You Liar!

17 0 0
                                    

Chapter 17 --> You Liar!

----------------

Habang tumatagal pahirap ng pahirap kung paano ko sasabihin kay Monkey Face ang sitwasyon ko..

Umiiksi na din ang oras.. sa sabado na kami aalis.. alam na din ito ni Jared.. nung nalaman nila yun.. isa lang ang nasabi nya 'nasabi mo na ba kay Xave to?'

ang hirap kasi.. hindi ko sya kayang malungkot..

"Jared pwede ka ba mamaya??" lunch break namin kaya dumiretso na ako sa may room nina Jared.. buti na lang wala si Monkey Face..

"pwede naman.. bakit?" sagot nya na may bahid ng lungkot ang mukha nya..

"usap tayo.. tulungan mo ko kung pano ko sasabihin kay Xavier to.." paliwanag ko

"sige.. saan?"  tanong naman nya

"sa bahay.. sabay ba tayo umuwi.. ok lang ba?" sagot ko ulit..

"sige" tapos umalis na si Jared

papunta ako ngayon sa Cafeteria.. ayoko pumunta sa Gym kasi for sure andun si Monkey Face eh..

*Xaviers POV*

"JARED!!" sigaw ko sa kanya

"ang tagal mo! nasan si Pretty Girl? hindi ba sya mag babasketball?" tanong ko agad

"A-ah pre.. magkasama sila ni Annie.. sabay daw sila ngayon kumain eh.." paliwanag nya sabay tapik ng balikat ko at umalis na agad

"Ganun ba.." bulong ko

pansin ko lang.. ilang araw ng ganun si pretty girl.. malungkot.. tapos medyo iwas na din sya sakin.. ano kaya problema nun.. nagiging cold na sya sakin.. hindi kaya may iba na sya? HINDI! HINDI! MAHAL AKO NUN! ALAM KO YUN!

pero pano nga kung meron na nga? tsk! kailangn kong malaman!

tumakbo ako papunta sa Cafeteria.. kailangan kong bilisan baka makaalis na sya dun!

"CASS!!" buti na lang naabutan ko sya..

ayan na naman sya.. ilang sya.. di nya alam kung lalapit sya o hindi. tsk!

ako na ang lumapit sa kanya.. pagkadating ko sa inuupuan nya tinitigan ko lang sya.. hindi sya makatingin sakin.. nakatingin lang sya kung saan..

hinablot ko ang kamay nya at hinila sya..

"Xavier!.." pag angal nya pero hindi ako natinag sa tawag nya bagkus binilisan ko pa ang lakad ko at kinaladkad sya..

sa likod ng school ko sya dinala.. walang tao dito.. kaya dito ko sya dinala..

iniharap ko sya saakin

"Cass.. is there something wrong?" tanong ko habang hinuhuli ang tingin nya

"w-wala.." maiksing sagot nya

"kung wala talagang problema.. tumingin ka sakin.. tumingin ka sa mga mata ko.. at sabihin mong wala.." pagpupumilit ko sa kanya..

pero hindi nya magawa.. hindi sya makatingin sakin.. hinawakan ko ang baba nya at pilit inihaharap ang mukha nya..

bigla nyang hinawi ang kamay ko..

"ano ba! tama na nga to! Xavier! HINDI NA KITA MAHAL!! AYOKO NA!! NAGSASAWA NA AKO!!" nanghina ako sa mga narinig ko..

para akong nabagsakan ng isang toneladang nagbabagang mga apoy..

"C-cass.. a-ano bang s-sinasabi mo.." kunwari namali lang ako ng dinig.. sana mali lang! sana mali lang!!

"hindi mo ba narinig?! ayoko na sayo! tama na!" pagpapaliwanag nya habang umiiyak..

"pero Cass..bakit? Cass.. please wag.. hindi ko kayang mawala ka.. Cass.." umiiyak na ako sa harapan nya.. hindi ko alam ang gagawin ko.. bakit nangyayari to?

"Xavier.. sorry pero wala na akong nararamdaman sayo.. sorry.." tumungo sya at umiyak lang din ng umiyak

"kung wala ka nang nararamdaman bakit ka umiiyak?! Cass wag ka namang pabigla bigla!" medyo tumaas ang tono ng boses ko.. ayoko mawala sya.. sya lang ang buhay ko..

"sorry" sabay talikod nya sakin at tumakbo palayo

naiwan ako magisa dito nakatayo habang umiiyak..

wala man lang syang dahilan kung bakit ayaw na nya.. hindi man lang sya nagbigay ng kahit isang rason..

mahal pa nya ako.. baka.. baka.. AGGHH!!

"CASSANDRA!!"

----------------

That GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon