Unang pagsuko

26 1 0
                                    

Finally, I got my first job! Production Planning Staff sa isang Japanese Company. Aluminum sliding windows ang product. HR Admin yung kapatid niya doon. Hindi yun backer ah. Dumaan ako sa lahat ng process ng application. Masaya kong ibabalita sa bahay pag-uwi ko. Ganito pala feeling matanggap sa trabaho. Nakakaiyak. Nadagdagan na ng isang employed ang ating bansa.

Sa halos mag-iisang taon na naming pagkakaibigan, masakit na. Parang ayoko nang umasa. Wala nang patutunguhan itong nararamdaman ko.Parang wala naman mangyayari. Biglang dumalang yung pagtetext namin. Hindi na kagaya dati.

David Slater pasok, "One sided love broke the seesaw down and I took it rough when i hit the ground, then you went your way and I wait half wild, but boy you'd understand if your heart was mine...if we had an exchange of hearts, then you'd know why I fell apart.."

Hindi na siya masyado nagyayayang magmeryenda. Naconfirm ko na ang balita, nililigawan na pala niya yung anak ng pastor namin. Sakit bes. Kasi akala ko malalaman ko din agad. Gaga, syempre alam niyang may gusto ka sa kanya, alangan namang ipaalam niya sayo yun. Wala akong laban dun. Mas maganda, mas sexy, matangkad, huhu. Puro mas. Uwian na.

Nagtetext pa naman siya pero sobrang minsan na lang talaga. Kinukumusta niya ako kaya lang hindi ko siya mareplayan. Hindi ko kaya magpanggap na hindi ako nasasaktan. Nagtatampo ako. Pero hindi naman ako dapat magtampo. Kapal naman ng mukha ko diba. Sabi ko sa sarili ko, hindi ko siya kakausapin. Maski magkasalubong kami, civil lang. Kapag nagtext siya tungkol sa importanteng bagay, saka ko lang siya rereplayan. May good morning pa din siya pero hindi ako sumasagot. Nag-uupdate pa din siya, pati sa paghahatid niya at pagsundo sa girl. Hala, marunong na siya manligaw, pero dedma lang ako. Lalo na sa ganoong update syempre. Para niya kong sinasampal.

Ilang linggo din na ganoon. Nalulungkot na ko!! Namimiss ko na siyang kausap.  Puro emote ako araw-araw. May mga girlfriends din naman ako na nahihingahan ko ng mga hinaing ko.  Pinapayuhan nila ko. Lagi kong hinihiling sa Kaniya na pagkalooban Niya ko ng katatagan.  Kapag pakiramdam ko hindi ko na kaya, makaya ko pa rin. Saan man ito patungo maipagpauna ko yung mga dapat kong ipagpauna. Hindi ko po alam pero bakit parang siya na yung napapangarap kong makasama. Minamahal ko siya bilang siya. Kung hindi ko po ipagkakasala, kung hindi po labag sa kalooban Mo, kung maaari po. Alam Mo po laman ng puso ko. Gabayan Mo po ako. Halos yan parati kong sambit sa mga panalangin ko, patungkol sa kaniya.

Bukod sa mga naipon kong conversation namin, mga pictures na pinaprint, balat ng candies at kung anu-ano pang mga resibo, iniipon ko din sa playlist ko lahat ng mga songs na dinededicate ko sa kaniya. Masaya man o malungkot. Sabi ko, siguro hanggang dito na lang. Sisimulan ko nang tulungan ang sarili kong mag-move on. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 22, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kailan Sumusuko Ang Puso?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon