Chapter 5: Kie

30 3 2
                                    

Chapter 5: Kie

Kie's POV

Wow ha. Wow lang talaga. Ilang araw palang mula nung break-up namin ah? Tapos eto sya ngayon, pa-selfie-selfie lang, kasama yung bago nya ata.

Psh. Magbe-break din sila.

Nakakabuwisit kasi eh! Sya, nagpapakasaya pagkatapos ng nangyari, tapos ako, nahihirapan dito. Kainis kasi pati sa pagkain nagiging pabebe ako, yung tipong may mag-aalok saking kumain tapos ang laging alibi ko ay ''Busog pa 'ko''. Oh diba instant diet?

Pero napag-isip-isip ko lang, mas okey nang kumain kesa umibig eh. Atlis sa pagkain, mabubusog ka pa, hindi katulad ng pag-ibig, parang bubblegum, pagsasawaan ka lang tapos idudura ka bigla.

"Waaaaaaaah!"

Nagulat ako at agad na tumakbo papuntang kwarto ng kapatid ko. Kinakabahan naman ako oh.

"Anong nangyari?!" Tanong ko habang hinihingal pa galing sa pagtakbo.

"Si Henry! OMG talaga! Nag-reply sya sa text ko!" Sabi niya kaya nagtaka agad ako.

Kelan pa niya tinetext yang Henry na yan? Nako, kailangan kong protektahan yung kapatid ko. Sasaktan lang siya nyan.

"Ano ba naman Katty! Pinakaba mo 'ko. Maka-sigaw ka naman wagas! At isa pa, ano yang text-text na yan? Itigil mo yan Katty ah." Sabi ko. Nag-pout naman sya. Ay bwiset, may pa-ganyan-ganyan pang nalalaman. Dapat layuan parin niya yung Henry na yun.

"Ate! Ayoko nga syang layuan. Duh. Si Henry yun! Campus crush yun!" Sabi niya kaya napa-irap nalang ako. Tsk. Pake ko kung campus crush?

"Kahit na, Katty! Sasaktan ka lang niyan! Papaiyakin ka lang niyan! Di ka pa ba nadala sa nangyari kay mommy?! Di ka pa ba nadala sa ginawa sakin--" Naputol yung pagsasalita ko dahil bigla siyang nagsalita, pasigaw.

"Ano?! Sa ginawa sayo ni Jayro?! Mag-moveon ka na Ate! Hindi lahat ng lalaki, kagaya niya! Hindi lahat ng lalaki, kagaya ni dad! Magkakaiba sila! Iba si Henry!" Sigaw niya. Nabigla naman ako dahil dun. Sinagot ako ng kapatid ko, pasigaw pa. Ano bang nangyayari kay Katty? Hindi naman siya ganyan ah.       

"Pare-parehas lang sila! Mga manloloko! Mga paasa! Mga mang-iiwan..." Sabi ko. Ang sakit-sakit kasi kapag naaalala ko yun. Na naaalala kong niloko, pinaasa, at iniwan ako. Bakit ba kasi nangyari sakin yun? Siguro tama nga, pare-pareho lang sila.

"Ate, nag-iba ka na! Napaka-epal mo! Nakakainis na!" Sabi niya.

"Ano?! At ako pa--aish." tumalikod nalang ako at lumabas ng kwarto.

Blag!

I slammed the door hard. Naiinis kasi ako. Ako pa? Ako pa yung epal? Ako pa yung masama?

Bakit? Pino-protektahan ko lang naman siya ah? Aish. Ayoko nga munang makipag-usap. Mag-aaway lang kami. At ayoko na.

Ayoko kasing mangyari sa kanya yung nangyari sakin. Ayokong masaktan siya.

Napatingin ako sa orasan.

6:21 a.m.

Maaga pa naman eh. 7:00 pa yung pasok namin kaya hindi pa ako late. Hay...buti naman.

Dumeretso ako sa kotse at sumakay na dun. May driver naman na ako eh.

Dati kasi, siya lagi yung sumusundo sakin. Kaso lecheng yan, sa una lang pala ganon.

Habang nasa kotse, naglagay muna ako ng earphones sa tenga at nag-play ng music. Pangpa-goodmood lang.    

Naniniwala na ako sa forever
magmula nung makilala kita--

Hashtag! Teen Love #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon