chapter 9

8 0 1
                                    


















KINAUMAGAHAN sa school inagahan ko ng pasok para mahuli ko kung sino ang nag lalagay ng paninira sa akin, dali dali kong pinutahan ang locker ko at hindi ako nag kamali may nakalagay na naman na papel na may naka sulat na naman ng tulad kahapon ngunit parang kaka dikit palang nito kaya mahuhuli ko siya ngayon, agad kong pinunit ang papel na naka dikit sa locker ko, papunta na sana ako ng room ng mapansin ko na may tila naka bukas na locker sa bandang kaliwa, naka angat ang pinto ng locker ng kaunti at tila iniwan lang iyon, kaka unti palang ang estudyate doon pero isang locker lang ang naka ultaw ng kaunti at naka pasok pa ang susi na tila kaka bukas lang, pinuntahan ko ito para tingnan kung sino at baka siya ang nag didikit ng mga papel sa akin..
Ng lapitan ko medyo naalala ko kung sino ang may ari ng locker na ito, si vangie, nakakapag taka na ang aga nyang pumasok? Samantalang parati siya tanghali kung pumasok,tiningnan ko ang loob ng locker niya tila may pumasok nalang sa isip ko na tingnan ang loob ng locker niya ng mapansin ko ang ilang buntong na papel na naka tiklop sa loob ng locker niya katabi ng ilang mga notebook at libro niya, kinuha ko iyon para kasing katulad ng papel na dinidikit sa locker ko ng buklatin ko hindi ako nag kamali ng makita ko ang mga naka sulat doon na dinidikit sa locker ko, ibig sabihin si vangie ang naninira sakin at dumidikit ng mga ito..
Nag flash back sakin ang mga nangayri mula ng maka sama ko siya, kaya naman pala siya sumabay mag aral samin sa library dahil siya ang nag dikit ng note sa notebook ko at nitong nag daang araw sa locker ko at arm chair ko at kunwari ay wala siyang alam dito.

Pero bakit nya to ginagawa? anung ginawa ko sa kanya? Ito ang nag tatanung sa isip ko ng mga oras na hawak ko ang papel na idinidikit niya sa locker ko.

Hanggang sa may naririnig ako may malakas na nag tatawanan na papunta sa kinatatayuan ko.

("Hahahaha!! Sure ako na mapapahiya siya lalo nyan at pag tatawanan siya ng mga estudyante dito! Ahahaha")

("hahaha! oo nga no! Nakakatawa pa man din yung mukha niya kahapon! Ahahaha!


Narinig ko ang pag uusap nila na may kasama pang malakas na tawa na papalapit ng papalapit sa kinatatayuan ko malamang ay si vangie iyon,
Ng makita ko sila na lumiko sa kanto at nag tatawanan parin sila habang nag lalakad, ng mapansin nila ako na naka tayo sa harap ng locker niya at naka tingin sa kanila, akala mo'y nakakita ng multo ang dalawa na matapos ng tawanan ay hindi inaasahan na naroon lang ako na nakikinig sa kanila.tumigil sila sa pag lalakad ni nicole na kaclose niya sa room, samantalang si vangie ay taas noo niya akong nilapitan at hinarap at mukhang sa itsura nito ay hindi siya mag papatalo at hindi aatrasan sa kung ano man ang nalaman ko.

Ng malapit na siya sakin ay tumigil siya mga tatlong dangkal ang layo nito mula sakin at tila hindi ito matitinag sakin at tila handang makipag basagan ng trip..

"nalaman mona pala!?

Pag mamataas nitong sabi sakin na may halong pag tataray ng dalawang mata.

"Vangie! Bakit mo to ginawa sakin ha? Anung ginawa ko sayo para ipahiya ako sa lahat? Akala ko kaibigan kita..

"Hindi mo alam? ,tanda mo ba noong iniwan mo ako nung mag kasabay tayo na pinuntahan ko ang papa ko sa shop.. nakita ka ng papa ko at sinabi niya na kilala ka daw niya,at sabi niya ikaw daw yung anak ni monaliza salvador, yung babae niya na sobra kong kinaiinisan! Hindi ako makapa niwala sa nalaman ko at simula nun parang nainis na rin ako sayo..

Inis na inis niyang sabi ,ngayon alam ko na ang dahilan niya kung bakit niya ako ginaganito..

"Vangie! wala na tayo dun, labas na tayo sa kung anu man ang namamagitan sa kanila noon.

"So? Alam mo? Alam mo na matagal na silang may relasyon ni papa?

"Oo,bata palang ako alam ko na may relasyon sila, at nasaktan din ako nun at matagal kong itinago ang nalalaman ko,alam mo ba galit na galit ako kay mama simula ng malaman ko yun,pero nangako siya na mag babago na siya, wala akong magawa kung di patawarin siya ..

-andrea's Story-Where stories live. Discover now