Intro

64 1 3
                                    


Masaya 'to. The feeling is fresh. Parang first time ko mainlove. Pero hindi naman. May puppy love pa ako nung grade 5 sa bestfriend ko. Lagi kami sabay umuuwi tapos naging nanay-nanayan pa namin yung adviser namin. Yung masasabi ko namang first love, 2nd year highschool. Bestfriend din. (Yung totoo Mhe? Tirador ng bestfriend?) Well, masarap kasi kausap ang lalake at maging bestfriend sila. May nakatext din ako nung 3rd year highschool. Hindi ko itinuturing na 1st boyfriend yun kasi 1 month lang tapos napakatahimik kapag kasama ko na. Malakas lang pala loob sa text. Nagstop ako magschool for a year. Kasi wala daw ako pang-enroll sabi ni mader. Kaya sumama-sama muna ako sa pagtitinda. Ang ikinabubuhay namin ay sa tiangge. Nagtitinda kami ng tsinelas around CALABARZON, sa mga fiesta. Doon ko nakilala yung una kong naging boyfriend. 3 and a half years kami. So halos buong college life ko yun. Ako nakipaghiwalay. (Wow, ganda?!) Napagod ako sa ugali niya at sa set-up namin. Ako palagi yung pumupunta sa Rizal, from Cavite ako. After 2 years ko pa ipinaalam sa bahay na may boyfriend ako kasi iba religion niya. Kaya takas lang pagpunta ko sa kanila. Mas mahaba pa yung biyahe ko sa oras ng pagkikita namin. 4 hrs papunta , 4 hrs pauwi. So magstay lang ako ng mga 1 to 2 hrs. Tapos sobrang seloso, grabe. Nagwowork siya as part time bagger sa grocery store. Tapos na-endo, sa Japan Store naman.  Napakahilig sa computer games. Pwede siyang mag-aral kaso choice niya ayaw niya daw. Nawalan ako ng gana kasi parang walang future . Ayoko makasakit, kasi ayaw niya pa makipaghiwalay. Pero ayoko na talaga. Nangulit pa siya after ko sabihin na hiwalay kami. Nagmemessage sa mga pinsan at classmates ko. Tinatawagan niya ko at tinetext nang bonggang bongga. As in, unli. Pero same messages. Gusto ko magpalit ng number kaso hindi ko magawa kasi yun yung nasa resume ko, eh nag-aapply ako ng trabaho nun. Kaso wala na talaga ko maramdaman.Pinanalangin ko na lang na sana matanggap na niya lahat. Wala akong iba, na-fall out siguro talaga ko. Naiisip ko si first love pero sobrang negative tayo doon men. Lumipas ang 6 months, tahimik na. Wala nang nangungulit.



Kailan Sumusuko Ang Puso?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon