Panahon Na Rin Para Marinig Niyo Ang Hinaing Ko

121 10 11
                                    

                          Panahon Na Rin Para Marinig Niyo Ang Hinaing Ko

                                                           11-13-13 

            November 12, 2013 ang araw na iyon. At mismo sa araw na ‘yan daw, tatama ang Bagyong Zoraida sa lugar namin. Umaga palang, ang lakas na ng hangin, ang lakas na ng ulan. Inaantok pa ako bunga ng pagtagal ko ng pagtulog. Ala una na ng madaling araw nang ako ay makatulog dahil tinapos ko ang aking report para sa public speaking. Takang taka ako, 2nd year palang ako sa kurso ko pero ang dami nang requirements at isang linggo pa lang ang pasukan pero binagyo din kami ng requirements.

           Nakakapagod ang araw kong iyon. 7AM ang klase tapos 5:30 ng hapon matatapos. Siyempre, kailangan pumasok kahit na umuulan. Kailangan maglakad ng suot suot ang heels (naka uniform kasi kami gaya ng pang broadcasters na mga uniform). Ayun, nakapagsalita na nga ako sa public speaking namin. Worth it naman ‘yung pinagpuyatan ko kasi malaki naman grado ko kaso napaos ako bunga ng kaka practice ko. Akalain mo’t kahit 12am na, nagpapractice parin ako sa loob ng kwarto ko? Ganon ako ka dedicated sa pag aaral ko.

            Marami pang klase ang dumating. Naglalakad kami papunta sa malayong classrooms namin. Pumila pa kami sa cashier para lang makabayad ng mga workbooks at libro na ni rerequire sa amin. Pagdating naman ng huling class ko sa hapon, medyo nahuhulog na talaga mga mata ko. Di ko na kaya ang antok pero mabuti naman at hindi ako tuloyang nakatulog sa huling class namin. Medyo nakakapagod talagang magsuot ng heels buong araw.

            Madilim na ng nakauwi ako sa bahay namin. Naisip kong kailangan ko pa talagang mag update para sa Love Contract kaya pagdating na pagdating ko, diretso ako agad sa study table ko at binuksan agad ang laptop na kagabi ko pa lang natitignan.

            Nakasuot pa nga ako ng uniform ‘nun. Hindi pa ako kumakain kahit na gutom na gutom ako kasi kailangan ko na talagang unahin ang pag uupdate ko. Kahit na hindi naman ito isang requirement sa school at hindi graded activity o project.

            Siyempre, binuksan ko ang wattpad.

            Ayan, nag loading na.

            Alam niyo? Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko ang notifications ko. Nabasa ko naman ‘yung pinaka huling message sa MB ko.

irishtumlos:

                              "  tnong ko lang author kaba talaga abit mo ba talaga ang pag gagwa ng story o pinag titripan mo lang kmi ah bat ba gnyan ka a bat parang sira ulo ka gumagawa ka ng story d mo tatapusin hindi ka mag update ano pinapaasa mo lang kmi ah ang dami mong di tinatapos na story baliw kana nga sigro no tanga ka rn no kng wal kng blak tapusin ang story mo o balak mag update delete mo na lang d yng pinapaasa mo kmi ang dmi mong d tinatapos inahayahan na lng nga namin yng iba mo png story tapos eto knaman gmawa ka nnman ng story taps d mo nnman tatposin pnapahasa mo lng ba kmi a  author author kaba tlaga a nkakainis ka alam mo ba kx pinahasa mo nnman kmi na ttapusin mo ang Love Contract pro d nman pla sbi mo mag update ka d nman pla sinungaling ka alm mo ba kng wal kna blak tpusin ang Love Contract sbihin mo lang hindi yung pinapahasa mo kmi na mag update kpa"

            Unti unting pumapatak ang mga luha sa mata ko habang binabasa ko ‘yan. Unti unting lumalabo ang mga paningin ko. Alam niyo ‘yung parang bigla na lang gumuho ang mundo ko? Hindi ko kasi lubos na maisip na may gagawa ng ganyang bagay. Ang sakit pala noh? Ang sakit palang sabihan ka ng siraulo, tanga, sinungaling, baliw at paasa. ANG SAKIT PALA. 

Random ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon