Chapter 1: Start

100 7 8
                                    

Chapter 1: Start

Elisse's POV
Confident akong naglalakad sa mall while drinking my cotton candy frappe. Take note, galing yan sa Starbucks.

Napaka-boring! Ano nalang ang gagawin ko kung wala namang pasok ngayon?

Tapos yung wifi namin sa bahay, nagloloko pa! Lecheng wifi yan.

Anyways, kaya nga naman ako nandito sa mall para maglibang. Kaso, it turned out na mas boring pa pala dito!

Gosh! Puro sale nalang lahat. Ayoko pa namang bumibili ng mga sale. Nakakababa ng pagkatao.

Medyo napangiti naman ako nung makakita ako ng isang branch ng isang sikat na clothing brand, yung hindi sale syempre.

Naglakad ako papunta dun pero nagulat nalang ako ng may istupidong bumangga sa akin.

Hindi naman ako nasaktan. Pero yung frappe ko! At natapon yun sa damit niya.

Ang swerte naman ng damit nya.

"What the fvck?!" Mura niya.

Aba matindi magmura ah.

"Pabo! Ba't ang t*nga mo? Can't you see that I'm walking? Tapos hindi ka manlang tumabi!" Sigaw ko. Para naman marining niya. Malay nyo bingi pala. Well, hindi na ako magtataka kung ganun, bulag nga eh. [Pabo - Korean term of 'Stupid'.]

"Aba Miss. Di ka na nga kagandahan, dakdak pa ng dakdak. Ako pa yung t*nga eh ikaw nga 'tong, mukhang wala sa tamang pag-iisip." Sabi niya.

What the fudge did he just say? Ako? Ang magandang ako? Wala sa tamang pag-iisip?
Eh t*ngina pala kung ganon.

"Shut up! Nako, may poor eyesight ka na ata. Try mong magpatingin sa EO minsan ha? Bulag ka na nga yata eh. Di na nga nakita na may dumadaan, hindi pa marunong mag-appreciate ng kagandahan." Sabi ko sabay irap. At mukhang napalakas yung pagkasabi ko kaya napalingon yung ibang tao sa direksyon namin.

As if I care! Dapat lang yan noh. How I love attention!

"B*tch! Ako pa? Eh ikaw nga 'tong may sariling mundo kaya mo ako nabangga eh. Naglalakad lang ako tapos bigla ka nalang tumawid. Ang lakas ng loob mong magbunganga eh ikaw naman 'tong may kasalanan." Sabi niya. Tsk.

"Walang nagtanong kaya share mo lang, tapos like ko na." Sabi ko at nginitian siya. Yung nakakaasar na ngiti.

"D*mn you!" Sigaw niya.

Hala sya. Murahin ba naman ako ng pagkalakas-lakas sa harap ng madaming tao?

Tinaasan ko nalang siya ng kilay and do my last move para naman mai-angat ko ulit yung pride ko at para na din mapahiya siya.

"Aah! Fvck!" Napasigaw agad siya. Sinipa ko lang naman siya kung saan pinaka-masakit.

Nag-smirk ako at tumalikod na para maglakad palayo. Nawalan na ako ng gana mag-shopping!

"Hoy! Akala mo ang sosyal sosyal mo pero ang totoo, kabit ka lang ng isang mayamang matanda!" Sigaw niya kaya napatigil ako.

What the heck did he just shout infront of many people?! Nababaliw na ba siya?!

Humarap ulit ako sa kanya at tinignan siya ng masama. At ngayon, siya naman yung naka-smirk.

Nagbulungan din yung mga tao na lalong kina-inis ko. Sa tingin ko nga ay namumula na ako ngayon sa sobrang galit at kahihiyan.

So nag-imbento siya ng kwento para ipahiya ako? At talagang isinigaw pa niya? Ang lakas naman nito magsinungaling. Bwiset sya.

Habang pinag-titinginan ako ng mga tao, mabilis akong naglakad palabas ng mall.

Hashtag! Teen Love #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon