Nagising ako dahil sobrang sakit ng ulo ko. Inikot ko ang paningin ko sa paligid. Nasaan lupalop ba ako? Napahawak ako sa noo ko dahil kumikirot. May bandage. May dextrose din ang kamay ko.
“She’s awake” narinig kung sinabi ni Lucas.
“Miu, you’re in the hospital” sabi sa akin ni Ninang.
“What am I doing here?” tanong ko.
“You fainted sa sobrang taas ng lagnat mo” she explained. “How are you feeling?”
“My head hurts and I’m starving” sagot ko.
“I’ll go to the nurse’s station and I’ll buy her food” sabi ni Lucas at binuksan ang pinto. Nakita ko si Coco pumasok.
“Ate Prada!” sabi niya. Siya lang ang tumatawag sa akin ng Prada kasi hindi niya ma prounounce ang pangalan ko nung maliit pa siya.
“Paano ka pumunta dito?” nag aalalang tanong ko.
“Pinasundo ko siya” sagot ni Ninang.
“I was so worried! Buti nalang andun si Kuya Lucas ng hinimatay ka. Paano pag ikaw lang mag-isa sa condo. You could have died alone!”
“Coco don’t scare your ate” suway ni Ninang. Natakot talaga ako sa sinabi ni Coco. Si Santi lang naman ang bumibisita sa condo.
“Oh my gosh!” halos mapasigaw ako ng may naalala ako. Bigla akong umiyak.
“Iha, let’s just be thankful that Lucas was there and saw you in the bathroom” Ninang tried to calm me down.
“Yun na nga eh, he saw me in the bathroom” Niagra falls ang peg ng luha ko.
“Ha?” hindi maintindihan ni Ninang.
“Lucas saw me naked!” gusto kong mahimatay. Humagalpak ng tawa si Coco.
Nanonood kami ng teleserye ng pumasok si Lucas sa kwarto na may bitbit na dalang dalawang take out bag.
“I want to die!” umiyak nanaman ako. Wala akong mukhang maiharap sa kanya. Kainin sana ako ng lupa, now na!
“Anak, lumabas ka muna” sabi ni Ninang sa kanya.
“Anong ginawa ko?” nagtatakang tanong ni Lucas.
“You saw her naked daw” tawa ng tawa si Coco.
“Coco” suway ni Ninang.
“Miu-miu, what do you want to eat? Chicken or beef?” tanong ni Lucas sa akin.
“I want to die!” ulit ko.
“Lucas hatid mo nalang si Coco, maaga ang pasok niya bukas. Ako na bahalang mag pakain kay Miu ng dinner” utos ni Ninang.
“Coco let’s go” sabi ni Lucas tapos tumingin siya sa akin. May kumatok sa pinto. Binuksan ni Lucas ang pinto.
“Santi!” napangiti ako sa tuwa.
“Duckie, how are you?” he gave me a hug.
“Paano mo nalaman na andito ako?” tanong ko sa kanya.
“Tinawagan ko sya kanina” sagot ni Coco.
“Coco let’s go” sabi ni Lucas.
“Ate Prada, pagaling ka ha” niyakap ako ni Coco. “Ninang and Kuya Santi, una na ako"
BINABASA MO ANG
Surface Tension
RomanceMiuccia Sanchez a.k.a as Miu or Miu-miu, 24 yrs old, drummer ng sumisikat na rock band na Surface Tension. Lucas Griffith, 30 yrs old, CEO and heir ng Griffith Mobile na isa sa pinaka malaking mobile service provider ng bansa Once upon a time, nung...