The Rants

1.4K 48 47
                                    

Dear Ex,

Alam mo bang napakadaya mo? I broke up with you not because I don't love you anymore. I broke up with you because you always hurt my feelings and I couldn't take it anymore.

Hindi ko na naramdaman na mahal mo ako, na kailangan mo ako, na mahalaga ako. Hindi ko na naramdaman na hindi mo kaya ang mawala ako. Masyado ka nang kampante sa relasyon natin. Sana naisip mo na kailangan ko ring maramdaman na ako pa rin ang gusto mong mahalin.

Sa loob ng halos apat na taon na kasama ka, ni minsan hindi mo pa ako binigyan ng bulaklak. Hindi ko kailangan ng bouquet, kahit santan lang okay na basta galing sa'yo. Kapag naman nag-aaway tayo tinutulugan mo na lang ako kahit galit at umiiyak ako. Paano mo ako natitiis? Paano mo nagagawang matulog nang mahimbing gayung hindi tayo okay? Hindi mo ba naisip ang nararamdaman ko? Hindi mo ba naisip na nahihirapan, at nasasaktan ako?

"Hindi tamang paiyakin ka. Ang mahalaga ay importante," Tandang-tanda ko pa ang mga katagang binitiwan mo sa akin noon. Sinabi mo iyan pero hindi mo alam na ikaw mismo ang dahilan ng pagkirot ng puso ko at siyang dahilan ng mga luhang pumapatak sa mga mata ko.

Ilang buwan na rin ang nakaraan magmula nang naghiwalay tayo at masasabi ko ng okay na ako. Hindi na ako nasasaktan nang sobra. Hindi na ako nagigising sa madaling araw para sariwain ang mga alaala natin. Nakakangiti na rin ako nang matamis. Nakakatawa nang malakas. Kaya ko ng wala ka. Tanggap ko ng wala na tayo.

May nagmamahal na rin sa akin ng higit pa sa pagmamahal mo. Ibang-iba siya sayo. Lahat ng mga gusto kong gawin mo para sa akin kusa niyang ginagawa. Araw-araw niyang pinaparamdam sa akin na ako ang pinaka-maganda para sa kanya. Alam mo yung nakakatawa? Sa kanya ko pa naranasan ang mga bagay na dapat sana ay mula sayo.

Pero bakit ganoon? Kahit iba na ang mundo nating dalawa, hawak mo pa rin ang mundo ko. Ikaw pa rin ang sinisigaw ng puso ko. Hindi ko pa rin makalimutan ang mga tawa nating minsang bumalot sa sang'kalawakan. Hindi ko rin makalimutan ang patagalan ng pagbigkas ng I love you. Naaalala ko pa rin sa kung paano mo ako prinotektahan sa mga bumastos sa akin nung gabing lumabas tayo para mag-unwind. Sa kung paano kita niyakap nang mahigpit para hindi ka makipag-away sa mga nanakit sa akin. Tandang-tanda ko pa rin sa kung paano mo nagagawang pabilisin at pabagalin ang tibok ng puso ko sa tuwing malapit ka sa akin.

Hindi ko pa rin maiwasang hindi maalala ang mga bagay na minsan ay nagpasaya sa akin. Hindi ko rin makalimutan ang mga walang katapusang lakaran sa tuwing nagde-date tayo at ayos lang iyon dahil ang importante magkahawak-kamay nating binabagtas ang daan. Nami-miss ko din ang mga paskong pinagsaluhan natin na para bang wala nang katapusan ang sa atin. Tandang-tanda ko pa rin ang lahat. Naaalala ko pa rin kung gaano kita kamahal.

Halos apat na taon, bee. Four years worth of memories. Paano kalimutan ang lahat ng iyon? Palagi ko pa ring hinihiling na sana ikaw na lang siya, na sana ikaw na lang ulit. Tayo na lang ulit.

Inaamin ko na hanggang ngayon ikaw pa rin ang gusto kong makasama. Napakadaya mo talaga. Ikaw pa rin ang gusto ko sa kabila ng lahat. Napakadaya dahil hindi ko na kayang magmahal ulit ng kagaya ng pagmamahal na binigay ko sayo. Napakadaya dahil may isang taong pinapahalagahan ako pero ikaw pa rin ang gusto kong piliin. Napakadaya dahil sa tuwing naiisip kita, bigla na lang akong malulungkot at iiyak na naman. Sobrang daya mo dahil mahal pa rin kita kahit hindi na dapat.

Nandito ka pa rin, bee. Mahal na mahal na mahal pa rin kita. Natutunan kong mahalin ka nang higit pa sa sarili ko sana naman turuan mo rin ako kung paano ang kalimutan ka.

Love,
Basha

Dear ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon