Confession

43 0 0
                                    

Hanggang sa may panibagong tula na naman akong nagawa, na dati ko naman talagang hindi ginagawa. Nagagawa ko muna yung tula bago ko maisipan ng title. Gusto ko hangga't maaari yung magiging title nung tula short and catchy, saka tempting talaga basahin yung contents. Nauuwi tuloy ako sa english word yung title nung tula para maiksi lang. Ito yung draft, yan na lang naiwan kasi nabigay ko na sa kanya yung original.

Hindi ko maintindihan pero bigla akong naglakas-loob na magparamdam sa kaniya sa text

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi ko maintindihan pero bigla akong naglakas-loob na magparamdam sa kaniya sa text. Sabi ko may aaminin ako sa kanya. Pero sa tula ko na lang kako idadaan. Kinakabahan ako, super! Baka hindi na kami mag-usap after niya malaman yung sasabihin ko. Ang kulit niya, sabihin ko na daw. Nagpapilit naman ako. Nasabi ko na sa text. OMG, hindi na siguro 'to magrereply. Ilang minuto pa nakalipas eh. Sumagot din naman. Sagot niya sa akin, ang galing ko daw, paano ko daw nagawa yung tula. Tapos ang lakas daw ng loob ko. Ewan ko ba. Naisip ko kasi, kapag hindi ko pa sinabi sasabog na dibdib ko. Wala na ko maisip. Kumbaga, may mapala man ako o wala, atleast nasabi ko.

Inasar-asar na niya ko. Baka daw kapag nagkita kami sa kapilya maging awkward kami sa isa't-isa. Well, yun talaga nakikini-kinita kong mangyayari. Naisip ko baka mailang ako sa kaniya at hindi na kami makapag-usap nang personal. Pero hindi ganon ang nangyari. Sa halip, lalo pa kami naging close. Nakakaloka. Mas tumindi nga lang pang-aasar niya sakin. Kapag naabutan niya pa ko sa gate after ng practice namin sasabihan niya ko na "hinihintay mo pa ko noh?". Palusot naman ako syempre, "hinde ah, tagal kaya ng Salitran na jeep, puro bayan lang". Pero hihintayin naman niya ko makasakay bago siya tumawid pauwi.

One time gusto niya dumaan sa bahay. Makikikain daw. Hala nakakahiya, baka hindi pumasa yung luto ko. Nagluto ako ng adobong sitaw at may kaunting sahog ng baboy. Mukhang okay naman. Masaya ako, as in. Kinikilig ako deep inside. Pero dahil artista ako, hindi ko pinapahalata. Nag-aambisyon na kong boyfriend ko siya kasi pinuntahan niya ko sa bahay. Feelingerang palaka! After kumain, nagvideoke kami. Nakipaglaro siya sa pamangkin ko. Kinarga-karga niya sa balikat niya at nagpasahan ng bola. Nagpaapak siya sa likod, masahe. Nakabarong siyang puti non, inalis muna niya kasi lagot siya sa nanay niya pag nadumihan nang bongga. Bahala muna sila, nagtupi muna ko ng mga sinampay ko. Pinicturan ko sila. Ang cute. Nangarap akong anak namin ang kalaro niya at isa kaming masayang pamilya. Nakikita kong magiging isa siyang cool na daddy. Bakit nga ba ang OA ng mga babae, napaka-futuristic.

Nagkaroon na kami ng tropa. Nagkayayan mag Picnic Grove sa Tagaytay. Ang saya, tulong kaming dalawa sa pagprepare ng food. Kami kasi pinakamatanda. Sa biyahe magkatabi kami, kaya may picture na naman kaming magkatabi. :) Nakakaipon na ko ng mga picture niya. Ipapa-print ko yun at itatabi ko. Masaya ang naging gala. Sa mga lunch at dinner after ng practice kasama namin sila. Kaya itong mga bata na rin ang tumutukso sa amin. Nasanay na kami. Hindi na rin namin pinapansin masyado. May isa pala sa grupo na may gusto sa kaniya. Para kaming nagkompetisyon. Hindi naman ako nagpapatalo. Minsan nagseselos ako pero bawal maramdaman yun. Go with the flow lang. Another tula na naman.

Dami ko nang kilig moments

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Dami ko nang kilig moments. Panay na rin pagpost ko ng Facebook status. Minsan masaya, minsan confused. Marami na rin akong iniluluha. Sa hindi ko malamang dahilan. . Takot na takot akong mahulog sa kaniya. Kasi nafo-foresee kong napakasakit. Kasi insensitive ang mga lalaki. Hindi nila namamalayan na nasasaktan ka nila.  Napaka-confusing nila. Hindi ko alam kung may nararamdaman na rin siya sakin o natatakot din siya na may maramdaman na para sa akin. ewan. Whatever.

Ininvite ko siya sa bahay. May despedida kasi para sa tita ko na pupuntang Canada. Nag-iinarte pa siya nung una. Nahihiya daw siya. Inexpect siguro niya tutuksuhin kami sa bahay. Oo nga noh. Ganun nga nangyari. May videoke. Habang kumakanta siya ng "Sana ay mapansin ako, malaman mong kita'y mahal at yan ay totoo, wag mong isiping nagbibiro ako...", sumisingit yung isa kong tita , pansinin mo na kasi, hindi naman pala nagbibiro eh. Hanggang sa hindi na niya natapos ung kanta niya sa kakatawa. Ipinakilala ko siya sa tito ko na keyboardist din. Marami silang napag-usapan about music.

November 2011, umattend kami sa birthday ng bunso niyang kapatid. Niloloko siya ng mga kapatid niya, sino daw ba sa mga kasamang bisita ang girlfriend ni kuya. Napapatungo ako. (Kapal mo teh! Gf ka? ! Haha!). Ipinakilala kaming magkakaibigan sa pamilya niya. Medyo intriguing nung ako na yung pinakilala. Nagtataka ako kung bakit. Hanggang sa sinabi ni bunso na iniisip nila kung sino si Mhean. Lagi kasi daw nila nakikita sa mga gamit ni kuya. (Yung tula yun! May pangalan ko yun nung binigay ko eh). Yung gitara ko pa, laki-laki ng lettering ko ng name ko doon. Hiniram niya nung galing sa bahay namin. Tropa lang po kami.

Kailan Sumusuko Ang Puso?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon