Bakit?

75 5 0
                                    

                                                                            Bakit?

                                                                        11-04-13 

            Minsan, naiisip ko na lang ang tanong na bakit? Bakit nga ba ganito ako? Sa totoo lang, naiinggit ako sa ibang tao. Nakikita ko silang mas ganyan, ganito, tapos naiisip ko.. bakit ganyan sila? tapos ako, hindi? Bakit nga ba ganito ako? Bakit nga ba ganito itsura ko? Hay. Kung may nakakakita man ng mga posts ko sa facebook, sigurado akong alam nila ang tinutukoy ko. Bakit hindi ako kasing puti niya? Bakit puro na lang ganito? Bakit hindi ko kayang maging siya? Bakit? Bakit? Bakit?

               Nakaka insecure din kasi minsan 'yung mga taong alam nilang mas lamang pa sila sa'yo, ipinapakita pa nila na wala kang kaya. 'Yung ganon? Alam niyo, masakit para sa akin. Masakit para sa akin ang ikumpara ako sa ibang tao. Masakit para sa akin ang mag tanong sa sarili ko na Bakit panget ako? Hindi ko naiiwasan 'yan. Sadyang tanga lang talaga ako. Hindi naman siguro? Nakikita ko nga ang katotohanan diba? Na panget ako. Oo na, ako na hindi maganda, ako na hindi perpekto.

        Ang sakit lang kasi masabihan ng ibang tao mismo pa  sa harapan mo --Sayang blablablabla. Basta 'yung ganon? Oo na! Oo na! Nakakainis! Naiiyak ako sa 'twing naaalala ko 'yan! Grabe noh? Ang sakit sakit sakit pala! Tumatagos din pala sa puso! Kaya nga, ako na mismo ang nagsasabi sa sarili ko. Kasi, mas magaan pa sa loob eh, mas magaan pa 'yung sabihan mo ang sarili mo na 'Wag ka nang umasa pa, alam mo naman na panget ka. Wala kang lugar para dyan.

                  BAKIT BA KASI? </3 :'((((

Random ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon