DC #6

16 2 1
                                    

Wth?! Walangya talaga to si badj! Joke lang pala niya yung kanina eh! Putek kala ko totoo!!

"Alam mo? Bibigwasan kita jan eh! Akala mo ba natuwa ako sa ginawa mo?" Sabi ko sa kanya

"Bakit? Gusto mo ba? Tara gawin natin?" Tanong niya naman

"What the hell?! Tumigil ka nga jan badj! di ka nakakatuwa, what i mean is bakit sa canteen pa? Tapos andami pang tao! Edi naloka na?! Baliw to!" Sabi ko tapos naglakad na ko paalis

"Eh kung ganyan ka naman pala mag react, edi sige! Tayo na!" Sigaw niya naman

"PUNYAL KA!! MANAHIMIK KA DIYAN KUNDI BABLACK EYE-AN KITA!" Sigaw ko sakanya....

Aish!!!! Nababaliw na ko sa lalaking yun! Di ko alam kung pano ko nakatagal sa kanya!!!

"Uyy!! Sorry na! Promise di ko na uulitin." Tss.. humabol pa! Bahala siya!

"Psst oy badj! Dali na kasi bati na tayo!" Sabi niya ulit pero patuloy lang ako sa pagalalakad

"Hay sige na! Bukas babawiin ko na yung sinabi ko." Sabi niya ulit, still di pa rin ako kumbinsido.

"Bahala ka, pag di mo pa ko pinansin.." lumayo siya sakin saka pumunta sa gitna ng kalsada "Magpapasagasa na lang ako dito." Dagdag pa niya

Di ko pa rin siya pinansin.. as if namang magpapasagasa talaga yan. Naglakad na ko palayo dun, pero wala akong naramdamang sumusunod sakin... shit seryoso ba talaga siya?

*Peep peep*

Napalingon ako dahil sa busina ng sasakyan... shemmss!! Malapit na yung sasakyan sa kanya

"Punyal ka talaga badj! Umalis ka nga diyan!" Sigaw ko. Pero di pa rin siya umalis.

"Badj! Ano ba!" Napatakbo ako papunta sa kanya.

*Peep peep*

"Hoy kayo! Wag nga kayo sa gitna ng daan mag landian! Mga batang to!" Sigaw naman nung driver saka pinaharurot yung sasakyan.

"Badj naman eh! Tumayo ka na kasi jan!" Sabi ko

"Akala ko di mo na ko papansinin eh." Sagot niya naman

"Tss... pag ikaw namatay, edi ako may kasalanan?" Sabi ko

"Salamat badj! At least alam kong di mo ko iiwan!" Sabi niya tsaka ngumiti sakin.

"Tumayo ka na jan!" Sabi ko tapos nagmadali na kong maglakad.. grabe ano bang nangyayari sakin? Aish!

"Teka badj! Hintayin mo naman ako!" Sabi niya

"Uuwi na ko kaya pwede lubayan mo na ko?" Sagot ko sa kanya

"Ayoko, tsaka pareho lang naman tayo ng daan pauwi eh." Pagpilit niya

"Ano ba badj?! Please lang kailangan ko munang mag isa... kahit ngayon lang!" Sabi ko

"Ehhhh, i still dont want to." Sabi niya. Aish para talagang bata eh!!!!

"BADJ ANO BA?! PLEASE LANG!" Sigaw ko.

"Tsk. Fine, basta magtext ka pag nakauwi ka na ah?" Sabi niya. Di ko na siya sinagot, naglakad na ko paalis..

Ewan ko ba, feeling ko iritang irita ako kay badj... tsk.

Nakarating ako dun sa lagi kong tambayan, sa botanical garden.. dati lagi kong kasama si Sam pag pumupunta ako dito.. wait speaking of Sam. Di ko na nakikita yung babaeng yun.

"I-i hate you!! Sabi mo mahal mo ko diba? Y-you promise me that... we'll b-be together! Please dont break up with me!" Somehow nakarinig ako ng iyak ng isang babae... kaya napalingon ako.

Wait, si Gian ba yun? Or kamukha niya lang?

"Ayoko na nga eh! Ano bang di mo maintindihan dun? Palagi na lang ba ako yung mag aadjust? You see lagi na lang ikaw yung kasama ko tuwing may lakad kami ng barkada di ako nakakasama, dahil sayo." Sabi nung lalaki... "Alam mo rin bang muntik ng masira yung barkadahan namin ng dahil din sayo? Parati daw ikaw, porke may girlfriend ako nakakalimutan ko na yung barkada... Please lang, let me go." Sabi nung lalaki...

Ano ba yan! Gusto ko nga ng peace eh, hindi chismis! Tsk makabili nga muna ng pagkain, nakakagutom na eh!

Pumunta ako dun sa stall na puro favorite ko yung tinda, emegesh namiss ko to!

Bumili ako ng squid ball tsaka isaw... syempre pati gulaman!! Waaaahh im craving!!

*RING!!! RING!!!*

(Sam calling...)

"Hello? Uy Sam! Napatawag ka?"

(Jayde? Nasan ka?)

"Teka umiiyak ka ba?"

(Pwede ba tayong magkita ngayon?)

"Ha? Ahhh.. ano nasa botanical ako ngayon eh."

(T-talaga? Nasa botanical l-lang din ako.)

"Hmmm... sige puntahan kita."

(Nandito ako sa tambayan natin.)

I hang up the phone tsaka pumunta dun sa tambayan namin dati, pero bago ako makarating dun may nadaanan akong nagtitinda ng cotton candy, favorite namin to ni Sam nung bata kami. Bumili muna ako ng dalawa saka naglakad ulit.

"Sam!" Tawag ko sa kanya, lumingon naman siya sakin. Tama nga ako umiyak siya. Lumakad ako papunta sa kanya. Nung makalapit ako agad niya akong niyakap.

"S-sam?" Sabi ko.

"A-ang daya niya Jayde! Sabi niya h-hindi niya ko iiwan. P-pero bakit ganun Jayde?" Sabi niya ng umiiyak.

"Ano bang nangyari? Kumalma ka nga muna." Pati tuloy ako naiiyak, ayoko kasi makakita ng taong umiiyak lalo na pag kaharap ko talaga.

"We broke up." Tipid niyang sabi.

"Ha? Teka, outdated ako!" Sabi ko.

"You see, naging kami ni Gian... 2 weeks ago na... totoong relationship na yun Jayde. Tapos sabi niya pa sakin nun na di ko daw pagsisisihan yung araw na yun.. Jayde!!" Sabi niya tsaka umiyak uli.

"What the hell?! Nasan yung lalaking yun? Shocks!!! Makakatikim ng sapak sakin yun eh!!" Sabi ko.

"J-jayde, namiss kita!" Napatingin ako kay Sam tsaka ngumiti.

"Ako rin. Ay wait gusto mo?" Sabi ko habang pinapakita yung cotton candy.

"Ay shemmss cotton candy!!!" Sabi niya tsaka kinuha yung isang cotton candy.

*RING!!! RING!!!*

"Ay wait lang ha? Tumatawag si mom."

"Ge lang." Sagot ko.

Ilang minuto din silang nag usap...

"Jayde! Sorry i need to go. Pinapauwi na ko ni mommy, next time na lang ulit. Bye!" Paalam niya tsaka nagmadaling umalis.

Hay nako! Mag isa na naman ako.

Nagulat ako nung may biglang nagtakip sa mata ko.

"Sam!! Akala ko umuwi ka na?"

Tinanggal niya yung takip sa mata ko kaya tumingin ako sa kanya... wait...

"Gian? Anong ginagawa mo dito? Tanong ko.

"Can we talk? Please."

**********

DEAR CRUSH, I NEED TO MOVE ONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon