chapter 6

3 0 1
                                    















"Oh nariyan kana pala..
Teka? bakit parang naka ngiti ka dyan?

pag tatakang sabi ni cindy, habang nag aayos ng gamit sa loob ng bag nya.

"(°_°?) W-wala naman..

"Ahh? Alam ko na! Iniisip mo si melvin no! Ahaha!

"H-hindi ha!

"Best, wag mona itanggi, alam na alam ko ang mga ngiti mong yan, saka sinabi sakin ni melvin na nag usap daw kayo noong isang araw saka kagabi tinatanung ka niya sakin,anung ginawa nyo kagabi ha? Nag date? haha! kaya naman pala lagi mo siyang tinatanung sakin ha!

"oo na, aamin na ako simula kasi nung nag usap kami,parang gumaan ang pakiramdam ko sa kanya,

"Aba? May ibig sabihin ba yun ha?

"Wala no! Ikaw talaga!

"Sabihin mo nga? anu bang pinag usapan nyo ha? At kinikilig ka dyan?

"wala lang iyon, anu kaba!

"alam mo mabait naman si melvin, tingin lang ng tao sa kanya basagulero at mayabang,kasi masyado syang tahimik. Pano ba naman iniwan agad siya ng mama niya 8years old palang siya.

"Ah? naikwento na niya sakin nyan dati pa!
na aksedente daw ang mama niya at simula daw nun,hindi na daw bumalik ang papa niya na nasa canada.

"oo,ikukukwento ko sayo ang nangyare. namatay ang mama nya dahil sa aksedente na nangyari noon., nasa byahe ang mama niya at pauwi na tumawag pa sa kanya at may pasalubong pa na laruan at ang paburito nyang burger,
...
"Hello,anak hintayin mo lang ako ha? Malapit na ako medyo traffic lang dito at medyo malakas pa ang ulan.

"sige po ma! Ingat po kayo! I love you, mom!

"love you to din,melvin!

Naka ngiti pa si melvin nun at masayang masaya habang hinihintay ang mama niya, ngunit naka raan ang alas nwebe ng gabi wala parin ang mama nya nag tataka si melvin at ang papa nya,hanggng sa may tumawag sa phone ng papa nya na hindi kilalang tao, lalaki ang boses nito at tila kakaiba, medyo balisa na rin ito kaya nakutuban na ang papa ni melvin.

"Hello! Ito po ba ang a-asawa ng may ari ng phone na ito?

"Oo ako nga? Sino ito?

"Nakuha ko lang ang phone na ito sa katawan ng babae,walang pasword ang phone nya kaya natawagan kita, narito ang asawa mo sa may tambo sa may star tallway,wala ng buhay nabangga ang sinasakyan niya ng malaking truck kaya naipit siya sa loob ng kotse at hindi na namin siya naabutang buhay..

Hindi makapaniwala ang papa ni melvin at parang nauupos na kandila ito sa sinabi ng hindi kilalang lalaki sa phone nya, para makasiguro siya sa nalaman ay kaagad nyang pinuntahan ang sinabing lugar bg tumawag na boses ng lalaki,at iniwan si melvin sa kasambahay nila ng walang kaalam alam sa nangyari, ng puntahan ni tito si tita sa nasabing lugar naroon ang mga pulis at malayo palang kitang kita na niya ang nag kakagulong tao doon,naroon din yung lalaking tumawag sa kanya kani kanina lang,at nag pakilala ito sa kanya siya yung resedenteng naka kita sa asawa niyang naka handusay sa kotse, pag ka rating niya sa pinang yarihan ng aksendente agad nyang nakilala ang ipit at sira sirang sasakyan ng asawa pati ang malaking trunk na nasabing nawalan ng preno at bumanga sa kotse ng asawa, patay rin daw ang driver nito na naka inom pala, katabi naman ng sirang kotse ang tila wala ng buhay at naka takip na lamang ito dyaryong sa buong katawan, na pinag hihinalaan nyang iyon ang asawa, may naka line na rin ang mga pulis doon kaya hindi sya makalapit, ngunit sa kagustuhan nyang patunayan na ang tinakpan ng dyaryo ay ang asawa,nag pumilit syang lumapit kahit pinag bawalan siya ng mga pulis, ng buksan niya ito tumambad sa kanya ang asawang punong puno ng dugo at wala ng buhay, halos hindi siya makapaniwala non at halos ikamatay niya, maya maya ay dumating ang ambulansya para dalhin sa morge ang katawan, ibigay ng mga pulis sa kanya ang dala nitong laruan na halos madurog na at ang isang balot na burger na para kay melvin.

-andrea's Story-Where stories live. Discover now