Hoseok-24

63 9 0
                                    

Yuju's POV

"Class dismiss."

Ang favorite line ko sa mga teachers! Sawakas nasabi na din.

Kanina pa ko inaantok dahil napuyat ako kagabi. Nanood ako sa youtube ng mga tutorial tapos ayun. Nagsasayaw ako kahit gabing gabi na. Well...gustong gusto ko talaga maging Idol eh. Kaya gagawin ko lahat.

Nagsilabasan na ang mga kapwa ko estudyante. Nag paiwan muna ako dahil aayusin ko pa ang laman ng bag ko. Hindi ko kasi naayos kaninang umaga dahil nagmamadali ako.



"Hi." Habang nag aayos ng bag, may kumalabit sakin kaya napalingon ako sa taong nagsalita.


"Oh hi." Sagot ko.


Kita ko kung pano nag rehistro ang magandang ngiti na iyon sa labi niya.


"My name is SinB." Nag bow siya sa harap ko saka naglahad ng kamay upang makipa shake hands.


Wow lang. May kaibigan na kaagad ako, saka ang ganda niya pa. Buti pa siya ang ganda ng ugali, yung iba kung makatingin parang papatayin na ko.


Nag bow din ako at nakipag shake hands. "I'm Yuju. Nice to meet you."


Magsasalita pa sana siya nang..


Ringggg ringg


Bwiset tumunog yung cellphone ko. Gusto ko pa naman makipag usap kay New friend kong si SinB.


Napa pout ako at kinuha ang cellphone sa bag ko. "Excuse me." Bahagya akong nag bow at pumunta sa isang sulok ng classroom.


"Unregistered number." Bulong ko ng makita ang caller.


Kinabahan naman ako dahil nangyari na to sakin. Dati kasi nung 1st year highschool palang ako at first time ko lang magkaroon ng cellphone. Akala ko nung tumatawag sakin ay si mama dahil hindi niya pa alam ang number ko. Sinagot ko yun at sinabing nasa hospital daw si mama at naaksidente, kailangan daw ng malaking pera dahil grabe daw ang tama. Hindi ko na alam ang gagawin ko nung panahon na yun. Gusto kong umiyak pero hindi ko magawa. Tarantang taranta talaga ako. Hanggang sa napagdesisyunan kong umuwi sa bahay para kumuha ng malaking pera.....pero nakita ko si mama, naka upo sa couch at masayang nanonood ng t.v. Napaiyak nalang ako dahil akala ko talaga nadala siya sa hospital. Napagtanto ko din na niloloko lang pala ako ng taong yun para mapaniwala ako at makuha ang pera namin.


"Gwenchana?" Napakurap ako ng maramdaman ko ang malamig na bagay na humawak sa balikat ko.


Nakita ko ang nag aalalang mukha ni SinB. "Ah neh..." Sagot ko kahit hindi naman talaga.


Kinakabahan talaga ako kapag nakakakita ng unregistered number. Pakiramdam ko lolokohin nanaman ako.


"Uy! Bakit hindi mo pa sagutin yan?"


Pinatay ko ang cellphone at nilagay uli sa bag. "Hindi na mahalaga yun. Tara kain tayo? Nagugutom na ko eh." Yaya ko at hinila siya palabas.


Nakita ko kung pano kumunot ang noo niya pero tumango nalang din.


Hindi ko pa masyado gawi ang pasikot sikot dito sa university kaya sumusunod lang ako kay SinB. Actually kanina nakita ko yung canteen, ang lawak at ang laki niya. Kaso nakalimutan ko, nasa utak ko kasi nung mga time na yun ay yung classroom ko so...


Habang naglalakad naramdaman ko nanaman ang pag vibrate ng cellphone ko.


"Bakit hindi mo sagutin? Kanina pa yan ha? Malay mo importante." Napalingon ako ng magsalita si SinB.


Just A Fangirl ⚠ Do Not Read ⚠Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon