chapter 1

19 0 1
                                    












--

Pumasok ako sa loob ng bahay tahimik at tila walang katao tao nag taka ako dahil ngayon lang ito tumahimik ng ganito dati rati sina mama at kuya kyle ang nasa salas at masayang nag lalaro.

"Ma? ??

tawag ko sa buong bahay ngunit walang umiimik, galing ako sa school alas tres iyon ng hapon..

tahimik akong naglalakad sa buong bahay naisip ko na baka tulog lang sina mama at kuya kyle kaya binuksan ko ang pintuan sa kaliwang kwarto kung saan ang kwarto ni mama,hinawakan ko ang doornub at maharan kong binuksan ang pintuan ng kwarto ni mama,ng buksan ko ito bumungad sakin ang dalawang taong tulog na pansin kong si mama ang babae at tila may katabi siyang lalaki na parehas silang tulog at mag kayakap siguradong hindi iyon si papa dahil si papa ay nasa saudi at matagal pa ang uwi nito,ang pinagtatakhan ko ay parehas silang walang saplot tanging mga kumot lang nila ang tumatakip sa mga katawan nila, hindi ko ito lubos na maunawaan dahil 10years old pa lamang ako,isa ko pang pinag tatakhan ay ano ang ginagawa nila sa iisang kama at bakit may katabi si mamang ibang lalaki..hindi ko maaninag ang mukha ng lalaki dahil natatakpan ito ng ulo ni mama. ang pansin ko lang ay ang malapad na katawan at maiksi nitong buhok.

Hindi ko na sila tinitingnan ng mabuti dahil hindi ako makapaniwala sa nakita ko tila na blanko ang utak ko ng mga sanding iyon , hindi ko alam kung paano ko iisipin ang nakita ko..

nag madali akong tumungo sa kwarto ko at doon ako napa isip ng napa isip, iniisip ko kung sasabihin ko ba kay kuya kyle ang nakita ko o hindi.
Gulong gulo na ako ang alam ko lang may asawa si mama at si papa iyon na nasa saudi at ang lalaki na katabi niya sa kama ay hindi si papa? Pero bakit mag kayakap sila at walang mga damit?

Sa tindi ng pag iisip ko hindi ko namalayan na naka tulog na pala ako..

Naramdaman ko nalang na may tumatapik sa balikat ko at tinatawag ang pangalan ko na tila ginigising ako.

"Andrea! Andrea??

minulat ko ang dalawa kong mata isang babae ang una kong nakita ngunit malabo iyon.maya maya lang ay unti unti rin itong luminaw at si mama ang nakita kong mukha, bigla kong naalala ang nakita ko kanina na may kayakap siyang lalaki sa higaan niya. matagal kong tinitigan ang mukha ni mama at iniisip ko na panaginip lang ba iyon? nag taka ang mukha ni mama sa pag kaka-titig ko sa kanya..

"Andrea? Ayos kalang ba? Bakit ka ganyan maka tingin sakin?

Nag tatakang sabi ni mama, habang nanaliti pa rin akong naka titig sa kanya..
Ilang sigundo ay saka ako sumagot sa tanung niya.

"Po-po? W-wala na-naman po?

Nauutal kong sabi na hindi nag pahalata sa nakita kanina.

Iniisip ko kung sasabihin ko ba na nakita ko siyang  may kasamang ibang lalaki o hindi?
Muling sumagi sa isip ko ito habang tinititigan ko ang mukha ni mama na akala mo'y walang nangyari kanina.

"Mag bihis ka muna ng uniform mo at pag ka tapos, lumabas kana sa kwarto mo at mag hahapunan na tayo.

utos ni mama habang nag lalakad patungo sa pintoan ng kwarto ko,hindi na ako nag salita at nanatili parin akong walang kibo hanggang lumabas na siya ng pintoan.

Matapos lumabas ay doon na ko sinunod ang utos niya nag palit ako ng uniform ko at tahimik na lumabas ng kwarto patungo ako sa kusina na sinabi ni mama,
Nakita ko doon si kuya kyle na naka upo na sa upuan malapit sa lamesa, ng mapasin ako ni mama na nag lalakad patungo sa kusina.

"andrea anu bang nangyayari sayong bata ka? Bilisan mo nga para makapag simula na tayong kumain dito.

Pagalit na utos ni mama kaya binilisan ko na ang lakad ko. Ng tumungo na ako at naupo sa upuan.

-andrea's Story-Where stories live. Discover now