Dear Ex,
Kumusta ka na kaya ngayon? Matagal na panahon na rin ang lumipas magmula nang huli tayong nagkita. Kahit na matagal na yun hindi ko pa rin makalimutan ang huling beses na yun, puno ng luha ang gabing yun dahil natapos na ang ilang taong relasyon na sabay nating ipinaglaban. Hindi pa rin kita makalimutan, ang mga mata mo, ang labi mo, ang mga ngiti mo, ang mga yakap mo sa akin kapag nalulungkot ako, ang amoy mo, ang init ng kamay mo na hindi nandiring hawakan ang kamay ko na pasmado.
Aaminin ko, madalas pa rin kitang maisip. Ako kaya, naiisip mo pa rin? Sana kahit kaplastikan man lang sabihin mong 'Oo namimiss na kita' ano ba naman ang ilang taon nating pinagsamahan. Ibang-iba ka sa kanila, sa'yo lang ako naging ganito. Sa'yo ko lang naramdaman ang pagmamahal na walang kapares. Sa'yo lang.
Nami-miss na kita. Gabi-gabi kitang napapanaginipan. Sa totoo lang excited akong matulog palagi kasi umaasa akong makikita kita sa panaginip ko. Doon kasi nakakasama pa kita at nararamdaman ko pa ang pagmamahal na dati ay para sa'kin. Sana kahit wala na tayo, hindi mo pa rin sinarado ang puso mo kasi ang sakit-sakit. Hindi mo lang alam kung gaano kahirap ang maghintay araw-araw na i-text mo ako kahit man lang tuldok. Bukas pa rin naman ang puso ko para sa'yo, kaso ayaw mo nang pansinin. May pride din naman ako kaya hindi ako magmamakaawa sa'yo na ako na lang ulit pero sa totoo lang mahal na mahal kita, mahal na mahal na mahal pa rin kita. Paramdam ka na please, miss na miss na kita.