DC #7

22 3 0
                                    

"Walangya ka bakit mo pinaiyak yung bestfriend ko? Sino ka sa tingin mo ha?! Wala kang karapatan!!" Sigaw ko habang hinahampas ko siya.

"Kaya nga gusto kitang makausap eh." Sabi niya napatigil naman ako sa paghampas sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.

"Ayoko na kasing lokohin siya, Jayde... una pa lang ikaw na ang mahal ko, kaya mas pinili kong ligawan na lang si Sam para mas mapalapit sayo. Pero nagkamali ako, akala ko kapag naging kami ni Sam mas madalas na din kitang makakasama pero hindi eh, natali ako sa kanya." Sabi niya. Fck! Ano bang nangyayari sa mundo?!

"Alam mo Gian, kung ganyan lang din naman ang sasabihin mo... w-wala akong balak makinig!" Sabi ko.

"Please, maniwala ka naman sakin oh." Sabi niya. Tumalikod na ko sa kanya tsaka naglakad.

"JAYDE IKAW YUNG MAHAL KO, HANDA AKONG PATUNAYAN SAYO YUN! MANIWALA KA LANG!" Sigaw niya... pero bago ako makaalis nakita kong nakatayo sa harap ko si Sam, teka diba umalis na siya? Sht! Wala na kong maintindihan sa nangyayari ngayon!!

"Sam! Teka magpapaliwanag ako!" Sabi ko habang hinahabol ko siya.

"Para san pa Jayde? Narinig ko lahat! Wag mo ng aksayahin yang laway mo sa pagpapaliwanag." Sabi niya

"Fck Sam! Hayaan mo muna akong magpaliwanag please..." sabi ko tsaka ko hinawakan yung braso niya para iharap sakin. "Hindi ko naman alam na ganun yung sasabihin niya eh, tsaka Sam im sorry." Sabi ko

"Kasalanan mo kung bakit siya nakipaghiwalay sakin eh! Kasalanan mo! Ang buong akala ko kaibigan kita! Pero tinraydor mo ko!!" Sigaw niya.

"Sam hindi, mali ka!" Sabi ko.

"Shut up, wag na wag mo na kong kakausapin kahit kelan! From now on, our friendship is over! Mark my words!" Sabi niya saka umalis. Naiwan nanaman akong nakatayo dito, lagi na lang ba?

Nakakainis! Bakit hindi ko kayang ipaglaban yung sarili ko?! Lagi na lang akong umiiyak, laging ako yung nagmamakaawa! Tsk! Umupo muna ako sa bench, nakakapagod tong araw na to!

"Umiiyak ka na naman!" Siguro alam niyo na kung sino yung nagsalita? Yung taong laging dumadating kapag mag isa ako, yung laging nasa tabi ko kahit anong mangyari...

"Badj!" Tawag ko sa kanya tsaka ko siya niyakap, pakiramdam ko naulit na naman yung nangyari dati..

"Nag away na naman kami ni Sam... badj hindi ko na alam kung san ako lulugar eh." Sabi ko, naiiyak na ko, tinatraydor na naman ako ng mga luha ko!

"Dito ka lang sa tabi ko badj, dito ka lang." Sagot naman niya... humiwalay ako sa pagkakayakap ko sa kanya.

"Badj, ibabalik ko na sayo yung notebook." Sabi ko, saka ko nilabas yung notebook sa bag ko.

"Tingin ko di ko naman kailangan yang notebook na yan eh." Sabi ko ulit

"Ibig sabihin, okay ka na? Naka move on ka na?" Tanong niya

"Hindi badj, hindi pa... pero susubukan ko sa ibang paraan." Sabi ko, napangiti naman siya dahil dun.

"Yan ang badj ko! Hahaha tara, libre mo na ko." Sabi niya tapos inakbayan niya ko.

"Ayy ang bait! Sige na nga!" Sabi ko tapos naglakad na kami.

Ang swerte ko kasi kahit anong mangyari nandito pa rin siya sa tabi ko, hindi niya ko iniwan.

"Badj, salamat ah?" Sabi ko, habang kumakain kami.

"Salamat...?" Tanong niya.

"Kasi... di mo ko iniwan, kahit na tinaboy kita kanina nandito ka pa rin sa tabi ko." Sabi ko, nakita kong ngumiti siya.

"Yun ba? Sisingilin kita sa laging pagsama sayo no? Aba anong akala mo walang bayad serbisyo ko?" Sagit niya.

Hala siya! Walangya talaga to si badj!

"Tss, kahit kelan talaga... aish!" Bulong ko.

"Pfft, ano yun badj? Hahahahaha." Sagot niya tapos tumawa lang siya ng tumawa

"Alam niyo, bagay na bagay kayo." Singit nung ale.

"Kami ho?" Tanong ko sa kanya

"Oo, ang cute niyong tignan naalala ko tuloy yung kabataan ko, ganyang ganyan din kami ng mister ko noon." Sagot niya.

"Ahh.. ano po hindi po---" tinakpan ni badj yung bibig ko kaya di ko natuloy yung sasabihin ko

"Talaga po? Haha naku! Mauna na po kami ng girlfriend ko ha? May pupuntahan pa po kasi kami." Sabi niya

"Mag iingat kayo. Mga bata pa kayo, marami pa kayong pagdadaanan." Sabi nung ale.

"Ahh.. opo salamat po ulit." Sabi ni badj tsaka kami naglakad.

Tinanggal niya na rin yung kamay niya sa bibig ko.

"Pwe! Ang alat ng kamay mo badj!" Reklamo ko

"Gwapo naman, kaya okay lang." Sabi niya, pinalo ko siya sa tyan niya.

"Umayos ka nga! Pati yung ale pinagtripan mo!" Sabi ko

"Sino bang nag isip na mag on tayo? Yung ale diba?" Sabi niya.

"Kahit na, sana sinabi mo na lang na hindi tayo!" Sabi ko.

"Tsk. Ayaw mo pa, bagay na nga tayo! Uuwi na ko badj, ang sakit na ng tuhod ko." Sabi niya saka naglakad paalis.

Napaka gentleman talaga kahit kelan! Tsk.. teka nga, parang may punit yung pantalon niya.

"Badj! Teka nga!" Sigaw ko huminto siya pero di siya tumingin sakin.

"Bakit?" Tanong niya ng nakatalikod pa rin.

Pumunta ako sa harap niya tsaka lumuhod.

"Anong nangyari jan? Ba't may punit yang pantalon mo?" Tanong ko

"Design yan! Palibhasa wala kang alam sa fashion eh!" Sagot niya.

"Hoy! Umayos ka nga! Hindi design yan, kaninang umaga wala yan." Sabi ko.

"Tsk, wala ka ng pake dun!" Sabi niya ulit.

"BADJ! ISA!" Sigaw ko.

"Aish! Nasabit yan kanina." Sabi niya.

"Magsasabi ka ng totoo o ano?! May dugo na yung binti mo oh!" Sabi ko. Napaka arte talaga ng taong to, akala mo babae eh!

"Fine, may nakaaway ako sa daan kanina, okay na?" Sabi niya

"Sino?" Tanong ko agad

"Wala, di mo kilala." Sagot niya.

"Badj naman eh!" Sagot ko.

"Gian." Tipid niyang sagot.

"Si Gian may gawa niyan sayo? The eff!!" Sabi ko.

Kinuha ko yung panyo ko tsaka ko pinunasan yung dugo sa pantalon niya, tapos tinali ko na rin para mapigilan yung pagdugo.

"Ano ba kasing ginawa at nag away kayo ng ganyan?" Tanong ko.

"Sinuntok ko." Tipid niyang sagot.

"Ha? Kasalanan mo rin naman---" Di ko na naman natapos yung sasabihin ko kasi sumabat siya.

"Kasalanan kong minahal kita badj?"

--------

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 10, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DEAR CRUSH, I NEED TO MOVE ONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon