Chapter six.

23 2 1
                                    

Andito ako sa loob ng training room ng Acadamia. secured ang lugar nato para mag training sa nalalapit na Odeon Wizard Cup. umalis naman si Casper dahil gutom daw siya. Eh lagi namang gutom yung lokong yun.

Hinihintay ko nalang ang mga members na sasabay sa Odeon. Sa pagkaka alam ko tatlo lang ang pwedeng makapasok don. Kaya ngayon isa nalang ang hinihintay ko.

James Allister Frost. Top one ng acadamia. hindi nakalagay ang personal information niya sa data ng school. Nasa gitna ako ng pagbabasa ng may nasense akong paparating. bumukas ang double doors ng kwarto.

Handa na sana akong patamaan ng isang libong apoy ang papasok mabuti nalang napigilan kong itapon. Itapon lang pero nasa kamay ko parin ang apoy.

"Uhm. Hi?" Nagtatakang tanong ng babae. Teka sa pagkaka alam ko lalaki ang nasa profile kaya anong ginagawa ng isang to dito.

"Anong kailangan mo?" Pagtatanong ko. Nawala na ang apoy sa kamay ko. Pumunta ako sa gilid para uminom ng tubig.

"Oh. uhm. A-ako po yung isa sa mga kasali sa Odeon's Cup." Sagot niya habang naka tingin sa ibaba. Nagtaka ako. Tiningnan ko ang letter na pinadala ng council.

All Academies should participate in this said Competition all will be requested to select six of your top students. We will wait for your reply.

Shit. Anim nga. tiningnan ko yung babae. Naka tayo parin siya duon.

"Anong pangalan mo?" Pagtatanong ko sakanya. Ibinaba ko ang letter saka umupo sa isang silya.

"Dane Chan po." Sabi niya. Tumango naman ako.

"Specialty?" Pagtatanong ko uli. Hindi siya kumibo. Tiningnan ko siya.

"Healing po." Sabi niya. I nodded once again. She's fit for a healer. Hindi siya ganoong ka tangkad at hindi intimidating. Okay kailangan ko ng tumugil sa kaka husga. nagiging masama na ako. Umupo si Dane sa katabi kong upuan. Bat ba ang tagal ni Casper eh kanina pa yon ah. Magdadalawang oras ng wala ah.

booooooogshhhhhh!

Napatayo ako. Teka alam kong pagsabog na yon ah. napatakbo ako papuntang field at dun ko nga nakita si Casper na nakikipaglaban sa isang styudante.

Si James Allister Frost.

------------

Heyaaaaaa. So sino mahilig sa short stories? Balak ko kasing gumawa eh. Hahahaha. Ano tingin niyo kay Allister?

Vote and comment para masaya.
Chosss.

AcadamiaWhere stories live. Discover now