Monkey Face

31 0 0
                                    

Chapter 5 --> Monkey Face

————————————————

"Cass!" sabay pasa sakin ng bola ni Jared

opo naglalaro po kami ng basketball ngayon..  uwian na naman eh saka matatapos na ang laro..

"nice one Cass!" tapos  naghigh five sya

"Cass right? grabe ang galing mo para sa isang babae.." puri ng kalaban namin

dinurog lang naman namin sila.. tumango na lang ako at lumabas na

"sige thank you.. next time ulit!" sigaw ko habang naglalakad palayo

sumunod sakin si Jared.. pagkatapat nya sakin.. tumigil ako..

"Jared dito din ba nag aaral si monkeyface?" tanong ko

"monkey face?"napakunot ang noo nya..

"uh - I mean si Xavier" tapos ngumiti ako

"ikaw ahh.. bakit mo naman sya tinatawag na monkey face.. pogi pogi nun eh.." pagbibiro nya..

"whatever.. dito ba sya nagaaral?" tanong ko ulit

"sungit talaga! oo bakit mo natanong?"may halong nakakalokong ngiti yung tingin sakin ni Jared

"wala! masama ba magtanong!" tapos tumalikod na at naglakad ulit

"hehe.. ikaw ahh.. hindi pa sya makakapasok kasi may sakit sya.. trankaso ata.." paliwanag nya

nagulat ako kaya napatingin ako sa kanya

"hah! what? bakit?" bigla kong natanong yun! hah! who cares kung may sakit sya! bakit ko natanong yun! aist!

"a-ahh.. n-never mind" bawi ko

"aww.. concerned sya.. ouch.. anchakit! buti pa sya.. concern ka sa kanya.." tapos umaakting na masakit ang puso

inirapan ko lang sya at pumasok na ko sa girls locker room para magpalit

inihatid ako ni Jared sa bahay.. gabi na daw kasi baka may mangyari pa daw sakin

"bukas pupunta ko kina Xavier sama ka? " sabay tawa tapos umalis na.. ni hindi man lang inantay ang sagot ko..

well hindi naman ako sasama eh

*kinabukasan*

"o-oh.. kala ko ba hindi ka sasama e bakit andito ka?" tanong ni Jared na bakas sa mukha na gustong gusto nang tumawa

"itawa mo na yan kundi mamatay ka!" sigaw ko tapos naglakad na ako

tumawa nga ang loko.. nilingon ko nga.. at tiningnan ko ng masama.. tumigil naman sya at sumunod na sakin

"bakit nga ba sumama ka." pinipigilan nya pa rin ang pagtawa nya

"bakit ba hah! ano bang masama kung sumama ako! kaibigan ko pa rin naman yun kahit na monkey face sya!" sigaw ko habang umiirap sa kanya

"ok! ok! relax! napaghahalataan ka eh!" pagpapakalma nya

"abat! anong sab-"  pagputol nya

"andito na tayo.. wag ka na sumigaw.." tapos nag doorbell na sya

hindi na din ako nagsalita.. pagkatapos ng pangatlong doorbell ni Jared may lumabas na isang dalaga..

"oh! Jared bakit?" tanong nya kay Jared

"si Xave? musta na?" tanong naman ni Jared

"ahh mabuti na naman hali kayo.. pasok.." pagaaya nung dalaga

pumasok na kami sa bahay nila.. hindi naman kalakihan.. pero maganda ang bahay nila.. medyo mayaman.. :)

dumiretso kami sa kwarto ni monkeyface.. pagpasok namin tulog sya.. lumapit kami sa kanya at..

DUG DUG! DUG DUG!

ano tong nararamdaman ko!! hoy puso tumigil ka nga! bakit kaba nagwawala! hindi ako makahinga ng maayos eh!

tinapik tapik ko ang dibdib ko na parang nabubulunan.. tiningnan ako ni Jared .. tinaasan nya nga ako ng kilay eh.. nag hand gesture ako na... ok lang ako.. tapos ngumiti.

ginising ni ate Xheiee si Monkey face.. nga pala nagpakilala sya samin kanina kaya alam ko na ang pangalan nya..

"oy! brod musta na !" pagbati ni Jared kay monkey face

umupo si monkeyface tapos nag smile..hindi pa rin nya ata ako napapansin.. hindi pa sya tumitingin ehh..

"medyo maayos na naman brod.. " ayan na nga tumingin na sya

DUG DUG! DUG DUG!

eto na naman.. puso ano ba ang problema? hindi ako makahinga ng ayos.. hala naninigas ako

"oy! andito pala si pretty girl.. aba! kinukumusta mo ba ako?" tapos ngumiti ng napakalaking ngiti

nag init ang pisngi ko sa nakita ko! shit! bakit parang gumwapo ata tong si monkey face na to..

"a-ahh.. o-ok lang.." bakit ako nauutal! hindi ko na kaya nagbablush ata ako..

tumalikod ako at lumakad ng kaunti.. napaface palm ako sa mga hindi maipaliwanag na pangyayari sa loob ko..

"oy..  Cass.. ok ka lang ba?" tanong ni monkeyface

DUG DUG! DUG DUG!

ayan na naman! ano ba kasing nangyayare sakin! bakit parang nagwawala si Mr.Heart!

nag ok sign na lang ako.. pero di pa rin ako tumitingin sa kanila..

ang weird! bakit ako nagkakaganito!

tinapik ni Jared ang balikat ko dahilan para mapatalon ako..

"ok ka lang ba Cass?" tanong nya

"O-oo.. o-ok lang ako.. pwede na ba ako umuwi?" hindi ko na kasi kaya feeling ko sasabog ako dito

"ahh.. sige bahala ka.. " pagkasabi nya nun.. tumakbo agad ako pababa

"Cass.. uuwi ka na agad?" tanong ni ate Xhe

"emergency po eh.. bigla po sumakit ang tyan ko" geez! ano bang klaseng palusot yun! ang baboy!

"ganun ba? sige punta ka ulit dito ah.." sinigaw na ni ate Xhe yun kasi nakalabas na ko ng pinto eh

"sige po! salamat po!" tapos  lumabas na din ako ng gate

tumatakbo pa rin ako.. naaalala ko ang mukha ni monkey face! napangiti ako bigla! ano ba to! kinikilig ba ako! bakit?!

may gusto ba ako kay monkeyface?

pano nangyari yun!

————————————————

That GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon