Nababaliw na ako! Naghahanap ako ngayon ng trabaho at wala parin akong mahanap. Kasira naman kasi ng araw ung ipis na un! GRRRRRR!
">______________<"
Oo nga pala hindi ko pa medyo nasasabi sa inyo yung about sa family ko and kung anung nangyari sa kanila.
Wala na nga pala akong Family, Siblings, Relatives and Even REAL friends.
Ung family ko nasa langit na ata sila 4yrs old ako nung iniwan nila ako at ang ate ko sa orphanage hindi ko alam kung nasaan na sila.
2nd ung siblings ko kasama ko dati ung ate ko sa orphanage peroooo... Because of MONEY and FAME sumikat siya at nakuhang isang MODEL ng ibat ibang beauty products iniwan na niya ako. At ako nakuhang MODEL ng pimples,blackheads,acne at kung anu anu pa, at sideline ko ung panananakot sa halloween libre na ako sa costume. hihihi.
3rd ung relatives nakakalat lang sila pero kahit isa sa kanila walang gustong kumupkop sakin sino bang gustong mag adopt sakin? kahit ikaw? Hindi diba? huhuhu. TT____TT
4th ung friends san ka pa ba makakahanap ng REAL kung sa itsura ko mukhang FAKE kumbaga sa dvd PIRATED at hinuhuli ng pulis! LOL. balik tayo sa usapan..
Naglalakad ako ngayon pa sway sway. feeling naman. At wala parin akong makuhang trabaho at papano ako nito sa pasukan? Ipapalaman ko nanaman ba ung suka sa pandesal? Tapos sa dinner yung kanin sa boy bawang? AYAW KO NA!
Iniisip ko ngayon anu kayang patutunguhan ng buhay ko buti pa ang centrum complete to A-Z ako kahit 1-10 di ko pa makompleto sa pangit ko. huhuhu.
Nang bigla akong napasigaw na..
"SA DINAMI DAMI NG TAO SA MUNDO AKO PA ANG NAGING MAGANDA!" oa na sumigaw ako sa gitna ng park tas nakaluhod at nakatingin sa langit.
Nakatingin sakin yung mga tao..
"FEELER MO TEH!" sabi nung isang ale.
"Ayyyyy." sabay napatakip ako sa bibig.
Bakit ko nasabi yun? Antanga ulit nga.