Bakit Mahirap Ang Limutin Ka? II

781 28 40
                                    

BAKIT?

Kasi nasanay ako na andiyan ka palagi para sa akin. Ikaw, na lagi kong karamay sa lahat ng pagsubok na dumaan sa buhay ko. Ikaw, na laging gumagawa ng paraan para ngumiti ako sa tuwing malungkot ako. Ikaw, na siyang dahilan kung bakit ako nagpapaload. Ikaw, na palagi kong kausap hanggang sa makatulugan ko na lang na nasa tainga ko pa pala ang cellphone at pagkagising sa umaga yun ang unang-una kong hinahanap para i-check kung may message ka. Ikaw na kinakakakiligan ko sa mga natatanggap kong long sweet messages. Ikaw, na magtutupad sana ng lahat ng pangarap ko. Ikaw na hawak-hawak palagi ang kamay ko kahit pasmado, mga kamay na magkasama kahit saan.

May mga routine ako na nabago simula nang dumating ka sa buhay ko at ngayong wala ka na, hindi ko na alam kung paano ang mabuhay nang wala ang mga nakasanayan na iyon.

Palagi kong naiisip kung kumusta ka na kaya, kung naiisip mo pa rin ba ako, kung umiiyak ka pa rin ba, kung mahal mo pa rin ba ako. Eh pano kung hindi na? Pano kung okay ka na habang ako nasasaktan pa rin? Paano kung nakamove-on ka na habang ako nagkukumahog pa rin? Yung tipong kahit anong sulsol ko sa puso ko na hindi ka karapat-dapat sa mga luha ko, kahit gaano karami ang mga bagay ang ayaw ko sayo, kahit ilang libo ko mang isipin na hindi mo na ako mahal, at kahit na meron ng panibagong tao sa buhay mo… Hindi ko pa rin magawang makalimot, dahil kahit anong hakbang ang gawin ko hinihila ako ng nararamdaman ko pabalik sa pagmamahal na nakasanayan ko.

Masakit kasi,

Hindi na ako ang dahilan kung bakit ka nagpapaload, hindi na ako ang tinatawagan mo kapag malungkot at masaya ka, hindi na ako ang niyayakap mo sa tuwing giniginaw ka, hindi na ako ang nakapagpapaiyak at nagpapangiti sayo, hindi na ako ang dahilan kung bakit nagpupuyat ka sa gabi, hindi na ako ang una at huli mong iniisip, hindi na ako ang ipinagluluto mo, hindi na ako ang hinahatid-sundo mo, hindi na ako ang tinatawag mong Baby, hindi na pictures ko ang wallpaper mo, hindi na amoy ko ang hinahanap-hanap mo, hindi na mukha ko ang gusto mong makita araw-araw, hindi na ako ang dahilan sa lahat ng mga bakit mo, hindi na ako ang kailangan mo, at hindi na ako ang mahal mo. Masakit, pero kailangan kong tanggapin na hindi na ako ang mundo mo.

Hindi madali pero kailangan kitang kalimutan. Alam mo, kamay mo pa rin ang gusto kong hawakan, mukha mo pa rin ang gusto kong makita, at mga braso mo pa rin ang gusto kong yumakap sa akin kapang nalulungkot ako.

Dahil mahal talaga kita eh. Kapag naaalala kita uupo na lang ako sa isang tabi at iiyak na naman. 

Kahit pa siguro umiyak ako ng isang libong timba ng luha, hindi ka na talaga babalik. Pero iiyak lang ako nang iiyak hanggang sa mai-let go ko na ang lahat ng sakit. Ganoon naman talaga iyon di ba? Kailangan mong umiyak at masaktan para matuto ka. Parang nung mga bata pa tayo, nadapa tayo tapos umiyak kasi nasugatan. Masakit pero nandoon na eh. Hihilom din ang sugat na iyan at sa susunod alam na natin kung ano ang gagawin para hindi tayo madapa ulit. Kaya sige lang iiiyak ko lang nang iiiyak 'to hanggang sa maramdaman kong okay na ako. Hanggang sa makatayo ulit ako at masabi ko sa sarili ko na, 

Hindi na kita mahal”..

Dear ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon