》》》》》Confession《《《《《
Pagkalipas ng limang minuto handa na ang dalaga, lumabas na ito at nagtungo na kay Darwin, ngunit parang binuhusan ito ng malamig na tubig sa dinatnan tagpo sa opisina ng boss.
" I thought you are going to take me out. Why the heck you are here working?" Tanong ng nakakandung na babae kay Darwin.
"Honey I had to finish this and settle the matter with Clark." Malambing na sagot naman nito.
On the other side Settei, is shattered she was quivering she felt her world broke into a thousand pieces and her heart is being squished. Nasasaktan siya sa tagpong kanyang nasasaksihan para 'ng pinipiga ang buong kalamnan nito, oo hinde niya dapat maramdaman iyon dahil wala naman namamagitan sa kanila.
Ngunit hinde pa rin niya kayang pigilan ang kanyang damdamin, kaya naman nagpakawala ito ng malakas na bungtong hininga.
Napatayo naman si Darwin, ng marinig ang tinig nito. Nabigla siya sa biglang pagdating ni Settei, nakalimutan nitong ipinatawag niya ang sekretarya.
"Ouch Darwin. " Malanding wika ng babaeng puno ng kolorete ang mukha dagdagan pa ng kulay pula nito' ng damit na hanggang gitna lang nang mga hita nito.
Pero hinde binigyan pansin ni Darwin, ang hinaing ng babaing nahulog dahil sa bigla nitong pagtayo.
Nakatingin lamang ito sa dalaga, wari nito'y ipinako siya sa kanyang kinatatayuan.
Nabahala pa siya dahil sa lungkot na naaninag nito sa mapupungay na mga mata ng kaharap."I'm sorry I'll be back when you guy's are finish. "Walang emosyong anito ng dalaga, at mabilis na nilisan nito ang opisina ng amo.
Akmang tatawagin na siya ng binata ngunit hindi nagkaroon ng pagkakataon ang binata, kaya naman nasapo na lamang nito ang noo.
"Great this ia fucking great." Turan ng isip nito.
"Monica, can you please leave I need to finish my work."
"Oh come on Darwin, we were almost reach the climax if that bitch didn't come."
"Mind your words, I called her for a work."
"Fine I'll leave but you have to promise that you will come in my pad. "Panggigiit ng dalaga, she was obsessed to Darwin, at gagawin ang lahat mapa tiklop lang ang binata.
"I'm not sure what time I'll finish my work, sorry Monica." Kunwaring pagmamakaawang wika ng binata.
Hinde niya gusto ang babae, wala rin siyang nararamdaman para dito ngunit ayaw niyang magmukhang masama sa harapan ng babae.
Dahil magkaibigan ang mga magulang nila lalo na ang lolo at lolo ni Shain."Ok sa bahay mo na lang ako pupunta, let me know when you are free." Malungkot nito 'ng wika.
Tumango naman ang binata bilang sagot sa kaharap, dahil ayaw niyang mabasa ang pagsalungat sa babaing napupusuhan ng lolo nito. Though his grand pa did not see her yet in personal.
Samantala, labis ang pagtatangis ng damdamin ni Settei, hindi nito mawari kung bakit labis 'tong nasasaktan gayong wala naman sila.
"Dapat ako ang nakakandung sa kanya, dapat ako 'yong kahalikan dapat ako." Galit na galit na turan ng kanyang isip habang nakayuko ito sa mesa at hawak-hawak ang ballpoint sa kaliwang kamay.
Nasa ganon siyang posisyon ng tumunog ang kanyan cellphone, natapon tuloy niya ang hawak na ballpoint ng tumunog ang gadget. Asar na kinuha ang cellphone mula sa kanyang maliit na handbag at sinagot ito ng di tinitingnan ang caller ID.
"Hello sinu 'to?" Walang kabuhay buhay na sagot ng dalaga.
"Settei, let me guess you did not check the caller ID." Anya ng nasa kabilang linya.
"Kuya, napatawag ka may problema po ba?" Malumanay na sagot niya.
"Wala naman, pero kailan mo balak bisitahin si lolo ilang taon kana ng nawala at hindi mo pa rin binibisita. Umuwi ka nga pero hindi mo naman pinuntahan." May hinanakit na utas ng kapatid.
"Okay, kukuha ako ng leave next month for a week para madalaw siya."
"Don't say. Do it!"
"Okay okay...hindi mo kailangan maging maangas." Naka ngiting anya ng dalaga, saka nagpaalam na 'to upang tapusin ang trabaho.
Kinuha ulit niya ang kanyang ballpoint at par a ituloy ang ginagawa ng biglang bumungad mula sa pinto ng opisina ang binatang amo.
"Can I come?"
"Please come in sir. "Sagot niya sabay hila ng upuan para paupuin ang amo, kumuha na rin siya ng single table.
Maliit lang ang opisina niya pero kumpleto 'to sa mga gamit.
Naupo na rin ito sa kanyang upuan at hinarap ang amo na mataman nakatingin lamang sa ginagawa nito"Sir may kailangan po ba kayo?" Basag ng dalaga sa katahimikan, wari kasi niyang may nais sabihin ang boss ngunit hindi alam kong paano ito simulan.
"What you saw earlier was nothing I don't like her she's just one of my fling. "Matigas na tonong paliwanag ng binata. Habang nakatingin sa kausap, napalo niya ang mesang nasa harap ng maisip ang nasabi kay Settei.
"Excuse me sir, pero hindi mo kailangan magpaliwanag sekretarya mo lang ako. Tama diba?"
"Kahit na! Nakita mo ako sa gano'ng sitwasyon, ayoko lang ipag kalat mo." Pagmamatigas nito, kasalukuyan itong nakatayo at nakaharap sa pinto ng naturang silid. Para maiwasan ang mga katanungan sa mga mata ng harap.
"Sir, that's ok I'm not one those people who like to spread stupid rumours. "
"Even so, I still need to clear my name. "
"No that'-"naputol ang nais sa nang sabihin ng dalaga dahil sa bigla na lang itong nilapitan ni Darwin, at ginawaran ng isang nakakawindang na halik.
Hindi nagawang tumayo ni Settei, habang naka dungaw ang binata sa kanya. At magkahinang kanilang mga labi.
Waring ang mundo ng dalaga ay tumigil sa pag-ikot, at ang mga paro-paro ay naglipana sa kanyang puso at ang mga bituwin ay lumuhod sa kanya. Animo'y nasa alapaap ang dalaga, nakapikit na rin ang mga mata.
Hindi iyon ang unang beses na naghalikan ang dalawa, ngunit ang halik ngayon ng binata ay puno ng pag-iingat kahit na naroon pa rin ang pagnanasa ng binata na gawin ang higit pa sa halikan na nagaganap ay hindi ma pa rin maiaalis ang tamis ng halik nito.
"I like you Settei. " Wika niya sa dalaga ng bumitaw si Darwin, sa halikan nila.
"Since you started working under me, I can't take my eyes of you. I've tried but my heart keep on calling your name. "Dugtong pa nito.
Hindi nakahuma ang dalaga sa isiniwalat ng binata kaya naman bumagsak ito sa kanyang kina uupuan at walang malay na nakahadusay sa sahig.
