy isipin na nagtampo siya sa akin.
“Hindi ako nagtatampo,” nakangiting sabi niya sa akin na tila nahuhulaan niya ang aking iniisip. “Gusto ko lang na makapagpahinga ka na.”
Hinintay ko na lamang siyang makapasok sa elevator at pumasok na ako sa unit ko.
Napaupo ako sa sofa nang makapasok na ako. Isang one-bedroom unit ang tinutuluyan ko na pag-aari nang kumpanyang pinagtratrabahuhan ko. Sadyang nakalaan ito sa mga nagtratrabahong katulad ko na galing sa ibang bansa. Sa Raffles Avenue ito at malapit lamang sa opisina na pinapasukan ko sa Downtown Singapore.
Si Lowie ang kaopisina at kaibigan ko ang kashare ko dito. Isa itong junior programmer sa Systems and Technologies Company kung saan ay isang Web page designer-developer naman ako.
Tumayo ako at pumasok sa kwartong pinaghahatian naming ni Lowie. Wala pa ito dahil dumalo ito sa isang bridal shower at malamng medaling araw pa ang balik nito.
Tumingin ako sa relo ko. Magaalas-onse na pala nang gabi. Umupo ako sa gilid nang kama at binuksan ko ang aking bag. Inilabas ko mula roon ang regalo ni Dennis sa akin na naglalman nang bracelet.
Bukas pa naman ang eksaktong birthday ko, sa mga nakalipas na kaarawan ko si Lowie lang ang kasama ko para icelebrate ito. Kahit ilang beses akong imbitahin ni Dennis noon ay tinatanggihan ko kaya nagyon ko lamang siya pinagbigyan at hinayaang maging parte rin ito ng kaarawan ko at iyon marahil ang nagpalakas ng loob niya.
“Happy birthday to the most beautiful woman I have ever met.” Ito ang mga nabasa ko na nakasulat sa maliit na card sa regalo ni Dennis.
Apat na taon na siyang nanliligaw sa akin. Naging kliyente naming siya sa STC, at simula nang magkita kami ay nagpakita na siyasa akin nang interes. Kung tutuusin Dennis was every woman’s dream man. Gwapo, matalino, may pinag-aralan at nanggaling pa siya sa isang marangal na pamilya sa Pilipinas. Kaya naman marami ang nagtataka kung bakit hanggang ngayon ay hindi ko parin siya sinasagot.
Sa kabila nang walang linaw na panliligaw niya sa akin, nanatili parin siyang matiyaga. Sinabihan ko na itong manligaw na lamang sa iba ngunit ako lamang daw ang gusto niya.
“ I’ll marry you at once, sa kahit na anong simbahan mo gusto oras na sagutin mo ako.” Minsan sinabi niya sa akin ito.
Napailing nalang ako.
Imposible ang hinihilang niya sa akin.
Imposible dahil sa isang Adam Olivarez….
** I hope nagustuhan niyo guys.!
BINABASA MO ANG
As Endless As Forever
RomanceNapilitang pakasal si Patricica kay Adam para maisalba ang negosyo ng kanyang pamilya. Ngunit dalawang araw pagkatapos ng kanilang kasal ay nilayasan niya ito. Nagtungo siya sa Singapore at hindi na uli nagpakita. Pagkaraan ng apat na taon nasa hara...