15

14 0 0
                                    

Natapos ang photoshoot ng mag sunset. Pagkatapos ay nag dinner ang buong staff. Naisipan kong maglakad lakad sa tabi ng dagat. From station one to station three tapos pabalik ulit ng station one kung nasaan ako naka check in. Pinipilit ako ni Ate Poppy mag stay sa Shangrila kaso mas pinili ko sa Station one. Sinenyasan ko si B1 na pwede na siya  magpahinga. Umakyat na ako sa floor kung nasaan ang kwarto ko. Nagulat ako ng makita kong naka upo si Lucas. Naka sandal siya sa pinto ng kwarto.

            “Anong ginagawa mo dito?” I crossed my arms.

            “Miuccia I’m really sorry. Hindi ko sinasadya yung sinabi ko. Sorry na please?” lumuhod siya. Nataranta ako.

            “Ano ka ba? Tumayo ka nga! Baka may maka kita sa iyo”

            “Am I forgiven?” tiningnan niya ako. Hay sinong hindi matutunaw sa mga mata niya.

            “Oo na” sabi ko.

            “Well nakaluhod naman na ako susulitin ko na” sabi niya at may dinukot siya sa bulsa na maliit na itim na kahon. Hirap na hirap siyang buksan ang kahon dahil sa cast sa kamay niya. Finally nabuksan niya yung kahon. Nasilaw ako.  Susko ilang carat yan ang laki.  Jusme! Magsasalita siya ng piningot ko ang tenga niya. Napatayo siya sa sakit.

            “Miu masakit!” reklamo niya.

            “Nasisiraan ka na ba ng bait?” tanong ko sa kanya.

            “Miu ikaw lang ata ang taong kilala kong namingot ng tenga dahil may nag propose” he pointed out.

            “Bakit ka mag pro-propose?” kulang nalang batukan ko siya.

            “Bakit ba nag pro-propose ang lalake sa babae, obvious naman diba?” he asked back.

            “Hindi naman tayo. Hindi ka naman nanliligaw” I pointed out.

            “Paano magiging tayo eh ayaw mo naman mag pa ligaw. Tsaka kelangan ko pa ba talaga manligaw?” tanong niya.

            “Goodnight” sabi ko sa kanya at nag swipe ako ng keycard.

            “Hindi mo man lang ba ako papasukin? Pagod ako sa biyahe”

            “Hindi ko naman sinabing pumunta ka dito” I pointed out.

            “Mag pa room service ka naman, I’m starving. Hindi pa ako nag di-dinner” sabi niya at dare-daretso siyang pumasok sa loob ng kwarto.

            “Why are you using my toothbrush?” masisiraan talaga ako ng bait sa lalakeng ito. Pag katapos niyang kumain, makiki toothbrush daw siya. Tootbrush ko pa talaga ginamit niya. He gargled then spit sa sink sabay ngiti.

            “Wala akong dalang gamit” sabi niya.

            “Obvious naman diba?” sarcastic kung tanong.

            “Miuccia hindi ka ba natutuwa na andito ako?” he asked.

            “Hindi” sagot ko. Pero sa totoo lang siyempre kinikilig ako. Ayaw ko lang pahalata.

            “What do you want me to do para you’ll like me?” he asked.

            “I’m tired, gusto ko na matulog” sabi ko sa kanya.

            “I like you” sabi niya. Dineadma ko siya. “I love you” he confessed. Tumalikod ako. Hindi ko alam kung maiiyak ako sa tuwa or sa takot.

            “Look at me” nainis siya. Hinarap niya ako sa kanya. Naka tingin ako sa paa ko pero he lifted my chin. I can see the frustration in his eyes. After a few seconds nag iba ang expression ng mata niya.

            “Do you want to say something to me?” he asked.

            “Wala” sagot ko. Bigla niya akong hinalikan.

            “Wala?” he asked.

            “Wala” sagot ko ulit. Hinalikan niya ulit ako

            “Wala?” he asked. “We can do this until the sun rises” he pointed out.

            “Oo na” sabi ko. Hinalikan niya ulit ako. Nakakadami na siya!

            “Oo na ano?” he asked.

            “Okay I sort of like you” I finally admitted.

            “Sort of like you lang?” he asked. Hahalikan niya ulit ako pero tumakbo na ako palayo. Hinabol niya ako.

            “Lucas ano ba” he started to tickle me ng ma corner niya ako. Sinundot ko siya sa may tagiliran niya, sa spot kung nasaan ang kiliti niya.

            “Miu tama na” suko na siya kaagad. Weakness kasi niya yun.

            “Ha lampa!” I laughed.

            “Ako lampa?” he asked tapos kinulong niya ako sa mga braso niya.

            “L-A-M-P-“ I tried to spell it out kaso bigla niya akong hinalikan. My knees went jelloid again. Napasandal ako sa wall. He was urging me to kiss him back and I gave in. His hands started to explore my body.  His lips went to my neck. He pressed his body against me. Oh my! I can feel his--. He managed to remove my shirt. He stared at me then he carried me to the bed.

Surface TensionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon