Chapter 3

17 1 1
                                    

Chapter 3

*childhood days*

Trisha’s POV

Ang akala ko ay iyon na ang huling pagkikita naming ni Almira at nang kapatid nitong si Adam. Pero tila sinadya ang pagkakataon na muli kaming magkita. Nag-enroll din si Almira sa eskwelahang pinapasukan ko at nagkataon pang magkaklase kami.

Nagyakapan kami nang magkita kaming muli, na animo matagal nang magkaibigan gayong sandal pa lamang kaming magkakilala nito.

“Bakit ka nga pala nag-transfer,eh, grade four ka na? Dapat hinintay mo nalang na maka-graduate ka ng elementary.”

“na-kick out ako eh.” Pagtatapat niya sa akin.

O.O (itsura ko)

“Bakit?” tanong niya sa akin saka siya tumawa. “Hindi ko kasi maipasa-pasa ang Math. Tsaka nahuli akong nagba-vandalize.”

“eh, bakit mo naman kasi ginawa yon?”

“Ginaya ko lang ang classmate ko, eh. Minsan ko nga lang yon ginawa, tapos nahuli pa ako. Kaya eto, kicked out. Mabuti na lang at kilala ni Mamita ang principal dito kaya natanggap ako.”

“Sinong Mamita?”

“My grandmother. Halika na, bell na. pasok na tayo sa classroom.”

Iyon ang simula nang magandang pagkakaibigan naming ni Almira at maging sa pagitan niya at ang kuya Adam nito.

****

Nalaman kong ulila na ang mga ito. Sabay na namatay ang mga magulang nila sa isang planecrash nang minsang magtungo ang mga ito sa States para magbakasyonnoong tatlong taong gulang pa lamang si ALmira at si Adam ay sampung taon. Ang mga bangkay nina Fernando at Amelia Olovarez ang mga unang nakita sa crash site.

The loss of their both parents was a great shock to their family, especially to the business world, because Fernando Olivarez was known as the jewelry manate. Pag-aari nito  ang “Olivarez,” ang pinakamalaki at pinakakilalang jewelry store sa bansa.  Ang lola nilang si Donya CArmencita na ina ni Fernando Olivarez ang tumayong magulang nina Almira at Adam. Biyuda na ito dahil namatay ang asawa nitong si Eduardo sanhi ng isang massive heart attack.

“Mamita” ang tawag nila Adam at Almira sa lola ng nila at  “Pepito” naman sa lolo ng mga ito. Iyon ang endearment ng mga ito sa dalawang matanda.

Ako naman ay nagiisang anak nina Ramon at Elvira de Jesus. Nag-iisa ako dahil isang taonpagkatapos akong maisilang at tinanggal ang bahay-bata ng aking mama dulot ng tumor na namuo roon. Kapag kasi hindi sumailalim sa operasyon ang aking ina ay manganganib ang buhay nito. Kaya gustuhin ko man na magkaroon ng kapatid, hindi iyon mangyayari.

Medyo nakaririwasa naman kami sa buhay kahit hindi kami mayaman. Parehong may trabaho ang aking mga magulang. Ang aking ina ay nagtatrabaho sa isang malaking commercial bank samantala ang aking ama naman ay sa isang kompanya ng langis. Kayang-kaya akong itaguyod ng aking mga magulang sa magangdang paaralan para sa aking pag-aaral.

Dahil sa  pagiging magkaibigan naming ni Almira pati narin si Adam na eventually ay napalapit narin sa akin, nagging malapit sa isa’t-isa ang aking mga pamilya. Naging karaniwan na ang tanawin sa bahay ng mga Olivarez. Sa kahit na anong pagtitipon sa pamilya Olivarez ay naroroon ang pamilya ko.

Gayundin ang pamilya nila sa amin. Ang daddy ko ay malapit kay Adam dahil binatilyo ang nagging tugon sa anak na lalaki na pinapangarap ng aking ama. Sa kabilang banda naman, si Adam ay nagkaroon ng ama sa katauhan ng aking daddy.

Sa sobrang pagkakalapit n gaming mga pamilya, itinuring ko ng mga kapatid sina Almira at Adam.

Eventually, any animosity I felt towards Adam was erased. Nagging sobrang lapit namin sa isa’t- isa. Ito ang partner at escort ko sa lahat ng pagtitipon na dinadaluhan ko sa kabila ng maraming nanliligaw sa akin. Inggit na inggit sa akin ang mga kaklase at mga kaibigan ko dahil doon. Karamihan kasi sa mga ito ay may crush kay Adam. Bukod kasi sa saksakan ng yaman ay napakagwapo pa niya.

I trusted Adam. He was my protector and friend. Kaya naman nalungkot ako ng sobra ng umalis ito patungong California para mag-aral n gemology and Jewelry Manufacturing. Kaya kung gaano man ako kalungkot nung pagkaalis niya ganoon din naman ang saying naramdaman ko ng bumalik siya pagkatapos ng mahigit isang taon.

Sa iisang unibersidad din kami pumasok ni Almira nang magkolehiyo na kami. Computer Sciance ang kinuha ko ko dahil fascinated ako sa information technology at si Almira naman ay Mass Communication—kursong kaunti lamang ang Math sabi nito.

Nasa ikalawang taon na ako nang magpasyang sabay na magretiro ang aking mga magulang sa kanya-kanyang pinapasukan. Secued na naman daw ang dalawang taon ko pa sa kolehiyo kaya nagpasya ang mga ito na huminto sa pag-oopisina at nagtayo na lamang ng negosyo mula sa makukuhang retirement pay ng mga ito.

Garments factory ang itinayo ng mga magulang ko. Mga damit-pambata ang tinatahi nila. Iyon ang napili ng aking mga magulang sa impluwensya narin ng ilang mga kamag anak namin.

Gusto mang kunin ang opinyon ng mga magulang k okay Adam dahil magaling ito pagdating sa negosyo ay hindi na nagawa ng mga ito dahil laging abala si Adam. Personal kasing sinu-supervise nito ang isang bubuksan pa lamang na sangay ng Olivarez sa hong Kong. Ayaw nan g mga magulang kong dumagdag pa sa iisipin ni Adam kahit alam ng mga magulang kong kahit anumang oras ay tutulungan sila nito.

Sa tulong ng ilang malalapit na kamag-anak ay naitayo ang De Jesus Garments Factory. Halos doon na napunta ang lahat ng retirement pay na natanggap ng aking mga magulang kaya abut-abot ang dasal nila n asana ay umunlad iyon.

Hindi naman kami binigo ng Panginoon. Unang taon pa lamang ng kanilang negosyo ay nakabili nang bagong modelo ng kotse ang aking mga magulang.

Kaga-graduate ko lamang ng kolehiyo nang umating ang dagok sa aming buhay. Nag-uumpisa ang Asian crisis particular ang pagtaas ng halaga ng dolyar laban sa piso at maraming naapektuhang negosyo kasama na ang negosyo ng aking mga magulang.

Dumagdag pa ang isang panloloko ng isang kamag-anank naming  na pinagkatiwalaan ng daddy ko. Hindi nito ini-remit ang perang para sana sa garments factory.

Sa paningin ko ay tumanda ng ilang taon ang aking ama ng sabihin nito ang nagyari sa kanilang negosyo. Nakita ko ring nagsasagutan sa harap ko ang aking mga magulang dahil nagsisisihan ang mga ito sa kung sino ang may kasalanan. Iyon ang unang pagkakataong nangyari iyon sa tahanan naminsa tanang buhay ko.

***

Sinabi ko ang lahat nang yon kay Almira.

“Hayaan mo, sasabihin ko kay Mamita at Kuya Adam ang lahat para maayos na ang problema bago pa ako pumunta sa states,” sabi niya habang hinahago niya ang aking likod. “Kung bakit naman ksai kailangan ko pang kumuha ng Masteral gayong si Kuya naman ang  nagpapatakbo sa Olivarez.”

Hinawakan niya ang akin mga kamay at pinisil iyon. Sa pamamagitan niyon, alam kong ipinararating niya iyon na nandyan lang siya para sa akin at ito ay mahalaga na para sa akin.

Gosh! Ang haba! Kapagud magtype,pero okay lang. bwehehehhe!

Abangan ang next capter… 

^______^

As Endless As ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon