Hoseok-10

78 13 5
                                    

Yuju's POV

"Yuju anak."


Bigla akong nagising ng marinig ang boses ni mama.



Ma namam eh, mamaya nalang. Inaantok pa ko.



"Anak, gising na. May pasok ka pa."


Eh! Tinatamad akong pumasok.


Bigla akong napa upo ng maramdaman ang kiliti sa baywang ko. Pagkatapos, nakarinig din ako ng tumatawa.



"Haha, always work"



Tinignan ko siya at sinimangutan. "Ma naman! Hindi ba pwedeng wag nalang muna ako pumasok?"


Nagulat ako nang hampasin niya ko sa braso. Grabe si mama! Ang amazona! "Hindi pwede anak! Mamili ka. Papasok ka o papasok ka?"



May pagpipilian ba dun?


"Oo na ma! Papasok na." Suko na ko. Wala eh, iba si mama eh.

"Mabuti naman. Baka gusto mong itapon ko lahat ng panty mo sa labas."



Nagulat ako nang sabihn niya yun, hinampas ko sya sa hita. Hindi naman malakas at baka mahampas ako ng walis.



"Ma ano ba yan! Labas ka na nga!"


Tumango tango lang siya habang tumatawa, pero lumabas na din.



Woah! Panty talaga yung sinabi?



Niyakap ko ang binti ko.



Hindi ko pa feel tumayo, inaantok pa ko. Sana sabado o linggo nalang ngayon.


Bzzzt bzzzt

Napataas ang ulo ko nang maramdaman ang pag vibrate ng cellphone ko sa bandang paanan ko.


Baka nag text si Yerin.

Pero nagtaka ako ng makita ang unregistered number.

Wtf? Sino to?

'Hi Yuju.'

Omg! Kilala ako ng kung sino man to!

'Hello pero sino ka po?'

Mahirap makipag usap sa kung sino. Baka mamaya kung ano na to. Baka sabihin, nasa hospital blah blah tapos manghihingi ng------

'Haha! Si Hoshi. Hindi mo ba natatatandaan? Nagpalitan tayo ng number kahapon.'

Nabigla ako ng mabasa ko ang text na yun.

Huh? Hoshi? Saka nagpalitan kami ng number?

Hala! Wala kong matan----- nasapo ko nalang ang noo ko dahil sa katangahan ko.

Oo nga pala, nagpalitan kami ng number kahapon. Bakit nakalimutan ko kaagad yun?


Pinalitan ko ang unregistered number sa Hoshi at nareplyan siya. Napahiya tuloy ako! Ano ba yan!

'Ahehe ganun ba? Sorry kagigising ko lang kasi.'

Just A Fangirl ⚠ Do Not Read ⚠Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon