That Smile

24 0 0
                                    

Chapter 7 --> That Smile

----------------

Hating gabi na! hindi ako makatulog! hindi kasi mawala sa isip ko si Monkeyface eh! sya ang first kiss ko sa pisngi maliban kina mama..

at yung ngiti nya! may something na hindi ko makalimutan! DARN HIS SMILE! kinikilig ako! Monkey face.. tsk! tsk! tsk! ang cute mo pala!

*kring! kring!*

(Annie's Calling)

gabi na ahh! bakit naman kaya tumatawag to

"hello? bakit?" -ako

"yun ba yung sinasabi mo na monkeyface?" -annie

"hahaha oo.. sabi sayo monkeyface ehh"-ako

"baliw! cute nga eh! mas mukha ka pa ngang monkey dun eh!" -annie

"abat! tumawag ka ba para mangasar?" - ako

"hindi! tumawag ako para sabihing bagay kayo! magkasalungat kayo ng ugali! sya masayahin ikaw naman mainipin.! hahaha bagay na bagay! sige babye na!" - annie

binaba na nya ang phone! ni hindi man lang tuloy ako nakapag react sa sinabi nya..

bagay daw kami? bagay nga ba talaga?

*kinabukasan*

"eh pano pag nanligaw sya sayo?" kanina pa ako kinukulit ni Annie sa tanong na yan

hindi ko na lang sya pinapansin

kinuha ko ang cellphone ko pati headset para hindi ko na marinig si Annie. ang daming tanong eh pare parehas lang naman!

"aray!" napasigaw ako kasi naman may lumipad na bola at tumama lang naman sa ulo ko.!

" putek! sino yun!" sigaw ko habang nanggagalaiti ako

"pretty girl.. sorry.. ok ka lang ba?" tanong nya habang aakma na hahawakan ang ulo ko

hinawi ko yun at tinaasan sya ng kila

"MUKHA BA AKONG OK?" sigaw ko sa mukha nya

pero hinalikan lang nya ako sa pisngi at ayan nanaman! ang smile nya na nagpapacute sa kanya..

"pretty girl sorry na.. goodmorning na lang.." tapos lalo pa nyang nilawakan ang ngiti nya

"g-goodmorning mo mukha mo!" tapos tumalikod na ako at naglakad na ulit

"sorry na kasi.." sinusundan pala ako nito

hinarap ko sya at tingingnan ng masama..

nag smile lang sya

"tumigil ka na! wag ka na mangulit.. nalate na ako dahil sayo!" pagdadabog ko sa kanya

"ikaw tong tumakbo sa court eh.. sinundan lang kita" paliwanag nya

"shh!! oo na ! ngayon pwede na ba kami pumasok?" sarcastic kong tanong

"sige.. ihahatid na kita" tapos kinuha nya ang bag ko

hinablot ko ulit ang bag ko

"hoy! hindi na! ang kapal neto! ano kita boyfriend? wag mo na akong ihatid saka may kasama ako oh!" sabay turo kay Annie

"soon to be boyfreind" tapos nginitian na naman nya ako.. tama na! masyado nang masaya si puso ko! hindi na ko makahinga ng ayos!

inirapan ko lang sya tapos naglakad na kami ni Annie

"gwapo naman pala talaga.." pang aasar sakin ni Annie

hindi ako sumagot nag smile lang ako.. gwapo naman pala talaga sya.. siguro malabo lang talaga ang mata ko..

"hmm.. Cass.. in love ka nga talaga.. nagbablush ka te!" tapos tumawa sya

"h-hah!" sambit ko sabay takip ng pisngi ko

pumasok na kami ng room at kasunod lang pala naman namin si mam. muntik na naman ako malate.. tsss!

nagsimula na si mam na magdisscuss

pagkatapos ng klase si Jared nasa labas nagaantay

"oh Jared.. hindi ka sumabay samin kanina ahh." tanong ko sa kanya habang nagsusuklay

"hahaha.. late na ko nagising eh.. sorry" sabay kamot sa ulo

"hayaan mo na.." nginitian ko na lang sya

"ilang hours break mo?" tanong nya

"bakit?" pabalik kong tanong

"basketball tayo.." pagaaya nya

nag nod na lang ako.. nagpaalam kami kay Annie. actually sumama sya.. kasama kasi si  Jared eh.. nagpalit na ako ng uniform tapos pumunta na sa court

andito si monkey face sabi na eh..

"pretty girl.. maglalaro ka?" tanong nya

"hindi.. magpaparada.." tapos inirapan ko lang sya

"taray" tapos nginitian na naman ako

naglaro na naman kami.. this time kakampi ko si monkey face.. puro pasa nga sya sakin eh.. ako lagi ang nagshoshoot..

pagkatapos ng laban.. binati ako nung mga kalaban

"shit! Cass ang galing mo talaga!" sabay highfive sakin

"hahaha.. thanks.." medyo pahumble ako ng konti

"sige next time ulit" tapos umalis na ako at pumunta na ng locker room

naligo muna ako.. tapos nagbihis na

pagkalabas ko ng locker room naghihintay si monkey face

"oh bakit?" tanong ko

----------------

That GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon