2nd

31 1 0
                                    

Beatrice’s POV

Another ordinary day for me. Yet binubulabog pa rin ako nang mga nakita ko kagabi sa twitter…

*flashback*

Gabi na at tapos ko na ang mga kailangan kong gawin kaya it’s time for me to surf the net!!!

Inuna ko ang facebook. Sunod ang instagram. Huli ang twitter.

Nang wala na kong magawa sa twitter ewan ko bat ako napunta sa twitter ni Trixie… feel ko lang tignan ano na nangyayari sa kanila ni Harold. Nang nagscroscroll na ko… this shocked me

---------------------------------------------

Trixie @trixieeee

E kung kayo na lang kaya ulit J

---------------------------------------------

Bigla akong kinabahan. Ano kaya nangyari… ayaw ko makasira ng relasyon kasi alam kong masakit ang maloko…

*end of flashback*

Simula nang mabasa ko ang tweet niyang un lagi ko nang iniwasan si Harold. Chat, text, tawag inignore ko lang. Sobrang hirap labanan ang sarili ko kasi di ko na siya matiis pero sige di ko pa rin pinansin.

Mga 3 araw ko na siyang di kinakausap ngayon. Pagkauwi ko nagbihis na ko at gumawa ng assignments ko. Maaga ako natapos kaya nakaidlip pa ko ng hapong un. Pagkagising ko nagulat ako ng marinig ko ang boses ni Harold. Kala ko hallucinations ko lang un pala paglabas ko andun siya sa sala SHET!

“oi panget di mo daw pinapansin tong si Harold” bungad agad yan sa kin ng magaling kong kapatid na si Patrice.

Di ko sila kinibo kaya linagpasan ko na lang sila kaso pag dating ko sa kitchen may sumunod pala sa kin.

“hoy ano ba problema mo bat mo ko iniiwasan?”

Sino bang susunod sa kin e di si Harold…

Buong hapon niya kong kinulit pero wala akong kibo hanggang sa umalis siya.

Ewan ko ba bat ko ba to ginagawa kahit na nasasaktan na talaga ako sa pagtaboy ko sa kanya… siguro para na rin sa sake ni Trixie. Mukha naman siyang mabait and I don’t want her in pain. Just like any other girls. Tulad ko ayaw kong ganyanin ako ng magiging boyfriend ko if ever.

------------------------------------------------------

Kinabukasan nalate ako ng gisingdahil sa kakaiyak ko kaya di na ako nakapasok sa first class ko kasi 30 mins late na rin e terror pa naman prof ko dun kaya tumambay na lang ako sa garden. Maaga pa at walang tao kaya ok na ko dito.

Habang tahimik dito sa paligid ko iniisip ko ano nga ba ang problema ko? Ah si Harold nga pala…

Ang iyakin ko lang no kasi naiyak na ko bigla… ang sakit lang makita na ung taong tinapon mo na masaya na sa piling ng iba…

I shouldn’t feel this cuz I was the one who left him. I should be happy for him cuz this is what I want right? But why do I feel this? It’s something in my chest that’s crushing… did I choose the wrong choice? It’s actually tearing me xD it’s funny right? I’m the one who left him yet I’m the one who’s hurting…

Napawi lang ang iniisip ko ng dumating si Ralph.

“ui umiiyak ka ba?” si Ralph nga pala ang lalaking best friend ko bukod kay hyper este Vaiper. Batchmate ko yan nung high school.

“ha-huh? Di kaya?” medyo gumilid ako para sana punasan ang luha ko kaso mabilis si Ralph kaya nakita niya ang basa kong pisngi

“hay naku Beatrice kala mo ba maloloko mo ko? Kilala na kita no.”

Ganyan yan pag nanenermon buong pangalan ko ang tawag sa kin. Normal kasi tatawagin niya kong pards parang lalaki lang ako e ano po xD

“tigilan mo na kasi pakikipaglaro dyan kay Harold. Yan tuloy kinakarma ka”

“hahaha pasensya na pards tanga tong pards mo e”

“alam ko namang tanga ka pero wag mo masyadong angkinin ung title mong un ha. Di na maganda e oa pa”

“gago” un na lang nasabi ko wala kasi talaga ako sa mood

“pero serious talk pards gusto mo banatan ko na un?”

“sira ka talaga. Kahit naman bwisit un mahalaga un sa kin”

“alam mo pards dapat may limitation yang mahalagang rason mo ha kasi baka sa huli yan sumaksak sayo”

“di ko mapigilan minsan ipakita pards e…” shet yan na naiyak na naman ako

“pards ano ba gusto mong mangyari na? sasabihin mo ba sa kanya yang feelings mo?”

“hindi na lang siguro pards ayaw kong makagulo sa kanila” humihikbi kong sabi

“maganda yan pards! Simulan mo nang magmove on ha”

“opo” yun na lang ang nasabi ko at umalis na siya

Natapos ang araw kong wala siyang text sa kin. Oo alam ko ang tanga ko talaga para umasang magtetext yun at hahabol habulin ako. Ganun kasi siya dati e.

Paguwi ko nandun si Harold! Just great! -_-

“ung totoo Ea bat mo ko iniiwasan?”

Yan agad ang bungad niya sa kin pag pasok ko pero nilagpasan ko lang siya.

“may feelings ka ba sa kin?” papasok na dapat ako sa kwarto ko ng marinig ko siyang sinabi un

Nilingon ko siya kasi nagulat ako at sinundan niya pala ako. Nagulat din ako sa confidence niya dahil sa sinabi niya

“ok ka lang?” yun na lang nasabi ko

“oo ok lang. ikaw? Di mo pa sinasagot ung tanong ko”

“wala” mabilis at malamig kong sinabi sa kanya. Mabilis akong pumasok sa kwarto pero mabilis niya rin akong nasundan kaya hinayaan ko na kesa makipagtalo pa.

“promise?” yan! Ang salitang nagpapataob sa kin shet!!!

“oo” nakatalikod kong sinagot kahit sobrang bigat na ng dibdib ko.

“ANO BA EA??!!” galit niya kong hinarap sa kanya kaya naumpog pa ko sa chest niya shet kamiss mapunta sa pwestong to…

“ano?” walang buhay kong sinabi pero grabe sigaw na sigaw na ung loob ko kasi awang awa na ko sa kanya…

“wag mo naman ako pahirapan ng ganito o… para mo kong pinapatay e. ilang araw mo na kong iniignore at nakakabaliw na!!!”

“lumayo ka na lang”

“bakit? Kasi may feelings ka na?” shet yan na naman siya >.<

“WALA NGA SABI E BAT BA ANG KULIT MO? MATAGAL NA TAYONG TAPOS KAYA WAG KA NA MAGASSUME!!!” nasigawan ko na siya…

“sagutin mo na lang kasi pota!!!” galit na siya haha -_-

“wala” malamig kong sinabi

Pagkasagot ko sa tanong niya umalis na siya agad. Ang galing ng luha ko promise! Sakto pag-alis niya bumuhos na ang mga luha ko. Sobrang sakit itanggi sa harap niya na wala akong nararamdaman sa kanya. Di ko kinaya ang sakit pati sakit ng ulo literally kaya nakaidlip na ko.

Naalimpungatan ako ng mga alas dose ng madaling araw. Nagnet na lang ako para antukin ulit. Twitter.

--------------------------

Harold Villarama @haroldthegreat

So be it.

--------------------------

Alam kong para sa kin yang tweet na yan… and it break me into pieces…

---------------------------------

sorry for typos enjoy ^_^

Missing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon