Intro

397 25 1
                                    

Someone's POV







Nagising ako sa kama mag-isa. Tinignan ko ang buong paligid. Napangiti ako sa aking nakita. Alam kong sobrang lawak ng kwarto at sa sobrang lawak na yun... Larawan niya. Larawan niya lamang ang tanging makikita.









Napaka loyal ko sakanya. Sa sobrang loyal ko. Hindi ko na nga naisipan papasukin ang ibang tao sa puso ko. Pagkatapos ng insidenteng iyon, siya na ang pinili ko.









Tumayo ako sa malaking kama. Today is the same day. Same day para pagsilbihan ang asawa't anak ko.










Bago ako makapunta sa kusina. Napansin kong may nakakalat sa sahig. Napukaw ng mata ko ang tanging bagay na sobrang pinaghirapan ko.









Pinulot ko ito at naupo sa sahig. Kasabay nun, biglang nag flashback ang mga alaalang kailan man hindi ko makakalimutan.









Tinitigan ko ang papel at ang bagay na aking napulot. Bigla nalang akong napangiti. Light bomb at concert ticket.









Tanda ko pa nun. Hamak na College student pa lamang ako ng makilala ko sila. Inosente at walang pakeelam sa mundo. Isang brokenhearted na gusto din mag move on. Pero pano?









Hanggang sa nagbago. Isang maling click lang ang nagpabago ng lahat. Sa lahat ng pagiging walang buhay studyante ko. Sa puso kong wasak. Nagkamali ako ng click sa YouTube. Nagsimula na silang pumasok sa buhay ko.









Nag ipon ako para lang makabili ng posters nila. Nag trabaho, hindi kumain, at nagmakaawa sa magulang. Katulad ng iba. Just an ordinary fangirl.







Okay lang kung laitin nila ako. Wag lang ang pinakamamahal kong grupo. Hindi ako lumalaban. Pero kailangan dahil sobra na.










Lahat ng bashers nilalabanan ko, kahit sa simpleng bagay na panlalait nila. Sobra sobra naman ang binabato ko. Childish man pero.... Wala eh, nilalait nila ang mga idols ko.










Bashers. Or pwede ding chismosa. Hay nako, sa tuwing makaka encounter ako ng bashers or chismosa. Aba murahan na this. Pano ba naman kase. Manlalait na nga lang ang layo layo pa. Dadating sa punto na, hindi pa nga alam ang buong kwento. Abot bundok na kaagad ang panlalait. Ang mga chismosa kase, makarinig lang ng chismis, may ending na kaagad.










Tinignan ko naman ang ticket na lukot lukot na. Sobra ang pagod ko dito, dahil gusto kong sa malapitan sila makita. Nag trabaho ako maghapon, minsan nga hindi ko na nagagawa ang assignment ko dahil pag uwi ko sa bahay. Nakasalampak kaagad ako sa Kama.










Nakaipon na ko lahat lahat. Pero isa nalang ang problema. Si mama at si papa. Nung unang kinausap ko sila tungkol sa concert. Siyempre hindi ako pinayagan. Pinaglinis muna ako ng bahay, as in buong bahay. Sa huli pinayagan din nila ako.










Tuwang tuwa ako nun ng makarating ako ng concert. Para akong nasa langit ng marinig ko ang live voice nila. Umiiyak ako habang sumasabay sa pagkanta nila, wala na kong pake kahit maubos ang boses ko. Basta mapansin lang nila ako.










Tumayo ako at naglakad patungo sa mesa na kung saan nandun ang picture frame ng lalaking pinakamamahal ko.












Natandaan ko pa nun. Mukha akong tanga habang sumasayaw. Ginagaya ko kasi yung sayaw nila.





Sobra din akong nalungkot, umiyak at nagwala ng malaman kong may nili-link sakanya, at ang masaklap pa kasintahan na niya. Ewan ko ba kung bakit ako umiiyak. Para akong tanga. Tanga dahil iniiyakan ko ang taong hindi naman alam na nag e-exist ako.






Sino ba naman ako para umiyak? Sino ba ako para magselos? At sino ba ako para mainis sakanilang dalawa? Isa lang naman akong fangirl, fangirl na ang trabaho ay dapat suportahan ang napupusuang idolo nila.










Nagmamalaki pa ko sa sarili na susuportahan ko silang dalawa. Pero taksil! Taksil ang puso ko! Pagnapaanood ko sila, bigla nalang parang may nagwawala sa dibdib ko.










Naramdaman kong may yumakap sa likod ko. Pagtingin ko.....











"Mommy!"










Tama bat ko pa iniisip yung masaklap kong nakaraan? Itong anak ko ang malaking successful ko.










Pero bigla nalang akong napatingin sakanya.










"Mommy, bakit niyo po hawak ang picture ni daddy?"









*****

A/N

So ayun na nga dahil bangag ako ang lame ng intro. But please enjoy~


Vote, Comment and Follow me ❤

Just A Fangirl ⚠ Do Not Read ⚠Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon