How She Laugh

26 0 0
                                    

Chapter 11 --> How She Laugh

----------------

*Xavier's POV*

Kakaiba talaga si Cass.. sa lahat ng nakilala kong babae sya lang talaga ang ganung ugali..

ni hindi man lang kinikilig sa mga pick up lines ko.. puro 'so' ang sagot tsk..

pero there is something na nagustuhan ko sa kanya mataray, mabait , at totoo sya.. kung ano nararamdaman nya yun na yun..

(G*gong Jared's Calling)

"napatawag ka?" sagot ko agad

"pre! si Cass!" bulalas nya

"ano nangyare!!" napatayo ako sa pagkakahiga ko

"si Cass pre! nasa ospital!" tapos ibinaba na nya

P*ta! si Cass! nagmadali akong bumaba.. sumakay agad ako ng kotse at nagdrive na! tae! nakalimutan nyang sabihin kung saang ospital!

(Calling G*gong Jared)

"hoy! saang ospital!" tanong ko agad

"sa saint mary!" bulalas nya tapos ibinaba ko na agad ang phone at nagdrive na..

t*ng*in*! traffic pa!

30 minutes bago ako nakapunta sa ospital na sinabi ni Jared

pumunta agad ako sa may lobby at tinanong ang room..

umakyat agad ako.. lahat ng madaanang kong tao.. ay nakatingin sakin yung iba nakakunot ang noo ang iba naman natatawa! ano bang tinitingin tingin nila!

tiningnan ko ang sarili ko habang tumatakbo

"Shit!" bulalas ko

naka boxer lang pala ako! at di pa ako nakapag tsinelas! bahala na ! si Cass!!

pagkadating ko sa may harap ng pintuan ng room ni Cass.. kinabahan ako.. ano kayang nangyare

bubuksan ko na sana ang pinto ng may narinig akong sumigaw

"HINDI! DOCTOR! HINDI MAARI ANG SINASABI MO!" shit! mama ni Cass yun ah!

binuksan ko agad ang pintuan.. napanganga ako sa nakita ko

si Cass.. nakatakip ng kumot ang buo nyang katawan.. si Cass.. wala na?

tiningnan ko lahat ng tao na nandoon si Jared umiiyak.. samantalang si Annie nakasik sik ang ulo sa dibdib ni Jared.. ang mama nya naghuhurumintado din sa pagiyak..

"sorry mam.." sabi ng doctor at umalis na din

natuod ako.. hindi ako makagalaw.. wala akong maramdaman.. namanhid ang buo kong katawan..

"C-cass!" sambit ko

hindi ko na namalayang umiyak na ako..

bakit! ilang Linggo pa lang na nagiging kami! bakit kinuha mo agad sya!

huminga ako ng malalim at lumapit sa kama ni Cass...

hindi ko alam ang gagawin ko.. hindi ko kaya ang nakikita ko! ang sakit sa mata.. napaluhod ako.. at napahagulgol..

lumapit sakin si Jared at tinapik ang balikat..

"You should see her" sambit ni Jared sakin

tumayo ako... nanginginig ang buo kong katawan.. kaya ko ba syang makita?

tatanggalin ko ba ang kumot na to? parang di ko kaya!

huminga ulit ako ng malalim at hinawakan ang kumot...

ng biglang..

"WAAAAAHHH!!!" sigaw ni Cass..

bumangon si Cass sa kinahihigaan nya

"AAAAAHHHH!!" napaupo ako sa gulat at napayuko! si Cass momo na !!

"HAHAHAHAHA!!! pre ok ka lang" sambit ni Jared habang utas na sya sa kakatawa.

tiningnan ko lahat ng tao sa loob.. lahat sila tumatawa.. pati na din ang mama nya! tsss! napagtripan ako ahh

nilingon ko si Cass! God! buhay sya! tumatawa din sya! tumakbo ako palapit sa kanya at niyakap sya

"uy! Monkey face.. hahaha.. joke lang to! eto ko oh buhay na buhay!" sabi nya sa gitna ng pagtawa nya

tinanggal ko ang pagkakayakap ko at tiningnan sya ng masama

halos maiyak na sya kakatawa..

"hindi magandang biro yun! alam mo bang halos mamatay ako kakaisip kung ano nangyari.. tapos nagmadali pa akong pumunta dito!" sabi ko habang hawak ang mga braso nya

"oo nga eh.. halata namang nagmadali ka.. nakaboxer ka nga lang at wala pang tsinelas." sagot naman nya na tumatawa parin

tinitigan ko sya.. tumatawa sya.. for the first time.. nakita ko sya kung paano tumawa.. tinitigan ko lang sya sa pagtawa nya..

tumigil sya sa pagtawa at tumingin sakin

"hoy! Xavier.. seryoso naman yung mukha mo masyado.. galit ka ba?"  tanong nya

huminga ako ng malalim bago magsalita

"sino ba namang hindi magagalit dun?.. pero nawala agad yung galit ko sayo eh.. ngayon lang kasi kita nakitang tumawa ng ganyan.." sambit ko sabay ngiti

natigil din ang dalawa sa pagtawa

"oo nga Cass.. ako din ngayon lang kita nakitang tumawa ng ganyan.." sabat ni Annie.. tumango din si Jared

"eh nakakatawa kasi si Xavier eh.. halos mamatay na sya kanina.. hahaha" ayan na naman sya tumatawa

"ang brutal mo ah.. sumasaya ka lang pag merong halos mamamatay na!?" sambit ni Jared

"hindi naman sa ganun.. basta masaya lang ako ngayon.." sumeryoso ang mukha nya..

"happy monthsarry Monkeyface.. yan ang regalo ko sayo.. para kakaiba diba?" tapos nag smirk sya sakin..

naku.. nakalimutan ko na monthsarry pala namin.. tsk tsk! 1 month na pala kami..

tumingin muna ako sa paligid.. apat lang kami.. ok! :D

"happy monthsarry din.." bati ko sa kanya.. sabay halik sa labi nya

nakita ko lahat ng itsura nila..

Cass --> O.O (spechless)

Jared --> -,- (selos :)..)

Annie --> O~O (eww daw..)

"hahaha" tapos pinisil ko ang ilong ni Cass..

na saakin ang huling halakhak XD

----------------

That GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon