3rd

41 1 0
                                    

Beatrice’s POV                                                                                                                                               

2 LONG WEEKS passed and ni text, chat or tawag wala. Dapat natutuwa ako kasi eto na ung chance ko magmove on pero it turned out na every night umiiyak ako cuz of that guy…

Binlocked ko siya sa twitter and nagprivate siya so di ko makita tweets niya kaya si Trixie ang tinitignan ko… nakaktakot na ba kong stalker? Sorry can’t help it. Pero sa 2 weeks na un I felt like I was in hell. Hanggang sa wala na ko mafeel na sakit or kahit anong lungkot… siguro mas ok na un kesa sa ramdam na ramdam ko ung kirot at sakit sa loob ko.

Kinagabihan…

----------------------------

Harold Villarama: white flag na po pls

------------------------

White flag means peace na daw kami… dapat ko na ba siyang kausapin? Hays di ko na naman siya matiis.

------------------------

Harold Villarama: ui ea!!! Sige na o pls

--------------------------

Hays ano pa bang magagawa ko…

------------------------

Beatrice Soriano: bahala ka.

----------------------

After ko sabihin un ayun balik kami sa dati. Friends. Pumupunta siya rito ulit sa bahay secretly ng di alam ni mama.

Kahit na ok na kami ni Harold chinecheck ko pa rin ung twitter nila. Landi amp. Sarap iunfollow -_-

Days passed. Ganun pa rin ang nangyayare sa min. Kabit na ba ko nito? Third party? Ahas? Haliparot? Whore? Slut? BITCH?

Hard ko ba sa sarili ko? Un kasi nakikita ko sa sarili ko ngayon. If ako si Trixie at ganun pa rin kaclose ung boyfriend ko at ung ex niya na minahal niya ng sobra ano kaya mafefeel ko?

Kung sa teleserye nila Maria Mercedes ako si Misty no? kahit na di ako nageeffort na kunin si Harold parang ganun na rin kasi nakikipaglaro ako. Alam kong mali pero ano tong ginagawa ko??? Shet talaga!

Grabe ayaw ko nito! Gusto ko na lang lumayo ng parang bula. Kung pwede lang…

Natigil lang ang pagmumuni-muni ko ng maramdaman ko ang isang malamig na kamay sa mga mata ko.

“Naku Ralph tumigil ka na nga sa kakaganyan mo”

“Hulaan ko nilalandi ka na naman ni Harold no kaya ganyan aura mo” ngiting ngiti pa siya dahil nafefeel niyang tama siya

“Paalala mo pa para lalo akong mamoblema”

“Sungit mo talaga! Eto na nga ko’t dinadamayan ka hahahaha---“

Medyo di ko na narinig si Harold sa kanyang mga sinasabi dahil biglang dumilim ang paligid.

------------------------------------------------------

“Ano bang nangyari sa kanya?”

“Di ko rin alam bigla na lang siyang nahimatay”

Puti at masilaw. Ang silaw ng puting kisame. Naririnig ko sila Vaiper at Ralph na naguusap sa may tabi ko.

“Anong nangyare?” tinry kong umupo pero biglang umikot ang paningin ko.

“Ui wag ka muna umupo baka mapano ka. Humiga ka na lang muna.” Nag-aalalang sabi ni Ralph

Missing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon