1st

89 3 1
                                    

Beatrice’s POV

Naalala ko sabi dati ng nanay ko na pag nagmahal ka daw dapat sigurado ka. Dapat un ang makakapagpasaya sayo kasi kaya ka nga nakipagrelasyon para sumaya di para lumungkot. Oo part ng love ang pain pero sure naman na pag kayo ng mahal mo mananaig pa rin ang love kung totoo un.

Lakas ko magsabi ng ganyan ako naman itong di sigurado sa mga pinaggagagawa ko…

“hoi Beatrice bumalik ka na sa mundo ng mga mortal. Yuhooooooooooo “ yan na naman ang magulo kong best friend na si Vaiper. Hilig magingay! Bagay sa kanya pangalan niya katunog ng hyper hehe

“hoi ka rin hyperbully nasa mundo ako ng mga mortal. Sadyang may naiisip na naman ako.”

Speaking of iniisip nalungkot na naman ako…

“Best wag mo na kasi isipin ung lalaking un masasaktan ka lang ihh” seryoso mode na tuloy si gaga

“e nahulog na naman kasi ako best e…” naiyak na ko bigla. Ganito naman lagi e pag siya na ung topic.

Ako nga pala si Beatrice Soriano. 1st year college na ko. Psychology ang program na tinake ko. Sino nga ba ung pina-uusapan naming ni Vaiper? Edi ang aking first love, first kiss, first hug and first boyfriend si Harold Villarama Jr. Matagal na kaming wala nun. 1st yr high school kami nagkadevelopan. Typical na close close kami nun tas inamin niyang gusto niya ko nung farewell kaya napaamin din ako bigla.

Kahit summer na nung naging kami halos di kami mahiwalay sa mga landline namin. Telebabad to the max text to the max. Lahat to the max. Kahit ung love naming to the max.

Sobrang magical ng love story naming. Oo super immature niya nun pero ewan mas lalo ko siyang minamahal nun kasi ang inosente niya sa mga bagay bagay. Alam mo ung simple lang ung sinabi niya pero tumatagos sa kin lagi. Ung simpleng mahabang text niya lang halos atakihin na ko sa kilig. Ung pagiging simple niya ang pinakaminahal ko.

Nasira ang magic fairytale kong un nang dahil sa desisyon ng parents ko na ibreak ko na daw. Kahit na sinasabi ko noon na ok lang ayaw ko na rin, sa loob loob ko gustong gusto ko isalba kaso masyado na siguro akong nafed up sa pagiging nakakasakal niya. Sobrang sakit marinig ung iyak niya sa phone noon. Unti-unting dinudurog ung puso ko noon dahil nagmamakaawa siya na wag ko siyang ibreak. Halos manlumo ako nun sa sakit kasi kinailangan ko siyang tiisin. Kailangan ko siyang bitawan kahit ayaw ko.

Pero after nun parang kami pa rin pero sinisira ko. Gusto ko siyang magmove on kahit na ayaw ng puso ko. Kaya ginawa ko lumipat ako ng school nung third year. Lumayo ako para sa kanya…

Nang nakalipat na ako ay parang mas lalo kaming naging malapit. Sinasarado niya ang gap sa min pero nilalayuan ko pa rin. Nagkwekwento ako sa kanya ng crushes ko and such para tumigil na siya pero di ko rin mapigilan ung sarili kong mahalin pa siya ng lalo.

Hanggang dumating si Denver. Classmate ko siya kaya di ko natanggihan ang paghingi niya ng number ko. Naging textmate kami at mabilis ko rin siyang nagustuhan. Sweet siya at caring kaya nagulat ako ng magtapat siya sa text napa-oo na lang ako bigla. Pero mukhang trip trip lang un kaya di ko rin sineryoso. Buti nalang din di ko sineryoso si Denver kasi wala ring nangyaring maganda kasi ung pagoo ko sa kanya wala naming halaga sa kanya. Buti’t di naging kami officially.

Nung naglaon sinabihan ko na si Harold na itigil na naming ang MU thingy kasi may gusto na kong iba kahit wala. Yeah I’m a sadist yet a masochist. Nung nakita ko ung sakit sa mga mata niya gusto kong bawiin kaso pinanindigan ko na lang. Pride.

Lumipas ang mga linggo…

Dumating sa kin ang isa sa mga pinakamasakit na balita.

May girlfriend na siya ulit…

Missing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon