Mahirap Maging Writer

86 5 0
  • Dedicated kay Me Myself and I
                                    

                                                                 Mahirap Maging Writer

                                                                          11-04-13

               Mahirap maging writer. Yung tipong kailangan mong magsulat ng magsulat kahit hindi mo requirement sa school. Kahit hindi isang graded activity, pinagpupuyatan mo. Yung kailangan mong makapag sulat ng libo libong salita sa twing gagawa ka ng chapter. Yung kailangan mong maging event's organizer, planner, o iba't ibang tao para lang magampanan ang characters mo. Yung kahit na wala ka nang naiisip, pinupuga mo ang utak mo para lang may maisulat ka pa. Yung kailangan mong ibuhos ang oras mo sa kakaisip kung ano ang susunod na mangyayari. Yung lahat ng feedbacks ng readers lalo na ang bad comments, kailangan mong tanggapin. Yung dapat tiisin mo ang pagod, ang sakit ng ulo, sakit ng likod, sakit ng mata-- para lang magawa mo ang kailangang gawin. Yung marami kang dapat i sakripisyo.

          MAHIRAP. Sobrang hirap. 

Random ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon