chapter 7

15 0 1
                                    




















___________

Matapos ng klase gaya ng sinabi ko kay vangie pinakalala ko siya kay camille at sumabay siya samin sa pag kain..

"camille,si vangie nga pala klasmate namin ni cindy..

"Hi,Maupo ka dito.

"Salamat..

Naka ngiting sagot ni vangie, kumain na rin kaming apat.

Sa hapon naman pag ka uwi ko, nanibago ako dahil buong araw kong hindi nakita si melvin, siguro ay hindi siya pumasok ngayon, kahapon lang masaya sila ni sofia.
Ng nasa gate na ako ng campus ng school namin ng makita ko si vangie na tila hinihintay ako nito at gusto pa atang sumabay sakin.dahil sa ngiti nito sakin.

"nakikita kitang dumaraan dito tuwing hapon!

"Ah? Hehe! Oo,dyan kasi ang sakayan ko.

"Matagal na sana kitang gustong sabayan pag uwi kaso nauuna kana, dito rin kasi ako dumaraan eh!.

"Talaga, sige!

"nasaan nga pala yung bestfriend mo?

"Si camille? iba ang schedule niya baka mamaya pa iyon.

"Madalas ko kayong nakikitang mag kasama? ilan taon na pala noong una kayong nag kakilala?

Hindi ko kaagad nasagot ang tanung ni vangie dahil napatingin ako sa kalangitan dahil pansin ko madilim ang ito at sabi sa balita may bagyo daw na paparing ngayon.

"Ahh?? Siguro mga 7years old pa kami, grade one palang kami nun!

"talaga grabe ang tagal na pala! Paano kayo nag tagal ng ganito.saan nag simula?

"dahil iyon sa isang lapis, dati kasi marami akong lapis, tapos si camille naman parating nawawalan ng lapis, minsan nanghiram lang siya ng lapis sakin tapos binigyan ko sya ng dalawa! Yun,simula noon nakipag kaibigan siya sakin..

"Ha? Yun na yun? Dahil lang sa isang lapis umabot hanggang ngayon ang friendship nyo?.

"Hmmp.. oo ,alam muna bata pa kami nun kaya kunting bigay lang friend mona agad, pero bukod pa dun nalaman ko na may pag kaka parehas kami sa ilang mga bagay kaya nag kaka sundo talaga kami.

"Talaga,kaya naman pala..

"Oo, teka mukhang uulan na ata bilisan na natin baka abutin tayo ng malakas ng ulan.

"Ah sige,teka dadaanan ko lang si papa sa palengke..

"Osige bilisan mo!

nag madaling pumunta si vangie sa palengke kung saan naka pwesto ang shop nila dito,napansin ko pumasok siya sa isang shop kalapit sa ilang mga kainan, at nakita ko na may kinaka usap itong may edad na lalaki na mukhang iyon ang papa nya at mukhang pamilyar ang pangangatawan niya sakin,"tama! kung hindi ako nag kakamali siya yung lalaking kausap ni mama sa tindahan niya siya yung lalaki ni mama, nagulat ako ngayon ko lang nakita ang mukha ng lalaking iyon simula ng makita ko sila sa iisang kama noong bata pa ako, papa pala siya ni vangie!
Nagulat ako sa nasaksihan ko hindi ko alam kung anu ang nasa isip ko, hindi ko na hinintay si vangie at agad na akong sumakay para umuwi.

Inabutan na ako ng malakas na ulan ng nasa sakayan na ako,buti ay may payong ako at pag baba ko ng kanto doon nabasa ang sapatos at medyas ko dahil naka palda ako nilalamig ang mga binti ko kaya nag madali na ako sa pag lalakad ko at pag dating ko ng bahay naroon si mama at sakto akong nakitang papalapit dahil nakita ako sa bintana kaya nag madali itong lumabas para pag buksan ako ng gate at sabay pumasok na ako.

-andrea's Story-Where stories live. Discover now