》》》Stressed《《《
Mabilis na dinaluhan ni Darwin, ang kanyang sekretarya na bumagsak sa sahig upang tulungan, binuhat niya 'to at mabilis na lumabas mula sa opisina.
Halos takbuhin na rin ng binata ang elevator."Sir ano pong nangyari? "Ani ng taga maneho nito.
"Get the fucking car!"
"Yes sir."
"Oh shit Settei, what the heck happen to you please wake up." Wika ng binata habang buhat-buhat pa rin si Settei.
Mabilis naman binuksan ng driver nila ang sasakyan, upang bigyan daan ang amo at ang dalagang buhat-buhat nito.
Pagkatapos ay binuksan niya ang driver seat para sa amo."Ikaw na magmaneho Mang Gardo, bilisan mo." Ma-awtoridad na utos ng binata.
Habang nasa daan ito patungong hospital ay hindi mapigilan ni Darwin, ang hindi maiyak. Hindi kaya ng kanyang konsensiya ang nangyari sa babaing siyang nagpabago ng ikot ng kanyang mundo.
"Sir nandito na po tayo-"pukaw ni Mang Gardo, sa binata."-tama na iyan pag-eemot ni 'yo." Nakangiting turan nito, saka inalalayan ang amo.
Mabilis nilang ipinasok sa private room ang dalaga, naiwan naman sa waiting area si Darwin. Hindi mawaglit sa kanyang isipan ang nangyari sa dalaga kaya naman tahimik itong nagdasal.
"Mr. Dela Vega, she's fine. Over fatigue lang ang nangyari."
"Dra. Valdez, salamat akala ko kung ano na nangyari sa kanya. "
"Don't worry, kailangan lang niya ng mahabang pahinga sumobra yata ang pagbibigay mo sa kanya ng trabaho. "
"No no-"tanggi ng binata. "-pero amh sorry siguro ayaw ko lang na hindi siya nakikita."Malungkot tugong niya sa doktora.
"Magbago kana pinsan, maawa ka sa mga babaing nagugustuhan mo. 'Wag mo silang ikulong sa 'yong mga palad."
"Maria hindi naman sa kinulong ko siya-"tumugil muna ito sa pagsasalita at tiningnan ng maigi ang pinsan. "-kasi amh...umamin kasi ako na gusto ko siya, 'yon ang dahilan kaya siya nawalan ng malay." Nangingig na wika ni Darwin, alam nitong pagtatawanan siya ng pinsan.
"You mean she fainted because you express your feelings for her?"
"Please don't laugh."
"Ahh wala naman nakakatawa-" sagot nito ngunit tumawa pa rin ito ng buong lakas,that caught everyone attention. "-bro you made me laugh, alamo kung bakit? Kasi sa tanan buhay mo hindi ka pa nagtapat o di kaya nanligaw. She must be special to you cousin. "
"She's different I don't know when, but there's something in her that made me feel weird whenever I'm around her. "
"You love her." Diretsang tugong ng pinsan, ngumiti pa ito ng napakaganda bilang suporta sa binata. Kilala na niya ito dahil lumaki silang pareho sa iisang bubong, lumipat lamang sila ng kunin na ito ng grand parents nila sa mother side nito.
"I don't know yet, but I wanna be around her."
"Ingatan mo siya pinsan, mukhang napakabait niyang babae, and you know good people are sensitive." Sagot nito bago lumisan.
Nagtungo naman ang binata sa silid ni Settei, naupo ito sa kama ng dalaga at tiningnan ang kabuan ng mukha. Parang may magnetong humihila sa kanyang mga kamay upang hawakan ang mukha ng dalaga.
"Ang ganda mo, mala-anghel ang maamo mong mukha. My God how didn't I notice you before when we were a kids." Turan ng isip niya habang pinagmamasdan at hinahaplos ang mukha ng dalaga.
"Hmmmm." Ungol ni Settei, sa kama kaya naman nagulat ang binata 't bigla na lang itong napatayo.
"Settei, are you ok?"
"Ayus lang ako. Pero ano ba ang nangyari? "
"Nahimatay ka dahil sa sobrang stress sa trabaho, kaya nais ko sa ng ikaw ay magpahinga sa isang linggo. "
"Maraming salamat, pero okay lang ako." Mahinang sagot niya sa amo.
" I'm sorry, but I don't take NO for an answer-"pansamantala mo na itong tumigil sa pagsasalita. At tinitigan mo na ang babaing nagpapatibok ng kanyang puso. "- I just don't like to see you weak and tired, please listen to me ok." Pagmamakaawa niya, saka kinuha ang kamay ng dalaga at buong pag-iingat na dinala ito sa kanyang mga labi.
Parang naparalisa naman si Settei, dahil sa ginawa ni Darwin, ngunit sa kaibuturan ng puso niya 'y hindi maitatago ang sobrang sayang nadarama.
Namula tuloy ang mukha nito, kaya naman napangiti ang binata ng makitang pulang-pula ang pisngi niya.
"Settei, pagbalik mo sa trabaho gusto ko malusog ka. Okay at dapat manatili ang ganda mo."
"Sir, may gusto po ba kayo sa 'kin kahit na isa lang ako sa mga ordinaryong empleyado n 'yo?" Walang gatol na tanung niya sa lalaki.
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Darwin, hindi niya sukat akalain didiretsuhin siya ng dalaga pagkatapos ng ginawang pag-amin sa opisina niya.
"Sir?" Tawag ng dalaga sa kanya.
"What if I say yes? Would you accept my feeling's for you?" Namumulang tanong niya.
"Kapag po ba nagtanong ang isang tao, maari ba itong saguting isa pang tanong?" Taas kilay na tugon ng dalaga. Napakamot tuloy ng batok ang binata.
"Hindi-"humugot mo na ito ng malalim na bungtong hininga bago itinuloy ang sasabihin. "-pero Settei, gusto kita hindi ko alam kung kailan ito nagsimula pero alam ko gusto kita. At handa akung maghintay sa kasagutan mo."
"Pag-iisipan ko, alamo naman ang naging relasyon ko dati. "
"Alam ko. Ngayon magpahinga ka mo na bibili lang ako ng makakain natin, hindi pa tayo naka-pananghalian." Anya nito.
"Okay." Maikling tugong ng dalaga.
Nagpaalam na ang binata na lalabas mo na ito, samantala humiga naman ang dalaga at ipinikit na rin nito ang mga mata.
Ngunit hindi mapalis sa kanyang diwa, ang bawat salitang binitawan ng amo sa kanya lalo na ng buong tapang niyang ipinagtapat ang damdamin nito para sa kanya."Girl 'wag kang papadala sa matatamis na salita ng amo mo. Ang gano'ng lalaki hindi mapagkakatiwalaan." Anya ng isip ng dalaga, wari bang pinapayuhan siya ng sarili na huwag mo ng pumasok sa relasyon.
"Tumahimik ka." Sabat ng kabilang isip nito.
"Tumahimik nga kayong dalawa." Sita niya sa sarili, tama naman na nasa bukana ng pinto ang binatang si Darwin.
"Settei, sinong kausap mo?"
"Ay palaka!" Sigaw nito dahil sa pagka-gulat.
"Ngayon palaka naman ang tingin mo sa 'kin."
"Patawad sir, nanggugulat kasi kayo."
"Now now! No need to be shy and please call me by my first name. "Sagot ng binata, habang papalapit ito sa dalaga.
