chapter 13

24 0 0
                                    







"Ano ba wag mo akong pakealaman!

Sabay tulak ko kay melvin nais kong iparating sa kanya na galit ako sa kanya.

"Andrea! Pasensya na kung naging bussy ako at hindi na kita nakakatext nitong nag daang mga araw.marami lang kaming ginagawa!

"Sa pag aaral lang ba oh sa pakikipag kita mo kahapon kay sofia..

"Ano? Anong pinag sasabi mo dyan?

"Akala mo ata hindi ko alam kahapon pinuntahan kita sa room nyo, at sinundan kita ng pumunta ka sa room ni sofia at kayo lang dalawa ang tao dun at ang sweet nyo pa!

Galit na galit kong sabi na gusto kong sumigaw sa galit ko sa kanya.

"Ano? Kahapon? Sinundan mo ako? iniimbistigahan mona ba ako ngayon? Kasama ba ang pag iimbistiga mo sakin,ng palihim mong buksan kahapon ang facebook ko ng hindi ko alam? At nag messege kapa sa mga nag chachat sakin na babae at sinabi mo sa kanila na gf kita ha? pakiramdam ko na nabastos sila sa sinabi mo,minumura mo sila at sinabihan mo ng kung ano ano?nakahiya ka! ? Ano ba andrea! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi kita niloloko at mahal Kita?, at yung nakita mo kahapon na  kasama ko si sofia ,kung alam mo lang na hindi pa kami ni sofia dati, ay tutor na niya ako,at kahapon naki usap lang siya sakin na muling mag paturo, yun lang yun at wala ng ibig sabihin nun sakin!

Nang gagalaiting sabi ni melvin, na pagalit na ang tono ng pananalita nito,ngayon ko lang nakitang ganito nagalit si melvin at dahil yun sakin, dahil sa mga pag seselos ko sa kanya, hindi ko napigilang tumulo ang mga luha ko sa maling akala ko. ngayon ay naunawaan ko na si melvin..

"sasabihin ko sa mga nag chachat sayong mga babae ang gusto kong sabihin kasi sabi ni darren dapat daw wala kang tinatago sakin, kasi bf kita at gf mo ako,at sabi nila mag ingat daw ako sayo!

"Ano? Sinabi yun sayo ng lalaking yun, andrea! Para kang bata na nasusulsulan at nauuto ng iba,bakit ba mas naniniwala ka sa mga sinasabi nina cindy,camille at darren! wala kanang ginawa kundi makinig sa kanila, kaya nag kaka ganyan ka! Kaya kapag nakikitaan mo ako ng may kausap lang na babae nag seselos kana agad,hindi mo ba alam nahihirapan na ako sayo, nahihirapan na akong intindihin ka habang tumatagal tayo sa relasyon na ito.

"Kung nahihirapan kana sakin bakit ayaw mo pa akong ibreak? Iwanan mona ako, kasi ayoko ng mag ka ganito,ayoko ng nasasktan ako ng ganito, dahil minsan wala ka sa tabi ko para idate ako at para sunduin ako araw araw at ihahatid ako pag uwi.namimis ko lang yun, kapag bussy ka sa school at sa mga kaklase mo! Gusto ko araw araw kang may oras sakin kahit itext man lang ako!

"Andrea! Hindi lang sayo umiikot ang mundo ko! May iba akong ginagawa bukod sa mga oras na ibinibigay ko sayo! Minsan nga 1oras lang ang pag aaral ko para lang ihatid ka, kahit sobra na akong napupuyat at napapagod. Alam mo napaka daling sabihin at gawin sayo na iwan kita at break na tayo,dahil sa mga inaasta mo sakin, kaso hindi ko kayang gawin dahil mahal talaga kita, kaso ikaw lang itong may problema sating dalawa! Masyado kang naapektuhan sa sinasabi ng iba tungkol sakin.

Sa puntong iyon hindi na ako makapag salita,tama ang sinabi ni melvin, masyado siguro akong naapektuhan sa mga sinasabi nina darren at camille kaya ganito ako ngayon, ganito ba talaga kapag firstime? Na oobeses sa boyfriend, kahit na pilitin kong makipag laban kay melvin ay hindi ko na mgawa dahil alam ko na tama ang mga sinasabi niya sakin, at wala na akong kailangan pang sabihin sa kanya, mahirap man sa loob ko ay nag pakababa ako sa kanya ngunit hindi parin mawala sa isip ko ang sakit na nararamdaman ko, tuloy tuloy pa rin ang pag buhos ng mga kuha ko at pasinghot singhot pa ako.

"s-sorry!

iyon lang ang sinabi ko sa kanya sabay tumalikod na ako at nag madaling nag lakad papalayo sa kanya, pano ba naman napahiya na ako sa mga sinabi niya tuloy tuloy parin ang pag buhos ng luha ko ng mga oras na iyon.

-andrea's Story-Where stories live. Discover now