Hoseok-20

69 12 1
                                    

Yuju's POV



"HELLOOOO KOREAAA!! KYAHHH!!!"



Omo! Omo! Omo! I can't believe it! Nandito na ko sa korea!! Ohmyghad!



"BTS JHOPE!! MAGKIKITA NA TAYO OPPA! HWAITING MO KO HA?! I'M COMING BAYBEH!" Sigaw ko ulit habang umiikot ikot with matching nakataas pa ang kamay sa ere para mas feel.



Shit! Shit! Shit! Ang dami ng nakatingin saking mga tao pero 'Ala akong pake. Bakit ba? Newby  ako dito eh! Support diyan hello!



Maya maya natanaw ko ang nanay ko at ang dalawa kong kapatid palapit sakin dala ang mga maleta namin. Nang makababa kasi ang eroplano, nauna na kong bumaba dahil super excited akong makita at malanghap ang korea. Sorry naman. Gustong gusto ko lang makapunta dito and....NANDITO NA NGA AKO! KYAHHH!!



"Omona. Ang bigat ng maleta mo Yuju, anak." Sambit ni mama nang makadating na sa harapan ko.



Ngumiti ako ng malapad at walang pakundangang kinuha ang maleta ko. Ayoko naman magbago ang isip ni mama dahil nahihirapan siya sa maleta ko. Kailangan ko siyang lambingin para makabili ako ng kung ano ano dito. Hihi.



Ok! Mission 1: Pumunta sa fanmeeting ni Oppa!



Balita ko, may fanmeeting ang bangtan dito sa Seoul. So syempre bilang isang dakilang fangirl. Pupunta ako!



Ngunit kinakabahan ako sa twing naiisip ko ang mangyayari dito sa korea. Hindi naman malayong magkita kami diba? Lalo na't lagi ko naiisip ang bangtan, may isang tanong sumasagi sa isip ko. Hindi ko alam kung bakit bigla bigla nalang pumapasok yung taong yun at parang hinahaplos niya ang puso ko. Anong bang balak niya? May comeback ba siya sa buhay ko? -----pero isa lang ang nasisigurado ko. Hindi ko to gusto.



"Noona!" Sigaw ng kung sino man yun. Hindi ko yun pinansin at mas inaliw pa ang paningin ko sa mga taong dumadaan sa harapan ko. Ang gaganda kasi ng suot nila kaya hindi ko maiwasan maiinggit. Ano ba yan, mukhang basura tong suot ko!



"Noona!" Sigaw niya uli and this time hinihila niya na ang laylayan ng jacket ko kaya napatingin ako sa baba. Ahh yung makulit ko lang palang kapatid.



"Ano yun, Sujun?" Tanong ko at bahagyang umupo para magkalevel kami.



"Tinatanong ni Eomma kung may extra ka daw pong gloves kasi si Sueun naiwan yung gloves sa pilipinas." Sagot niya habang nakasimangot.



Napangiti ako ng malapad at gigil na gigil na kinurot ang magkabila niyang pisngi. Ang cute kasi ng boses niya eh, ang liit.



"Ah! Noona! Mashaket!" Angal niya at pilit na tinatanggal ang kamay ko sa pisngi niya.



Tatawa tawa ko naman tinanggal yon. Sus masakit daw eh naka gloves naman ako. If I know, nahihiya lang tong little brother ko dahil pinagtitinginan na kami ng mga tao. Tinignan ko ang backpack ko kung may extrang gloves and luckily meron nga. Sinadya ko talagang magdala ng gloves para sa dalawa dahil alam kong makakalimutan nila ang gamit nila sa pilipinas. Yeah, ang sweet ko noh?



"O eto." Binigay ko yon kay Sujun at tumakbo naman siya kay Sueun na nasa gilid dahil nilalamig daw.



"Oppa, ang tagal mo." Nakasimangot na komento ni Sueun.



"Mianhae. Si Noona kasi eh."



Natawa ako sa dalawa kong kapatid. Ang cute talaga nila kainis! Bakit ako mukhang patatas? Tsk hustisya naman oh?



Just A Fangirl ⚠ Do Not Read ⚠Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon