4th

28 1 0
                                    

Beatrice’s POV

Linggo ngayon and di pa rin ako tinitigilan ni Harold sa mga panlalandi niya. I swear di ko na alam pano ko siya iiwasan. Ayaw kong maging assumera na lumayo sa kanya kasi feeling ko may feelings pa siya sa kin… ayaw ko rin naman sabihin na may feelings pa ko kaya gusto ko lumayo. Isa pa tong kondisyon ko pinapalala niya ang araw-araw ko.

Ilang araw na ang morning sickness ko buti nga at magaling ako magtago kaila mama. Di ko pa alam pano ko sila sasabihan na may ganito ako. Naiiyak ako pag naiisip ko ang kanilang mga magiging reaksyon. Ayaw kong malaman nila. Pero baka magalit sila pag di ko sinabi agad. Ano na bang gagawin ko sa buhay ko?

Naisipan kong bumangon na lang ngayon ng kama kesa magmukmok pero parang biglang nanlambot ang mga buto-buto ko kaya medyo napaupo muna ako sa sahig. Hays tayo na nga masyado lang akong natatambay kaya nagkakaganito ako.

Lalabas pa lang ako ng kwarto ng biglang nagring ang cellphone ko. Sino pa bang tatawag sa kin kundi si Harold lang naman. Hinayaan ko na muna. Ayaw ko muna siyang kausapin. Magulo pa utak ko.

Dumaan ang buong araw at buti di na tumawag si Harold. Oo mabuti kasi baka maiyak lang ako sa boses niya. Baka makahalata na siya. Dami kong drama sa buhay ko putek.

-------------------------------

Monday na ngayon at uuwi na ko nang bigla akong harangin ni Harold sa may pila ng fx.

“Ui” sa gulat ko yan na lang nasabi ko

“Di ka na naman sumasagot sa mga tawag at text ko” yan agad bungad sa kin ng lalaking to

“Busy ako tsaka di naman siguro ako obligadong magreply or sumagot di ba?”

“Ang mean mo na naman”

“Bitawan mo nga ko. Asan si Trixie?” shet ang bilis ng heartbeat ko… di to normal hinga Ea hinga!

“Ayun nasa bahay nila bakit?”

“Wala.  Naisip ko lang bat ka andito imbes na sa kanya.” Shet nakahinga rin ng ayos

“Busy siya e. Tsaka nahatid ko na siya kanina e ayaw ko pa umuwi kaya pinuntahan muna kita para masaya”

Ah. So pagbusy si Trixie sa kin takbuhan mo? Ano ako Timezone? Pag bored dun lang pupuntahan para magsaya? Nainis ako at parang bumilis na naman heartbeat ko kaya di ko na siya inimik.

“Tara mall muna tayo” anyaya niya sa kin

“Ayaw ko busy sabi ako”

“Sus dali na. My treat.” Sabay kindat pa ang damuho!!! Kala mo cute ka? Isang malaking HINDI! Iniirita mo lang ako buset!

“Wala akong pake. May pera ako kaya iba na lang ayain mo. If bored ka di yayain mo si Trixie sa isang adventure. Di ba trip niyo un”

“Ang bitter mo naman”

Alam mo ung makapal J? Eto un o -> H-A-R-O-L-D

“Alam mo if bitter ako baka di na kita kinausap o kinibo dyan kaya wag feeler ha? Masama yan sa health.”

“Oo na. Alam ko naman un ang sungit mo naman.”

Kesa makipagbangayan tumahimik na lang ako at salamat nakauwi naman kami ng matiwasay. Pinauwi ko na siya sa bahay nila at gumugusto pa sa bahay tsss

-------------------------

Kinagabihan…

Wala sila mama sa bahay kaya tinawagan ko si Ralph para samahan ako. Pumayag naman sila mama tutal tiwala naman sila kay Ralph.  Iniisip nga ni mama bakla si Ralph pano wala daw gf sabi ko na lang di naman un sukatan.

Missing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon