Hoseok-7

93 10 0
                                    

Yuju's POV

"Goodbye." Ang sabi ng prof namin saka siya umalis.


Thank god makakakain na din.


Ayoko talaga sa MATH! Simula bata pa ko, hate na hate ko ang numbers.


Pero nakikinig naman ako kaso ang mata ko nasa librong binabasa ko.


Saka boring yung lesson niya eh. Ayaw niya nalang i-short cut .


"Yuju!! Sabay na tayo mag lunch!" Ang rinig kong sigaw ng kung sino man yon.


Napaangat naman ang ulo ko at nakita ko si Yerin na papunta sa direksyon ko.


"Sige sandali." Sagot ko habang inaayos ang bag ko.


Isinabit ko na ang bag ko sa balikat ko. "Tara na." Sabi ko at sabay kaming lumabas ng classroom.



"Aish! Nagugutom na ko! Kasi naman si prof ang tagal mag lesson!" Ang nakangusong sabi niya habang nakahawak sa tiyan.



Tumango ako. Sang ayon din naman ako sa sinabi niya.



Actually, kanina ko pa nararamdaman ang pagkalam ng sikmura ko kaso si prof wala yatang balak pakainin kami.


Hay, buti nalang may konsensya pa siyang pakainin kami.


"YUJU!"


Sino nanaman yon?


Napalingon ako.


What the hell?!



Nakita ko nanaman ang lalaking yon na tumatakbo papunta sa gawi ko habang nakataas ang kamay.



Seriously? Pinagtitinginan na siya ng mga tao pero wala lang siyang pakielam.



Abnormal -_-



"Hi Yuju." Ang bati niya saka hingal na hingal na napahawak sa dibdib.


Yan sige takbo pa.


Napataas ang isang kilay ko. "Ano?" tanong ko.


Nag sign lang siya ng 'wait' saka hinabol ang hininga niya kaya nahipan ko naman ang bangs ko, tatakbo takbo pa kase.



"Diba may usapan tayo? Sabi ko magla lunch tayo." Ang sabi niya.


Oh? Nakarecover na pala siya? Busy kasi akong tignan ang messy hair niya eh. Ang ganda lang tignan. Mas lalong bumagay sakanya.


"Ikaw lang ang may gusto hindi ako." sabi ko gamit ang walang emosyon na boses.



Nakakasira siya ng araw ko simula kanina, tapos ngayon. Kinukulit niya ko.


Clap clap. May talento talaga siyang painisin ako.


"Hindi! Basta nag deal ka na!." Ang parang batang sigaw naman niya.


Say what?


Magsasalita pa sana ako nang sumingit si Yerin.


Oh? Buhay pa pala siya?


"Excuse me pero Yuju, sino siya?"  tanong niya sakin habang nakaturo sa lalaking nasa harapan namin.



Ano nga uli pangalan niya? Nakalimutan ko na kasi.



Sabagay hindi naman siya worth it. Saka hindi ko siya close para tawagin ko siya sa pangalan niya.



Nagkibit balikat lang ako.



Just A Fangirl ⚠ Do Not Read ⚠Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon