MBFS 5- Foreplay

2.3K 34 0
                                    

GENERAL POV

Since bati na ang dalawa, wala ng problema.^__^

Pero wait lang.. wala na nga ba talaga?? Hanggang saan ang kakayanin ng dalawa para lang sa relasyon na pinasok nila???

"sa wakas at pumayag ka na din. Anong nagpapayag sayo??" tanong ni Jun kay Drew

"Kapatid mo." Dulas na sabi ni Drew

"SI YURI?!" gulat na tanong ni Jun

"Ha??! Ibig kong sabihin kapatid ko! KO!" palusot ni Drew

"Aaa.. Akala ko kapatid ko... Buti naman kung ganun. Edi sasabihin ko na mamaya kela mama pag-uwi tas baka bukas pwede ka na magsimula. Dude a. Diretso uwi si Yuri, kung may pupuntahan man sya dapat paalam mo muna sa akin lalo na kela mama. Tsaka di ka pwedeng mawala sa tabi nun habang wala pa sa bahay." Sabi ni Jun

"Oo na. Instant body guard a." Sabi ni Drew

"Hayaan mo na. Mahal mo naman kapatid ko e." Sabi ni Jun

"HA?!" gulat na tanong ni Drew

"Relax! Ibig kong sabihin kapatid na din naman turing mo dun." Sabi ni Jun

"A.. Ok. Oo naman." Sabi ni Drew sabay kalma

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Alam naman na ni Yuri na si Drew na ang magiging driver nya, pero di nya alam na kinabukasan na magsisimula sa pagsundo si Drew..

Ibig sabihin lang naman ng magsusundo si Drew e di na sya makakagala kasama ung tropa nya kasi kailangan after class e sunduin nya si Yuri. Depende na lang kung may night class si Drew. Tsaka ibig sabihin na driver na ni Yuri si Drew, instant body guard na din. Halimbawa may pupuntahan si Yuri, dapat si Drew ang magd'drive para sa kanya at hihintayin naman ni Drew si Yuri hanggang sa pag-uwi.

"kuya bat mo namang ginawang body guard ko si Drew??" tanong ni Yuri sa kuya nya

"E bakit ba?? Mamaya sinasabi mo lang na may project pero ang totoo nakikipagdate ka. Ok na ung may magrereport sa akin, atleast nagagawa kong maging kuya sayo." Sabi ni Jun

"Psshh.. Sabihin mo tamad ka lang na ikaw ang magdrive at magsundo sa akin." Sabi ni Yuri

"Hindi din! Gustong gusto ko na magkaroon ng sasakyan kaso binawi nila mama." Sabi ni Jun

"Tama lang sayo un." Sabi ni Yuri at bago pa sya batukan ng kuya nya tumakbo na sya

DREW'S POV

KINABUKASAN...

Ilang oras na lang pala at susunduin ko na si Yuri. Excited po ko!^___^

Kasi di nya naman alam na ngayon na ko magsusundo sa kanya.. May bibigay nga ko sa kanya e.. buti na lang at may madadaanan na bilihan ng bulaklak bago ung school nila. SORRY DON ROMANTICO E! HAHA!

"O tol, kita na lang sa bahay. Ung kapatid ko a." Sabi ni Jun sa akin

"Oo. Wag ka mag-alala idederetso ko sa bahay nyo un." Sabi ko naman

Medyo walang kawala kapag may date kami ni Yuri. Kunwari maisipan naming lumabas after ng class, e pano un? Kailangan hatid agad sya sa bahay e. Tas kailangan pang patunay na may group project talaga un kung sakaling un ang idahilan nya sa kuya nya.

My Best Friend's Sister (SHORT STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon