MBFS 10- Kung maibabalik ko lang

2.4K 41 0
                                    

GENERAL POV

Ayon o. Medyo heartbreaking.<////3

Break na po sila at dito na nagtatapos ang story na to. HAHAHA! Joke lang guys!

Uhm. Ano na nga bang nangyari sa dalawa after nun??

Syempre si Yuri iyak-iyak.. Si Drew, iyak iyak din..

In short, iyak-iyak sila..

E kasi naman. Muntimang si yuri, ayaw mawala si Drew pero kinakalimutan nya. Kailangan pang tuluyang mawala bago nya marealize. Tsktsk.

“Tol, bat nga kasi?” tanong ni Jun kay Drew

“Ano? Un nga. Napapabayaan ko na si Yohan.” Sabi ni Drew

“Di naman e! Nagkasakit lang napapabayaan na?” sabi ni Jun

“Ganun na din un. E kung lagi kong kasama un, edi sana di na nagkaroon ng dengue un.” Sabi ni Drew

“Pssh. Grabe naman kasi ermat mo tol.” Sabi ni Jun pero di na pinansin ni Drew un..

Ilang araw na din kasi ang nakakalipas after ng paghihiwalay ng dalawa. Wala ng communication. Nagpalit na ng number si Drew at di na din sya pumupunta ng bahay nila Jun. After school, bahay na agad, at di pa din umuuwi ng laguna ang mama nila Drew at Yohan.

“Kuya ok ka lang?” tanong ni Yohan kay Drew

“Ha?? Oo naman. Bakit?” tanong ni Drew

“wala naman. Ilang araw ko na kasing napapansin na parang wala ka sa mood. Dahil ba kay mama?” tanong ni Yohan

“Hindi. Ano ka ba? Pagod lang ako.” Sabi ni Drew

“Bat di ka na pala nagsusundo kay Ate Yuri? Tsaka di na tayo pumupunta dun.” Sabi ni Yohan, di nya pa kasi alam..

“Ha?? A. E.. Nagresign na ko. Di na ko nagd’drive para sa ate yuri mo. Isa pa napapabayaan na kita, mas ok na to. Kahit papano may oras na ulit ako sayo.” Sabi ni Drew

“Pero kuya, di naman kaso sa akin kung wala ka ng oras.” Sabi ni Yohan

“pero kay mama merong kaso un. Tsaka masanay ka ng di na makita si Ate Yuri mo.” Sabi ni Drew

“Hala! Bakit?” tanong ni Yohan

“di na ba kayo?” tanong ni Yohan ulit

“Hindi na kaya wag ka ng umasang magkikita pa kayo nun. Masaya na un.” Sabi ni Drew at ayon natahimik si Yohan

Nalungkot ung bata pero wala namang magawa. Gustong gusto nya si Yuri para sa kapatid nya pero kasi di gusto ng tadhana na magkaroon ng happy ending si Drew at Yuri ng magkasama...

Nagkataon naman na may kailangang bilhin si Drew para sa project nila at dahil wala syang pera nanghingi sya sa mama nya..

“Ma, hihingi po sana ako ng pera. May kaila—“ sabi ni Drew

“AY NAKO! Tumigil ka! Madami akong iniisip. Wag ka ng dumagdag. Wala akong pera! Alam mong di pa ko nakakabalik sa laguna para magtrabaho tas hihingi ka pa!” sabi ng mama nya

“Ma kailangan ko lang talaga.” Sabi ni Drew

“Wala nga diba?? Anong gagawin ko?? Susuka?? Isa pa, tumigil ka na lang sa pag-aaral na yan kung wala kang panggastos!” sabi ng mama nya at ayon inalisan nya na lang..

Kesa sa sagutin nya pa, mag-aaway lang sila.

MONTH OF OCTOBER..

Kuhaan na ng grades at opening na ng enrollment sa school nila Drew..

My Best Friend's Sister (SHORT STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon