DC #3

36 7 11
                                    

Monday ngayon as usual flag ceremony kaya maaga pumasok!! Psh nakakatamad huehue!! Ala una na kasi ako nakatulog eh, walangjo kasi si Gian!

"Jayde! Bilisan mo na! Pag ako nalate na naman uupakan na kita jan!" Sigaw ni kuya sa baba

"Oo na! Sandali..." bumaba na ako dahil mukhang nag uusok nanaman yung ilong ni kuya! Nang iiwan pa naman yan pag nainis!

"Oy panget! Naiwan ko yung project ko sa bahay!" Sabi ko kay kuya na iniistart na yung engine ng kotse!

"JAYDE!!!!!!" dali dali akong lumabas ng sasakyan! Shemmss!! Sakit sa tenga ni kuya! Tapos tinawag ko pa siyang panget! Hahaha naku! Lagot ako!...

Nung makuha ko yung project ko may nalaglag na papel dun... mamaya ko na titignan! Baka mamatay pa ko pagtinagalan ko!

Ilang minutes din papunta sa school ang aga pa nga eh! Si kuya talaga!

I forgot same school lang kami ni kuya siya 3rd year college na while ako grade 10 palang!!

"Badj!" Napatingin ako sa likod ko.. sabi na si Alex eh

"Uy badj! Naks aga natin ah?" Sabi ko

"Syempre! Ay nga pala badj! Tignan mo to!" Sabi niya sabay abot ng notebook

"The best way to forget your crush is to write all the things you hated him the most." Napatingin ako kay Alex nung mabasa ko yung nakasulat dun "Aanhin ko naman to, aber?"

"Kainin mo yan badj! Mabubusog ka jan! Tss malamang isusulat mo yung mga ayaw mo sa kanya kahit ilan as long as alam mo kung pano..." sabi niya kaya napataas ako ng kilay "Psh! Di ba nga tinanong mo ko kagabi kung pano ka makakamove on kay Clyde? Ayan nag research ako!"

"Ahh k.. pano nga ba?" Tanong ko kaya napakamot siya sa batok niya

"Aish! Mamaya na nga! Tara pumila na tayo!" Sabi niya tapos pumila na siya sa boys at ganun din ako, pumila na ko sa girls.

--------
Yay!! Homeroom ngayon kaya matutulog muna ako! Hahaha wala namang gagawin eh. Tsaka napuyat ako dahil kay Gian.

"Bes cleaners tayo, remember?" Sabi ni Sam sakin

"Ayyt.. shemmss oo nga pala! Nakalimutan ko!" Sagot ko, nakalimutan kong cleaner ako ngayon! Psh hanggang bukas pa!

"Beb hayaan mo na muna si Jayde... tagpuyat yan kagabi eh! Hahahaha." Singit ni Gian. Putek yan! Sinabi pa!

"Magkachat kayo kagabi?" Tanong ni Sam

"Yeah, sort of." Sagot ni Gian... hala siya!!! Kung nakakamatay lang talaga ang tingin, malamang wala tong kwentong to ngayon! Djk huhu baka mag away to!

"Kaya pala late reply ka? Psh!" Sabi ni Sam tsaka umalis.

"Beb! Hindi yun!" Sigaw ni Gian!! Hala siya LQ!!

"Bopols! Sundan mo si Bes! Shungangot to!" Sabi ko kaya umalis na siya! Hayys I admit nagseselos ako pero gaya ng iba... wala naman akong karapatan kaibigan lang ako para sa kanya at hinding hindi magbabago yun.

"Badj! Ano may nasulat ka na?" Ay shete! Nandito nanaman tong monggoloid na to kita ng nag eemote ako eh!

"Wala. At wala akong balak!" Sagot ko.

"Sungit. Meron ka ba?" Tanong niya.

"Anong meron?!" Tanong ko sabay taas ng kilay.

"Period? Girl thing? Regla?" Sagot naman niya! Shemay!!!!!

"Yuck kadiri ka badj!!! Dun ka nga!" Sabi ko, kadiri eh! Sabihin daw ba yung 'term' na yun! Kundi ba naman abnormal!

"Seryoso mo kasi eh." Sagot niya... bago pa siya maka alis hinawakan ko yung baba polo niya.

"Teka badj, can i change my mind?" Tanong ko

"Ewan? Ano ako dp mo? Papalitan mo kung kelan mo gusto?" Sagot naman niya. Ay baliw! Naghukay na naman tong kulugong to!

"Shungek! Mind nga eh, mind ka ba?" Tanong ko sa kanya

"Hahahaha... e diba nga, lagi mo kong nasa isip?" Boom sabog! Kahanginan nanaman nito eh!

"Hayy nako! Seryoso na kasi badj!" Sabi ko.

"Ge na nga! Ganto kasi yan badj... ako wag mo akong tatanungin jan! Kasi its your OWN choice not mine, kumbaga support mo lang ako! Gwapo ako eh." Okay na eh humirit pa.. di talaga mawawala sa mga lalaki yung pagkamahangin!

"Hayys... badj, alam mo ba fake lang yung relationship nila?" Bulong ko kay Alex "Tapos gusto niya na daw totohanin... ang masakit pa dun badj! Gustong magpatulong sakin ni Gian." Dagdag ko.

"Anong sabi mo sa kanya?"

"Sabi ko, oo tutulungan ko siya.. shitzu badj hindi ko kayang humindi sa kanya!" Sagot ko dun sa tanong niya.

"Lemme help ya! Di joke lang... kelan ba kayo mag uumpisa?" Tanong niya.

"Mamaya daw..."

"Ha! Magsisimula na rin ang alamat!" Sabi niya.

Alamat? Alamat ko?

"Alamat Kung Paano Nabuo Ang Salitang Move On." Dagdag niya.

--------

Another short update, sorry na tinamad ako eh... promise babawi talaga ako. Maraming salamat sa mga nagbabasa, and to @MeU_Amberistic

DEAR CRUSH, I NEED TO MOVE ONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon