Conjuring

27 0 0
                                    

Chapter 12 --> Conjuring

----------------

"ma? pwede ba ako matulog kina Annie?" tanong ko kay mama habang kumakain

"sige anak.. bahala ka" tapos tumayo na si mama at pumunta na ng kusina

Mag momovie marathon daw kami mamaya.. kasama sina Jared at Xavier kaming apat lang wala naman yung mga magulang ni Annie dun eh.. kaya ok lang

"sige ma alis na ako.." lumabas na ako ng pinto.. at paglabas ko

"oy! Pretty Girl! tara na.." si Monkey Face.. sinundo pa ako!

"anong ginagawa mo dito?!" pagtataray ko tapos nauna na ding maglakad

"wait lang naman.. sinundo nga kita ehh" tapos tumakbo palapit sakin at hinawakan ang kamay ko

"bakit ba kasi sinundo mo pa ako.. malapit lang naman ang bahay nina Annie samin eh.." pagtataray ko pa rin

"sinundo na nga kita eh.. ayaw pa?" pagsagot naman nya 

"sige away na naman kayo! kakaiba kayo magmahalan eh no?!" sigaw ni Jared

andito na pala kami di ko namalayan

pumasok na kami sa bahay nina Annie.. dumiretso ako sa kwarto ni Annie.. namili na agad ako ng movie na papanuorin.. samantala sina Annie Jared at Xavier eh kumukuha ng makakain..

nagsalang na muna ako na isang bala.. ang tagal naman kasi nilang kumuha ng pagkain..

Despicable Me ang pinapanood ko ngayon.. favorite ko yan eh.. dahil ang cu cute ng Minions :3

"Cass! ano ba yang pinapanood mo! pangbata!"  andito na pala sila.. Shit! ang daming pagkain.

"Despicable Me"  sagot ko naman.. diba ano daw pinapanood ko.. edi sinabi ko kung ano

"hay naku! wag na yan! " sabay tanggal nung bala..

aist! bastos lang.. hinayaan ko na lang si Jared.. ayun sya naghahanap ng ipapalit..

"ah! eto! di ko pa napapanood to eh!" sigaw ni Jared.. ano naman kaya yun

"ano yan?" tanong ko sabay lapit sa kanya

"Conju-"

"WAG YAN!!" sabay kuha nung bala

shit! itinago ko na to ahh! bakit nakita pa nya! ayoko ng mga ganitong palabas!

"eh bakit ba! ito na lang sige Annie isalang mo na.." kinuha sakin ni Xavier yung bala sabay abot kay Annie

"bahala kayo! matutulog na lang ako!" tapos pumunta na ng kama

"Cass.. takot ka ba." lumapit sakin si Xavier tapos tinanggal ang kumot na nakatakip sa mukha ko

"h-hindi ah!" sigaw ko pa na medyo nauutal

"eh hindi naman pala eh! tara nuod tayo!" tapos hinila nya na ako sa kama

Shit naman! oo takot nga ako.. ayoko sa mga ganyang palabas! hindi ako nakakatulog ng ilang araw pag nanonood ako ng ganyan! ano ba gagawin ko!

kumuha na lang ako ng kumot at unan tapos tumabi na ako kay Xavier..

"Chillax lang pretty girl.. halika nga.." tapos niyakap nya ako

ayan na! simula na! nakakainis naman yung sound effect! yun pa lang nanlalamig na ako!

"nanginginig ka.." bulong sakin ni Xavier

"h-ha..? h-hindi n-nilalamig lang a-ako.." natatakot na kasi ako.. shit!

"hahaha.. natatakot ka? takot ka sa mga ganyan?" tanong ni Xavier napalingon tuloy sna Annie

"wow! may kinatatakutan din pala si Cass.." pangaasar ni Jared

"hindi nga ako n-natatakot!" sigaw ko

"sus! ayaw pa aminin nauutal ka na nga jan sa takot!" sagot naman ni Annie

aghh! sige pagtulungan nyo ko! manonood ako! hindi ako natatakot!

pinanuod ko nga ang buong palabas.. pero pag alam kong may nakakagulat.. nagtatakip naman ako ng mukha.. sya namang kinakatuwa ni Xavier..

natapos din ang panonood namin.. 3 movie lang naman ang pinanood namin.. 2 nakakatakot at isang nakakadiri.. halos masuka suka na nga kami ni Annie.. yung dalawa natatawa lang.. mga sadista kasi!

tutulog na kami.. sa sahig na kami humiga naglatag na lang kami ng comforter.. katabi ko so Xavier malamang.. hala! katabi ko si Xavier!

hindi ako makatulog! sinasabi ko na nga ba eh! bakit kasi nagtapang tapangan pa ako! napala ko tuloy.. tiningnan ko si Xavier.. tulog na tulog sya.. sinilip ko ang dalawa.. tulog na tulog din! ako lang ang hindi makatulog! takte!

tiningnan ko ulit si Xavier. ang cute nya matulog.. hihihi.. tiningnan ko ang mga labi nya! tae! ang manyak ko! >.<

shit! ang cute ng lips nya.. pula pula! nilapit ko ang mga labi ko sa labi nya.. ang init ng lips nya! at ang lambot pa! ano ba nangyayare sakin! ang landi ko! minamanyak ko pa sya! ano ba yan!  sulitin ang sandali!

kinikilig ako.. hinalikan ko ulit sya.. tiningnan ko kung magigising sya.. wala lang.. di pa rin sya magising..

*Bogsh!*

ANO YUN!! napabangon ako sa sobrang gulat! tsk! ang likot naman kasi matulog netong si Jared! nasipa lang naman nya ang mga cd!

humiga na lang ulit ako.. at kapag tinatry ko namang pumikit. bigla na lang ako may maririnig.. kahit wala naman! aist! ano ba to!

"Xavier!.. Xavier!" hindi ko na kaya.. natatakot na talaga ako.. tulog mantika naman tong isang to!

"Xavier"  sinampal sampal ko na sya.. pero mahina lang

"hmmm.." ayun nagising na sya! sa wakas!

"hindi ako makatulog.." natatakot kasi ako..

niyakap nya lang ako tapos isinik sik nya ang mukha ko sa dibdib nya..

"nuod nuod kasi tapos di pala kaya.." sambit nya habang nakapikit..

"hehehe" tinawanan ko na lang sya..

hay..mas ok na to.. kahit hindi ako masyadong makahinga.. pinikit ko na ang mga mata ko.. ilang minuto din bago ako makaramdam ng antok..

----------------

That GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon