Hoseok-19

75 11 23
                                    

Author's POV


"Kingina naman Hoshi dahan dahan sa pagkain! Hindi ka naman aagawan, umayos kang hayop ka!" Iritang sigaw ni Yerin sa katabi na kasalukuyang nilalantakan ang pagkain na parang baboy.


Nakasimangot namang humarap sakanya si Hoshi habang nakasubo ang buto ng manok sa bibig pa ne'to. "Eh baket ba? Ang shalap ng pagkaen eh!" Reklamo ng binata saka nilantakan uli ang pagkain.



Napa face palm nalang si Yerin habang si Yuju ay natatatawang pinapanood silang dalawa.


Kasalukuyan silang kumakain sa Mang Inasal. Nirequest kasi ni Hoshi na dun sila kumain dahil miss na miss niya na daw ang manok. Wala naman nagawa sina Yuju at Yerin dahil ginamitan sila ni Hoshi ng super kadirdir aegyo ne'to.


"Friend!!"


Nabilaukan si Yuju sa biglaang pag akbay sakanya ni Yerin kaya naalarma si Hoshi at agad na binigyan ang dalaga ng tubig. Makikita sa binata ang pag aalala habang si Yerin naman ay pangisi ngisi na lamang.


"Ano ba yan Yerin? Kumakain yung tao oh?" Ang naiinis na sabi ni Yuju pero hindi siya pinansin ni Yerin na nakangising nakatingin sa nag aalalang mukha ni Hoshi.


Leche ka Hoshi. Nilaglag mo ko kay Moonbin. Ngayon ikaw naman ang ila-laglag kong tarantado ka. Isip isip ni Yerin na hindi parin inaalis ang mga mapangasar na tingin ne'to kay Hoshi.



Natandaan noon ni Yerin na nagbahagi siya ng feelings sa binata. Sabi niya wag sasabihin kay Moonbin. Siya at ang lalaking kaibigan lang ang nakakaalam. Pero laking gulat nalang ne'to na pagkatapos sabihin sa kaibigan ay siya naman ang pagconfess ni Moonbin sakanya. Kaya ayun ang kupal tuwang tuwa.



Pagkatapos ng malawakang paghinga ni Yuju. Binatukan niya ang katabing babae at pinitik ang noo ne'to. "Thank you Hoshi." Pasasalamat ni Yuju sa binata at binalik ang ice tea ne'to sakanya. Sakanya kasi yun pero ibinigay sakanya.



Ngumiti nalang si Hoshi. Hindi pinakitang kinikilig ito. Napatingin siya kay Yerin na kasalukayang nakatingin din sakanya. Ikalma mo yang bayag mong puta ka. Bulong ne'to pero napailing nalang ang binata at muling kumain.



Nabasa ni Hoshi ang labi ni Yerin. Napangiwi na lamang sya sa sobrang kalaswaan ng kaibigan. Ang gandang babae pero ang libog. Kinginang yan.




"Yuju..." Tawag ni Yerin. Nakakunot noong napatingin naman sakanya ang dalagang katabi.



"Ano nanamang kahayupan yang sasabihin mo?" Tugon ni Yuju. Tinanggal niya ang akbay ni Yerin pero agad din yun binalik ng dalaga.



"Sht ka Yuju. Hindi naman kahayupan ang sasabihin ko. Grabe ka sakin ha?" Tumatawang sabi ni Yerin na sinasabayan pa ng paghampas ng mesa. Napatingin naman ng masama sakanya si Hoshi dahil naistorbo ito sa pagkain. Inirapan lang niya ang binata at ibinaling ang atensyon sa katabing babae.



"Eh ano yon?" Tanong ulit ni Yuju.



"May crush sayo si Hoshi." Mabilis pa sa alas kwatrong sabi ng dalaga.



Natigil sa pagpapak ng buto si Hoshi at napatingin kay Yerin samantalang nakatingin lang si Yuju sa kaharap. Hoshing-ina sinasabi ko na nga ba't may gusto sakin tong hinayupak na to e. Hindi naman ako tanga para hindi makita yon sa kilos niya.



Just A Fangirl ⚠ Do Not Read ⚠Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon