Chapter 3: Elisse

36 5 5
                                    

Chapter 3: Elisse

Elisse POV

Antagal naman ni Kuya! Kanina pa ako naghihintay dito, para siyang babae! Dinaig pa ako! Aish! Male-late na kami eh! Ano bang ginagawa nun?

"Kuya! Bilis naman, ang tagal mo!" sigaw ko.

"Andito na, ang daldal mo."

Pumasok na ako sa kotse niya at naglagay ng earphones sa tenga. Psh. Kung may kotse lang ako, hindi ako magtitiis dito sa Kuya ko.

Bakit ba antagal na naman nun? Male-late na nga kami. Anak nang!

"KUYA!!! KUYA!!!" sigaw ko ulit.

Antagal talaga! Nakakainis na ah. Batukan ko yun eh! Aish!

"CHRISTIAN LEO DOMINGO!!!" sigaw ko na naman.

Pagkatapos nun ay pumasok na siya sa kotse niya at nag-drive.

Good! Kapag hindi pa siya pumasok, baka nasapak ko na yan.

Tahimik lang kami pareho buong biyahe. Maya maya pa, naramdaman ko na tumigil na yung kotse.

Tumingin ako sa labas.

Andito na pala kami sa Xenon University, our school.

Nag ikot ikot muna ako upang malibot yung school, ang boring kaya. At balita ko, may mga new classmates kami.

Hanggang sa tinamad na ako kaya ayun, pumunta na ako sa room namin.

Grade 9 - Hope

Pumunta na ako sa upuan ko at nanahimik na lang.

Pfft...yan na naman. May gulo na naman because of Gio, the panget playboy! KSP talaga. Kulangot Sa Pader. Kala mo naman ang pogi.  

Hay...poor girl. Napagtripan pa nung 'Boyfriend ng Campus' na yan. Aish. Buti hindi ako ginugulo niyan. Subukan lang niya at mapapa-'goodbye world' na sya.

Anyways, wala naman talaga akong pake. Well, lagi naman eh.

Sa pamilya ko at sa sarili ko lang ako may pake. Wala naman akong mapapala kung maging mapagmalasakit ako sa iba eh.

Ayokong bigyan sila ng halaga kasi kung mas may pake ka, mas masasaktan ka kapag iniwan ka nila.

Maya maya pa, sunod sunod na ang pasok ng mga new students. Ako naman, wala na namang pake.

Eto ako ngayun, nakatulala lang. Ang loner ko noh? Sa ganda kong ito... Haha takot kasi sila sakin.

Maya maya pa, nandyan na si Ma'am Salvation kaya nagsitahimik na ang mala-palengke naming classroom. Wait, hindi rin. Yung ibang mga 'special child' na boys nagpa-party party parin. Sus! Special Child na nga tawag ko sa kanila kahit hindi naman talaga eh. Mga baliw kasi, 'ingay pa more' ata yung motto nila. Kaya ayun, 'galit pa more' naman yung peg ng teacher namin.

"Okay class meron tayong tranfer students dito at isa isa silang magpapakilala." Sabi ni Ma'am.

Hindi na ako nakinig kasi hindi naman ako interesado sa kanila. Pfft...

And then, isa na lang yung magpapakilala. At yung isip ko, ang layo na ata ng nilipad. Nasa labas na ng milkyway galaxy.

"I'm Andrei Miguel Rodriguez. And I don't give a damn." Cold niyang sabi.

"Mr. Rodriguez!" Sigaw ni Ma'am Salvation.

"Psh." Sabi niya sabay irap. Parang babae amputzz!

Wait lang, namumukaan ko sya ah! Wait... Don't tell me...

Hashtag! Teen Love #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon