5th

94 1 1
                                    

"Beatrice"

Yan lang ang sinabi niya pero ung puso ko grabe na ang kaba. Feeling ko isa akong bata na nahuli sa pagtutulog-tulugan.

"It's unusual that you're here. Mukhang importante ang gusto mong sabihin" I managed to give her a smile. I don't want to be to rude.

"Isa lang naman ang gusto kong sabihin. Di na rin ako magpapaliguy-ligoy. Kung may delikadesa ka pa sa katawan mo layuan mo si Harold. Alam mo naman siguro ang lugar mo. Simple lang at madaling gawin kaya sana nagkakaintindihan tayo."

"Di mo naman kailangan sabihin yan sa kin Trixie. Alam ko ang lugar ko. Pakisabihan din yang boyfriend mo para naman makicooperate siya."

"Ha-ha-ha tingin ko mas mabuti kung ikaw na ang magsabi. Issue niyo yan. Nagpapaalala lang ako kung ano ang papel ko dito." promise nairita ako sa sarcastic niyang tawa

"Salamat. And please sa pagkakaalam ko ako ang nilalapitan. Makakaalis ka na."

"Wag mong tabilan ang dila mo sa kin. Alalahanin mo kung sinong at fault dito."

---------------------------------

Matapos ang paghaharap namin kanina ni Trixie masasabi kong nadrain ako. Hindi gaanong maalab ang naging usapan namin ngunit bumaon sa kin ang mga salitang binitawan niya.

Kung may delikadesa ka pa sa katawan mo layuan mo si Harold.

Kung may delikadesa ka pa sa katawan mo layuan mo si Harold.

Kung may delikadesa ka pa sa katawan mo layuan mo si Harold.

Alam ko namang mali ang pageentertain ko sa kanya. If sa kanya walang kaso un syempre bilang babae na nasa posisyon ni Trixie may karapatan siyang magalit. Kaibigan man ang turing sa kin ni Harold kahit sang anggulo mo tignan dati pa rin kaming magkasintahan.

"Alam mo wag mo na isipin ung babaeng un pards. Baka mapano ka pa."

"Hay tama naman siya pards. Nalimutan ko ung lugar ko. Masyado ako nagpadala sa moment..."

"Tama man siya o mali di niya alam ang sitwasyon mo. Di ka dapat niya hinuhusgahan. Lalo na't ang malanding lalaking un naman ang makapit sayo. Tss babangasan ko na talaga un pag nagkita kami bwisit"

"Wag mo na siya abalahin. I'm sure wala na rin un pakielam. At least di na siya nangongontact."

Mabuti nga bang di na niya ko kinocontact? Parang sumikip ang dibdib ko dun... Masakit pala talaga. Haha nakakatanga talaga ako. Mahal ko pero tinaboy ko pero ayos na rin un para di na ko maging pabigat sa kanya.

---------------------------------------------

Buti naman di na ako nagkamorning sickness. 2 araw lang naman ako inatake nun. Pero lumala ung paghihilo ko. Mahirap nung point na sinabi ko na kaila mama. Nagkaiyakan kami ng todo pero ganun talaga. Sa ganitong lagay ko mukhang nakakaiyak talaga. 

Balisa akong naglalakad papunta sa may bahay namin. Masaya magtrip walking kaya di na ko nagtricycle. Masayang makitang maaliwalas ang paligid. Hapon na pero di naman mainit. Buti naman. 

"Ea" halos maestatwa ako nang marinig ko ang boses niya. Nang iangat ko ang aking tingin tama nga ang hula ko. Andito siya ngayon. Sa harap ko. Ganito ko na pala siya kamiss. Nakakatakot kasi baka tumakbo ako bigla sa kanya at mapaiyak pa ko.

"Ui ano ba talaga ang problema? Kausapin mo naman ako" pinagsisisihan ko talaga na alam niya ang buong schedule ko sa araw-araw. Di pa naman kami sabay ni Vaiper ngayon. 

"Umalis ka na lang Harold"

"Hala ano ba kasalanan ko? Cmon babawi ako. Freetime ko ngayon dali na lilibre kita."

Missing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon