chapter 4

18 0 0
                                    

“Try niyo ulit Mam Miu-miu” sabi sa akin ni Manong Charlie, ang security guard sa bahay ng mga Griffith. Hindi ko siya makita kasi nakataas ang hood.  Pinilit kung buhayin ulit ang makina pero ayaw talaga. Six o’clock ang start ng mall show namin. Tiningnan ko ang orasan sa kotse. Five o’clock palang. Aabot ako kahit mag lakad ako. Buti nalang dito sa Alabang ang venue.

            “Manong Charlie patawag nalang po ng taxi” sabi ko at bumaba na ako ng kotse. May narinig akong kotse na padating. May pumarada na brand new red sports car. Hindi ko alam kung anong model yun pero sure akong Bugatti ang brand. Bumukas ang pinto at bumaba si Lucas. Naka jeans at blue collared shirt siya. Hindi ko alam kung ano ang uunahin kung pupuriin. Si Lucas ba o ang kotse niya. May pumarang black Ford Expedition. Nakita kong bumaba sila B1 at B2, ang dalawang bodyguard ni Lucas. Ako ang nag bigay ng palayaw sa dalawa kasi parehas Ben ang pangalan nila. Lahat ng Griffith ay may bodyguards. Ang pamilya nila ang isa sa pinaka mayaman sa bansa.

            “Lucas pwede bang mag pahatid kay B1 o B2 sa mall ayaw kasi mag start ng kotse ko?”

            “Samahan na kita, wala naman akong gagawin” sagot ni Lucas at binuksan ang kotse niya.

            “Okay lang ba kung yung isang kotse nalang gamitin natin kasi yun na ang nakalabas. Nag mamadali lang talaga ako” pakiusap ko. Sinabi ni Lucas kina B1 at B2 na aalis kami. Sumakay kami lahat sa black Ford Expedition.

            “Tom, andito na ako sa may entrance.” kausap ko ang band manager namin. Nag aantay ako ng instructions.

            “May dalawang event security  guards na susundo sa iyo” sabi sa akin ni Tom.

            “Okay sige, thank you” pinindot ko ang end button.

            “Si Miuccia!” narinig kong sabi ng isang lalaking teenager. Nakita kong palapit ang grupo nila. Inakbayan ako ni Lucas bigla. I can feel he was tensed.

            “Relax” sabi ko sa kanya.

            “Miuccia marry me please” nag propose yung pinaka maliit sa kanila. Naramdaman kong may sasabihin si Lucas pero tiningnan ko siya.

            “Peter mahiya ka nga kasama niya yung boyfriend niya” sabi nung nakasalamin.

            “He’s not my boyfriend” sabi ko sa kanila.

            “Yes! May pag asa pa ako” tuwang tuwa si Peter.

            “Pwede ba kaming magpa picture with you?” tanong nung pinaka cute sa kanila.

            “Sure” I smilled.

            “Ako muna” tumabi sa akin si Peter tapos inabot niya ang cellphone niya sa isa sa mga kaibigan niya. Nakita ko palapit ang dalawang event security guard.

            “Ms. Miuccia samahan po naming kayo hangang backstage” sabi nung isa.

            “Sige thank you” sagot ko.  Pagkatapos nila mag pa picture ay nag simula na kami mag lakad. Puno ang activity center kung saan naka tayo ang stage.

            “Andiyan na si Miu!”

            “Asan?”

            “Ayun!”

            “Miuccia!” nag takbuhan sila palapit. Inakbayan ako ni Lucas. Hinarangan sila nung dalawang event security guards na kasama namin. Nahirapan kami makalapit sa backstage kasi madami na yung lumalapit sa amin. Buti kasama namin si B1 siya ang nasa unahan namin, tiga hawi sa crowd para makadaan kami. Finally naka dating kami sa backstage. Pumasok kami sa malaking all black na tent na nagsisilbing dressing room.

            “Mahangin ba sa labas?” biro ng bassist namin na si Cooper. Inayos ko ang buhok ko.

            “Are you okay?” tanong ni Lucas, he looks so worried.

            “Oo naman, bakit?” natawa ako.

            “I want a word with the head of security of your band” sabi ni Lucas kay Cooper. Tumawa kami ni Cooper. “Anong nakakatawa?”.

            “Lucas wala kami nun” sakit ng tiyan ko grabe.

            “You should get one sabihin niyo kay Tom. May sugat ka” hinawakan niya ako sa braso.

            “Ah malayo yan sa bituka” sabi ko pag tingin ko. I checked my other arm. May sugat din at mas mahaba.

            “Ben mag hanap ka ng may first aid kit tapos papuntahin mo si B2 dito” utos ni Lucas.

            “Yes boss” sagot ni B1. Biglang may mga nag-sigawan na babae.

            “Si Nate siguro” sabi ko base sa lakas ng tili ng mga girls. Sumilip ako sa labas. Medyo nagkaka gulo.

Surface TensionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon