Naaalala mo pa ba ang mga 'to?
* Kung paano tayo nagkakilala? Nag-umpisa sa Friendster chat. Sino bang mag-aakala na sa isang gabing iyon magtatagal tayo ng almost four years? Sino mag-aakala na ang larong iyon magiging totoo? Little did we know we were both a part of the two rooms, di nga kita pinapansin eh until tayo na lang natira sa room. Napilit mo akong ibigay ang number ko at bigla kang na-disconnect. What are the odds na bago ka pa na-disconnect nakopya mo number ko kaya after a few hours tinext mo ako.
* Yung unang beses mong narinig ang boses ko. Sabi mo ang ganda ng boses ko, bagay sa mukha ko. Bolero ka talaga kahit kailan ♥
* Wake-up call kita. Tinatawagan mo ako tuwing alas kuwatro ng madaling araw para gisingin ako kasi magdu-duty na ako sa radio station noong nag-OOJT pa ako.
* Yung mga kulitan natin kapag tumatawag ka. Tawanan, kantahan, mga kalokohang laro. Hay nakaka-miss.
* Naaalala mo ba yung debate natin? Dini-defend mo si San Goku at ako naman si Inuyasha. Minsan nagseselos ka pa sa kanya kasi crush ko siya kahit anime siya.
* Naaalala mo pa bang sinabi ko sayo na kinikilig ako sa tawa mo?
* Magdamag tayong magkausap at magkatext
* Nagfre-freestyle rap tayo at palagi akong talo kasi naman ang galing mo dun, forte mo yun eh!
* Naalala mo ba nung binuhat mo ako sa likod mo kasi ang sakit na ng paa ko sa kakalakad?
* Natulog tayo sa labas ng simbahan kasi nawala ang pera natin pamasahe pauwi.
* Naalala mo yung unang Pasko natin together? Sobrang saya. Sumakay tayo ng ferris wheel kahit takot na takot tayo. Napuno ng tawanan, hiyawan ang chair natin pero worth it naman kasi natakot tayo with each other.
* Nung sinampal kita in public kasi na-late ka ng dating. Isa yan sa mga bagay na inihihingi ko ng sorry sa'yo hanggang ngayon.
* Nung pangalawang taon natin, On that summer nag-picnic tayo. Nakahiga ako sa lap mo habang nagbabasa ng libro, habang ikaw naman nagsa-soundtrip. May kanya-kanya tayong mundo, pero para sa akin napaka-perpekto ng araw na yun.
* Nung nabangga tayo ng Adventure. Naawa ako sayo kasi sinalo mo ang bigat ng motor para hindi ako madaganan.
* Dinadamayan mo ako kapag night shift ako sa work kahit hindi tayo magkasama.
* Kinakantahan mo ako ng Because of You kapag hindi ako makatulog.
* Naglalaro tayo ng patagalan ng bigkas ng I Love You
* Yung mga jokes at banat na laging waley.
* Nung hinanap kita minsan tapos nag-iinom ka lang pala.
* Nung nadaganan ka ng travelling bag. Tapos pinakuha mo sa kapatid mo yung green na lagayan ng gamot pero ang ibinigay sayo pitsel na green. Fail!
* Nung ginamot mo ang tiyan ko ng hot compressor habang sinasabi mong mahal na mahal mo ako.
* Dati-rati hindi mo matiis na hindi ako makausap kahit isang araw lang.
* Sabay tayong bumili ng DVD player ko at cellphone mo. Mga simpleng pangarap na unti-unting natupad.
* Nung muntik ka nang mapaaway dahil binastos ako ng common friend mo.
* Nung nagalit ako sayo kasi hindi mo sinasadyang mapatingin sa legs ng babae.
* Sinabi ko sayo na humaba at umiksi man ang buhok ko at kukulot pa to, tayo pa rin.
* Yung first Christmas gift mo sa akin na blouse na kahit malaki sa akin sinusuot ko pa rin kasi naa-appreciate ko yun, pinag-ipunan mo yun eh.
* Nung nag-iinternet ako tapos ikaw naglalaro ng NBA habang hawak-hawak ang isa kong kamay. God I was missing you that time kahit katabi lang kita.
* Nung nag-carnival tayo. Lahat ng rides sinakyan natin, ang saya-saya nun tapos picture picture sa may Capitol.
* Nung ako yung kumukuha ng hulog sa pinaupahan mong bahay sa Baguio. Binigay mo sa akin yun kasi birthday ko.
* Naalala mo ba nung Ondoy, nilait natin si Marjun kasi kakaiba bigkas niya ng seventeen, naging 'se-benten'
* Nung time na gusto mong sapakin yung nantsansing sa akin tapos niyakap kita nang mahigpit para di ka makipagbasag-ulo
* Paiba-iba tayo ng tawagan, Mama Bear/Papa Bear, Hunnybunch, Mahal, Baby, Bee, Krusher/Snackbox pero Bee ang pinakaginagamit naten.
Naaalala mo pa ba ang lahat ng 'to? Kasi ako alalang-alala ko pa...